Start of something new.

101 1 0
                                    

"At some point, you have to realize that some people can stay in your heart but not in your life. But never, ever forget to smile and carry on." binasa ko. Ano to? Lokohan? Sino naman maglalagay ng ganito dito? Pinapatamaan ba ako? Kainis. Pero totoo naman yung sinasabi nun eh. Nakita ko lang itong maliit na envelope na'to sa cafe kung nasaan ako. Dito ako pumupunta kapag masama ang loob ko. Hindi ko alam kung bakit.

Well, ibig sabihin masama ang loob ko. Hindi kasi sinabi ng girlfriend ko na mag-aaral na daw siya sa New Zealand. Ang sakit. Ayaw daw niya akong masaktan pero mas nasasaktan ako ngayon kasi nalaman ko pa sa iba. Buong araw kong inisip yung quote na yun. Este ayaw mawala sa utak ko! Kainis.

Ako pala si Sedrik. It's complicated. 

_

It's summer! Hindi ko magawang magsaya kasi yung mahal ko eh iiwan na ako. Hindi kaya madali ang Long Distance Relationship. Marami nang nagrisk pero nauwi din sa wala. 5months and a half na kami ni Christine. Nagkakilala kami sa school nila. University Days kasi nila nun and the rest is history. :)

*Ring*

Babe calling...

Ako: Hi baby! I miss you! Napatawag ka?

Babe: Nasaan ka? Pwede ba tayong magkita?

Parang kinabahan ako doon sa sinabi niya. Ano kayang sasabihin niya? Parang hindi ko ata kaya.Pero wag munang mag-isip ng negative.

Ako: Nasa *toot* cafe. Ikaw? Puntahan kita.

Babe: Andito ako sa park sa may subdivision namin. 

Ako: Ok puntahan kita.

@Park

"Ano pala yung dapat nating pag-usapan?" tanong ko sakanya.

"Diba alam mo na yung tungkol sa pag-alis ko? Can we talk about it? Hindi natin pwedeng iwasan nalang palagi yung topic na to Sedrik." parang pinagpapawisan ako ng malamig. Iiwan na ba niya ako?

"Sorry na. Iniisip ko palang na aalis ka eh hindi ko kaya."

"I know baby. Hindi ko naman ginusto ito eh. Si papa kasi, ngayon lang makukumpleto ang family namin. Marami silang sacrifices na ginawa para makapunta lang kami doon. I'm sorry." hindi ako makaimik. Parang nalunok ko yung dila ko.

"Anong balak mo niyan?" tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected love (Short stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon