Third person POV
Madilim pa lang ang paligid, ngunit mapapansin sa ibaba ng burol ang maliit na bayan, kung saan gising na ang mga exousian at inaasikaso ang kani-kanilang paninda.
Sa loob ng maliit na barong-barong sa bayan na iyon makikita ang isang binata na nakatingin sa isang lumang salamin. Mapaghahalataan na bagong gising ang kanyang itsura dahil sa magulong buhok nito, ang itim na itim niyang buhok na may kahabaan ay hindi pa naayos. May roon syang kulay pulang mata na napakapambihira ngunit nakakapangilabot kung titignan. Ang mapuputi nitong kutis na mapagkakamalang hindi sinikatan ng araw, mayroon rin syang mapupungay na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi.
Kung susumahin ang binatang ito ay may kaakit-akit na mukha. Mapapansin rin ang kanyang makisig na pangangatawan dahil sa batak na trabaho. Kung titignan mo ang kanyang kabuuan mapagkakamalang galing sya sa isang maharlikang angkan. Ngunit ang binatang ito ay ulilang lubos at naninirahan sa pinakamahirap na bayan sa kaharian ng Zendar, ito ay ang maliit na bayan ng Grandi.
Matatagpuan ang bayan na ito sa siyudad ng Demi, ang bayan ng Grandi ay tinuturing pinakamahirap sa lahat ng bayan dahil na rin sa mahihinang mamamayan nito. Ang mga mamamayan na may mga kakayahan o mas tinatawag na kapangyarihan ay hindi nakakapag-aral sa akademya ng Demi dahil sa kakapusan ng pera, tanging mga paunang kaalaman lamang ang kanilang natutunan sa una hanggang ika-anim na antas sa mababang paaralan. Ang mga mayayamang opisyales naman ng bayan ay mga bulag dahil wala itong ginagawang aksyon para sa pag-unlad ng bayan.
Papasikat na ang araw, hudyat ng pagdating ng mga kawal sa bayan ng Grandi, lumabas na sa maliit na barong-barong ang lalaking may pulang mga mata. Nakasuot ito ng kupas na pantalon at lumang itim na damit, mayron din syang suot na tsinelas na mumurahin na magagamit nya sa pang araw-araw na gawain. Ang binatang ito ay si Dark Taylor......
Araw-araw walang bago sa kanyang ginagawa, gigising ng maaga upang magtrabaho bilang kargador sa maliit na tindahan ni mang ted, o kung hindi naman tutulong sya sa pag-gawa ng gamot o potion sa tindahan ni aling marta. Ang kanyang kita ay sapat lamang sa pang araw-araw na gastusin, kung may natitira man sakali sa maliit nyang kita ay kanya itong tinatabi.
Makikita sa kanyang mga mata ang lungkot at awa, hindi para sa sarili kung hindi para sa kanyang bayan. Napansin nya rin ang mga kawal na paparating. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago nagsalita.
"Dumating na naman ang araw na kinamumuhian ko, ang araw ng pagpili. Ang malas na araw para sa mga mamamayan ng Grandi" mahinang sambit ng binata
Sana naman ngayon magtagumpay ang sino mang mapili sa aming bayan at makabalik sya ng buhay.
Sambit ni Dark sa kanyang isipan, pinagmasdan nya ang kanyang bayan at muling nagwika sa kanyang isipan.
Pero alam ko naman na ilusyon lamang ang ninanais kong mangyari. Hindi sanay ang mga exousian sa Grandi pagdating sa pakikipaglaban.
Napabuntong hininga si Dark sa naisip, mahihirapan ang kung sino man na mapapabilang sa kompetisyon na umuwi ng buhay. Lalo na sa isang exousian na taga Grandi.
Lumakad si Dark palabas ng kanyang munting bahay at nagtungo sa sentro kung saan gaganapin ang pagpili sa susunod na hahatulan ng tiyak na kamatayan.
Lumakad si Dark patungo sa sentro nadaanan pa niya ang ilan sa mga kabahayan at tindahan na maagang nagbubukas ngunit hindi kataka taka na sarado ito ngayon kahit na nasa labas ang may ari ng tindahan. Nagtitipon tipon ang lahat ng mga mamamayan at isa lamang ang kanilang patutunguhan ngayong araw. Iyon ay ang sentro ng Demi. Espesyal ang okasyon ngayong araw dahil na rin sa entablado na nakalagay sa sentro na minsan lamang ginagamit, may malaking screen din sa tabi ng entablado na mapaghahalataang hindi ito galing sa bayan ng Grandi lalo na at kailangan ng malaking halaga upang makabili ng ganitong klaseng kagamitan.
Kay gandang pagmasdan ng screen lalo na at makintab ito at may malinaw na larawang ipinapakita. Bawat mamamayan na may edad trese pataas ay may larawan na nasa screen. Kamangha mangha sana ito para sa mga exousian ng Grandi dahil nasa screen ang kanilang larawan, kung hindi lamang sa okasyon ngayon at ang dahilan kung bakit ang mga mukha nila ay naroroon.
"Sana ay hindi ako mapili sa Tournament" paulit ulit na sambit ng isang lalaki na nasa edad trenta. May kulay kayumanggi itong damit na kupas at hirap ito sa paglalakad dahil na rin sa pilay sa kanyang kanang paa.
"Nag alay ako ng mga pagkain at kanin kagabi upang hindi mapili sa tournament"
"Nasa hulihan ang larawan ko sa screen kaya tiyak na hindi ako mapipili ngayong taon"
"Bakit ba hindi kayo magsanay imbes na magdahilan kayo patungkol sa Tournament?" sabat ng isang lalaki na may suot ng damit na gawa sa balat ng Demon beast. May markang hiwa ito sa kanyang mukha na nagpabangis sa kayang itsura. May dala itong malaking palakol sa kanyang likuran, at may malaki itong ngisi sa kanyang mukha na dahilan kaya makikita ang isang ngipin nito na may kulay ginto.
"Allan mukhang kauuwi mo lang galing sa kagubatan. May balak ka bang mag boluntaryo sa Tournament?" sambit ng lalaki na may pilay sa kanang paa.
Nanigas naman ng bahagya si allan sa narinig ngunit patuloy pa rin ito sa pag ngiti.
"Tignan na lang natin ang kapalaran kung mapipili ako sa tournament ay malaking bagay iyon sa bayan natin dahil magkakaroon na tayo ng kampyeon sa bayan natin" mayabang nitong sambit, hinawi pa nito ang kanyang mahabang buhok.
"Tama ang sinabi ni pinunong allan. Kung sana lamang ay siya ang mapili sa tournament tiyak na magkakaroon ng pag asa ang bayan natin" nakangiting sambit ng isang lalaki na taga sunod ni allan. Ngumit naman ng malawak si allan at tumango-tango pa.
"Kung ganun pala ay dapat na magboluntaryo siya upang maging napili. Tutal ikaw na rin naman ang nagsabi na magkakaroon ng pag asa ang bayan natin kung siya ang mapili. Magboluntaryo ka na allan dahil noong huling Tournament of Power mo pa iyan sinasabi, naduduwag ka lang!" sambit ni lukas isang batang lalaki na nasa edad trese.
"Mag ingat ka sa pananalita mo bata. Baka ikaw ang mapili ngayong taon dahil sa tabas ng bibig mo!" galit na turan ni allan rito. Ngumisi naman si lukas sa narinig.
"Hindi ko kailangang mag alala hindi ba't mag boboluntaryo ka naman para magkaroon na ng kampyeon sa bayan natin" sagot pa nito sa grupo ni allan.
Nilagpasan ni Dark sina allan at lukas na ngayon ay nag aaway gamit ang mga salita. Napailing sa kanyang isipan si Dark.
'Kaya siya laging napapahamak dahil sa bibig niya'
Napatigil sa pag aaway ang dalawa dahil sa tunog ng isang trumpeta. Ang tunog na ito ay ang nagsisilbing hudyat para sa sisimulang okasyon. Ito ang tunog para sa bagong napili.
____________________________________________________________________________
A/N: Inspired by Titan Academy. Hope you like the first chapter, Free to comment and vote. Thanks d^___^b
*May mga chapter akong babaguhin and may ibang chapter na hindi. So ito iyong isa sa nga chapter na dinagdagan ko lang. Dahil na realize kong ang konti pala ng first chapter ko. Thanks for reeading
*Bukas ko na po itutuloy ang pag edit dahil nahihirapan akong magtype at basa ang kamay ko. Ang hirap ng pasmado.
BINABASA MO ANG
Tournament of Power (Completed)
FantasyAng Tournament of Power. Laro kung saan buhay ang nakataya. Ang bayang mananalo ang siyang magkakaroon ng pabuya. Ang bayan ng Grandi ang pinakamahirap na bayan sa kaharian ng Zendar. Isa sa mga bayang kalahok sa Tournament of Power. Ang bayan kung...