<Teddy's POV>
Kinakabahan ako. Andito ulit si Pepper sa library. Palagi kasi siyang nandito eh. Palagi ko lang siyang tinititigan ko lang siya palagi dito sa malayong parte ng library. Kasi natotorpe ako kapag nandyan siya. Sino bang hindi? Eh crush na crush ko itong si Pepper simula nung Second year eh. Graduating na ako pero hindi ko padin nasasabi sakanya yung nararamdaman ko. =_____=
**
"Class, kasegtiqhr4glikwhqfeihf2iefhqwkiwfenwebvjbgfhwefhbjkghwklfw. Class dismissed. "
Haaay buti nalang tapos na ang klase para sa araw na ito. Pero kumpleto ang araw ko ngayon kasi nakita ko si Pepper. *u* Nagddaydream ako nang may biglang umakbay saakin.
"Pare, weak ka talaga!" sabi ni Kim.
"Oonga." sabi naman ni Red.
"Tumigil nga kayo." sabi ko.
"Pare malapit na tayong gum-raduate. Hindi mo parin nasasabi yang nararamdaman mo para dyan kay Pepper."
"Sasabihin ko din. Hintay lang kayo."
"Hahaha patawa kaba? Dati mo pa sinasabi yan!"
Pagkauwi ko naman eh naisip ko nga na masyado nang matagal naka-stuck yung nararamdaman ko dito sa puso ko. Inaamag na nga ata eh. Joke lang. Gusto ko nang sabihin sakanya. Bukas kaya? Tama bukas nalang.
**
Nandito ako ngayon sa library. Ang daming tao. Pero bakit parang wala si Pepper? Aw =__= Ayaw ata ng tadhanang magtapat ako sakanya. Ayoko nang hanggang sulyap lang ako. Grabe naman.
"Uhm. Excuse me, may nakaupo ba dito?" may nagtanong. Pagkatingin ko naman kung sino.. OMG
"Ah.. eh.. uhm.. ah..."
"May nakaupo ata dito.. Uhm.. Sige. Sorry."
BINABASA MO ANG
Unexpected love (Short stories)
Short StoryShort stories inspired sa mga nababasa ko at nanapuod ko. =))) -beyondmyreach