Evil Chapter Seven :)

54 4 0
                                    

   

Angel's POV

Nandito pa din kami ni Bill sa tapat ng pinto ng room namin. Pinatitignan niya kasi yung mga mata niya. Tinignan ko naman. Brown ang kulay ng mga mata niya,

may mahahabang pilikmata na parang sa babae. Ayos naman ah? Ang Jolly naman ng mata niya eh.

Di gaya ng kay Eduard, nakakatakot yung mata niya tapos itim na itim pa. Ang Angas ng mata sarap sapakin eh. Parang pal-

"BOO!"

"AY! PALAKANG EDUARD! Ano ba?" sigaw ko kay Chinito boy, ginulat ba naman ako

"AYAMSA TAN!! BAKIT HINDI KA NA LANG MANAHIMIK HABANG BUHAY!?" sabi ni Bill

"Wahahahaha" hagalpak sa tawa ni Chinito boy. Baliw yata amp.

Pumasok na siya ng room, sumunod na lang ako. Naupo na ko, kasunod ko na din pala si Bill.

Nakabusangot siya na parang batang inagawan ng laruan. Lalo tuloy siyang gumwapo, hehe.

Pumasok na din si Ms.Yuki kasabay ni Eduard na mukhang may problema. Gusto ko ng lumipat ng upuan, tatlong adik ba naman daw kasi ang makatabi ko?

Una si Chinitong Antukin. Tapos si Bill na may pagkaweird sa pananalita. Huli ay itong lalaking 'to na naglalakad.

"Problema, 'san?" Bill

Aysus! Kadadating lang magdadaldalan na agad?

"Si Dad. Wag na pagusapan" sabi ni Eduard sabay tawa ng pilit

"Hoy! Inuman tayo maya? Di niyo ko sinama nung nakaraan eh" Chinito

"Di ba sabi ko sayo manahimik ka na lang panghabang buhay?" Bill

"Haha, sige maya. Tumawag ako sayo nun eh, tulog ka na nga lang yata" Eduard

Dadaldal! Teka? Eh parang nakikinig din ako ah? Psh. Okay. Focus na lang kay Ma'am

"Good morning class" matamlay na bati niya

"Hays! Tinatamad ako class, kantahan na lang muna kaya tayo?" dagdag niya

Err!? Tinatamad? Adik din pati teacher. Maadik din ako dito eh

". . . ige. Tignan natin." Eduard sabay tawa ng nakakaloko.

Tuwang tuwa naman 'tong wala kaming gagawin. Mga tamad!

Di ba nila alam na kaya sila pumasok ng eskwela ay para mag aral?

Mga kabataan nga naman ngayon. Ay teka bata pa din"Yuki! Si Angel na daw ang unang kakanta"

naman pala ako ah. Pero dapat may tamang oras sa m-

"Ano!?" sabi ko

Awtzu! Napataas pa yung boses ko

"Sorry po Ms." sabi ko

Kaadik talaga ng lalaking 'to!

"Punishment" Pancit Canton

"Yea, Punishment. Sino ba naman ang may karapatang sumigaw sa Professor, Duh!" Neneng Duh!

Aba talagang ginagalit ako ng mga 'to ah

"Bawal ba talag-" 

"Hm. I think you should have punishment nga. Hehe" pagpuputol ni Ms.Yuki sa Pagong na kaibigan ni Pancit Canton

"Punishment!! Punishment!!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko

Napaka! Yumuko na lang ako

"Wag kang kabahan Ms.Mapagpasensya, di naman ako ganun katerror ni Ms.Lubyo eh.

EVIL's SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon