Evil Chapter Two :)

74 7 2
                                    

Angel's POV

"Bakit ba ang tagal tagal mo maligo" singhal ko kay Joan na nasa loob pa ng banyo.

"Oo na, malapit na" sagot naman niya mula sa loob.

Naman oh ! 7:30am na di pa din ako nakakaligo.

8am pa naman ang pasok ko, baka mawala pa yung schorlaship ko nito pag nagkataon.

1st year college na ko sa Heaven Univ. sikat na eskwelahan dito sa Pinas.

Business management ang course ko, para maiahon ko man lang ang nanay kong nasa probinsya.

Iniwan na kasi kami ng tatay ko nung nagbubuntis si Nanay sakin, hindi ko pa nga nakikita yung Mokong na yun.

Ni hindi niya rin yata alam na may anak siya eh, pero kahit iniwan niya kami napatawad ko na siya, gawa ng Butihin kong Ina. Kaya siguro ang bait bait ko din. Haha

   "Manong para! Para na manong!" sabay hinto naman ng jeep na sinasakyan ko. Imba naman, lampas pa.

"Ate anong oras na po?" tanong ko dun sa babae

"7:50 na po" sagot niya

"Ah! Thanks po" sabay takbo ko ng mabilis. Badtrip, male-late na talaga ako nito! 

Nakarating nako sa school takbo pa din ako ng takbo.

Ayun! Dun na nga yung room ko. Naman! Late na nga ako. Narinig kong pinatahimik ng Prof. ang lahat.

"Good morning Sir. Sorry I'm late" bungad ko. Patay!

Mukhang kanina pa bad trip 'tong Prof. na 'to naka taas pa ang gitna ng daliri niya.

"What took you so long, huh?" tanong ni Sir, sabay hampas ng desk niya. Lagot!

"Pasok na, mukhang hindi ka pa yata nakakaintindi ng English, magpakilala ka dito sa gitna" sabi ni Sir

"O-okay po." nag punta na ako sa harap

"I am Angel Mapagpasensya. 16 yea-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit yung Prof. namin.

"Tama na yan, Ms.Pasensya"

Mapagpasensya po!!

"Dahil unang araw pa lang naman pagbibigyan pa kita. Do you have any talent?" tanong niya.

Wooh  !! Buti na lang. ^o^ 

"I can sing S-" di ko na naman natapos yung sinasabi ko.

"Ok then Leron leron sinta, Right now!" sabi niya.

Ano daw?

Leron leron sinta?

Tama ba yung narin-

"Ano kakanta ka ba?" -Sir

"Ah. O-opo." Edi kakanta na!

"Leron Leron sinta, buko ng papaya, dala-dalay buslo, sisidl- -"

"Oh, what's happening here? Hehe. Am i too late? You can sit now. I'm Ms.Yuki and i'm your Professor." Sabay ngiti ng babaeng pumasok.

Teka!?

Wait!?

Sandali nga!?

Anong ibig sabih-

"Hm, Miss singer? pwede ka ng maupo."

Ay! Bw.sit! Pinagtripan lang ako ng lalaking yun?

Arghh! naghanap na ko ng mauupuan. Umupo na lang ako dun sa may dulo.

EVIL's SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon