Based po ito sa isang film na napanuod ko. :) Ang cute kasi ehhhhh. =)))
May isang misteryosang babae ng naglalagay ng note sa pintuan ni Red. Sino kaya siya? :)
_______
"Sorry Red. Pero hindi kita pwedeng sagutin. Dahil aalis na ako. Pupunta na akong America."
"Pero Ira. Mahal kita. Hindi ko alam an gagawin ko."
Pero niyakap lang ako ni Ira. Si Ira. Siya yung niliigawan ko. 5months na akong nanliligaw sakanya. Pero ganito lang. Iiwan niya ako. Wala akong magagawa. Pagkatapos niya akong yakapin eh umalis na siya. I was left dumbfounded.
**
~AFTER ONE WEEK~
"Salamat po manong. Ingat po kayo." hinatid kasi ako ng driver namin sa bagong bahay namin nina mama. Pero ako lang ang mag-isa dahil nasa second honeymoon sina mama at papa.
Ako nga pala si Red. 17. Bigo kay Ira. Bow.
Pagkatapos ko namang ayusin ang gamit ko sa kwarto ko eh kumain muna ako. Tapos lumabas para magpahangin. Pagalabas ko ay merong note sa pinto ko. Wala naman kasing gaate yung bahay namin. Ewan ko pero parang American house ito. Nagtaka ako at binasa yung note.
'Welcome to the jungle! Este welcome to the neighborhood!'
Ano namang kalokohan ito? May note pang nalalaman. Pero okay na din. Wala din akong makauspa sa bahay. Pumasok ako at kinuha ko yung bolpen ko at sticky note. At nagsulat.
'Salamat. :-)'
Tapos dinikit ko na sa pinto ko. Napangiti naman ako at nagatataka kung sino ang misteryosong taong nagdidikit nito sa pintuan ko. Pero nakakatakot malay mo bakla pala to. Hahahaha. Pero wala namang mawawala at walang masama. Umakyat na ako at natulog.
***
Na-excite naman ako sa paggising ko dahil baka meron ulit memo doon sa may pintuan ko. At hindi ako nagkamali.
'Smile always! ;-)'
Nagsulat ako tapos dinikit ko din sa pintuan.
'I will! you too by the way. =))'
Kinuha ko yung nakadikit na memo tapos dinikit sa dingding ko. Oo lahat ng memo niya nakadikit sa may dingding ko. Sino kaya itong babae na ito? Sigurado akong taga dito lang din siya. Niyaya naman akong magbasketball ng mga barkada ko sa may park. Meron kasing court doon.
"Pareng red kumusta kana? Hahahaha" ibang klase tong si Kim. Tinutukoy niya yung pagkabasted ko kay Ira.
"Tumahimik ka nalang dyan Kim ah. Hindi porket sinagot ka na ng bestfriend mo eh lovelife ko naman ang guguluhin mo." sabi ko.
Eto kasing si Kim torpe to eh pero ngayon ang yabang kasi naging sila na ni Ish. Yung bestfriend niya na palaging minamalas.
(A/N: Opo yung sa story number one kabarkada yun ni Red)
"Pare time out nakakapagod." sabi naman ni Teddy.
Natapos na yung game namin taops umuwi na ako. Papasok palang ako eh may naaninag na papel sa may pintuan. Kinuha ko agad ito at binasa.
'Ang cute mo today, bagay sayo yang jersey mo.'
Todo ngiti naman ako na tumitingin sa paligid kasi baka andyan lang siya diba? Gusto ko nang makita itong babaeng ito.
Pumasok ako at nagsulat.
'Salamat. Hehehe. That made me smile. :-)' at idinikit ko na ito.
Halos dalawang linggo ata kaming nagsusulatan. Kung anu-ano an gmga pinag-uusapan namin. Through that memo note. And dami na ngang nakadikit sa dingding ko eh. Pero okay lang kahit papaano nakakalimutan ko si Ira. I wanna meet this girl.
**
Paggising ko eh bumaba ako tapos himala, wala akong nakitang sulat. Kaya ako naman eh sumulat nalang.
'Don't you think it's time that we should meet? Tomorrow, 6pm at the park. ^_^'
Agad naman lumubog ang araw. Parang ang bilis. Occupied lang siguro yung utak ko. Ano ba yan na eexcite na ako para bukas.
**
5:45pm.
Nandito na ako sa park. Halata bang excited ako. Pero pakiramdam ko uulan. Sana naman hindi. Sana hindi mahadlangan ang pagkikita namin ng mystery girl ko.
6:10pm. Wala parin siya. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at nabasa ako. Napagpasyahan ko nang umuwi dahil alam kong hindi naman dadating ang mystery girl ko.Pagkauwi ko eh agad akong naligo at nagpahinga ako at nag online saglit.
What's on your mind? -- Maglalagay muna ako ng bagong starus dito sa facebook.
'Mystery girl.'
Yung lang yung status ko tapos biglang nagpop up yung chatbox ni Ira. Tinanong niya kung ano ba daw yugn ibig sabihin ng mystery girl. Why all of a sudden naging interesado siya sa nangyayari saakin? Hindi naman ako nagreply. Nag offline na ako at natulog.
**
'Love is sweeter the second time around.'
Yung lang yung nakasulat sa papel at hindi ko maintindihan yun. Love is sweeter the second time around? Tapos agad agad akong naligo at pumunta sa lugar kung saan kami unang nagkakilala ni Ira.
Hindi ako nagkamali. Nandito siya. Si Ira. Imposible. Siya yung mystery girl ko? Bakit pa niya ako sinaktan? Ang adik ng babaeng ito. Habang nilalapitan ko siya eh nakikita ko yung mga lobo na nakapaligid sa dinadaanan ko. At ang mga ila na nasa paligid ko din.
"Love is sweeter the second time around Red. I love you. Napatunayan ko na mahal kita. Hindi kita kayang iwan. Patawarin mo ako."
"I love you too. Dahil sa ginawa mo mas lalo akong napamahal sayo. Salamat Ira. Akala ko iiwan mo na talaga ako." sabi ko.
"Hinding-hindi. Mahal kita Red.."
Niyakap ko siya at sobrang saya ng pakiramdam ko. My mystery girl is the only girl I will love.
--------------
HOW LAME NAMAN ANG STORY KO NA ITO. HAHAHAHAHAHAHA. =))))
BINABASA MO ANG
Unexpected love (Short stories)
Short StoryShort stories inspired sa mga nababasa ko at nanapuod ko. =))) -beyondmyreach