Kabanata 5

2.2K 166 7
                                    

Dark POV

Naririto ako ngayon sa loob ng isang karwahe. Papunta sa istasyon ng tren, ako ngayon ang malas na napili para sa tournament. O mas tamang sabihing ang baliw na nagboluntaryo na palitan ang napili.

Ilang minuto lang ang naging paglalakbay. Hindi naman ganun kalayo ang istasyon sa sentro, kaya madali lang makarating dito. Matapos huminto ang karwahe ay lumabas na ang tagapamahala. Matapos niyang makababa ay sumunod naman ako. Inilibot ko ang aking paningin, ang istasyon ng tren ay isa sa simbolo ng kahirapan ng aming bayan.

Makikita rito ang lumang riles at ang lugar kong saan hihintayin ang tren. May bubong ito na gawa sa yero, ngunit mapapansin ang mga butas nito. Ang haligi na sumusuporta rito ay gawa sa kahoy, na kahit papaano ay matibay naman. Mayroon namang mga upuan na gawa sa kahoy, at mapaghahalataang luma na. Ang lugar na kinatatayuan ko naman ay hindi sementado, sa katunayan ang lugar sa paligid ng riles ay maalikabok.

"Sumunod ka sa akin" isang tinig ang nagpahinto sa akin sa pagtingin sa buong paligid. Yun ay ang tinig ng tagapamahala, sinundan ko lamang siya. Hanggang sa makarating kami sa isang tren na kulay itim, simple lamang ang itsura nito. May nakalagay na simbolo sa gilid ng tren, makikita rito ang isang anino ng kastilyo at sa ibaba nito nakasulat ang pangalan ng aming bayan. Grandi.

"Halika ka na at pumasok sa loob" sambit sa akin ng tagapamahala. Nauna na siyang pumasok sa tren, inilibot ko ang aking paningin sa aking bayan. Susulitin ko na ang pagkakataong ito, dahil walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba ako ng buhay. Ang totoo niyan ay natatakot ako. Natatakot ako, hindi dahil sa nakataya ang buhay ko sa paligsahan kung hindi, natatakot akong mamatay ng hindi ko man lang nakikita ang pag-unlad ng aking bayan.

Ang bayan na puno ng kasiyahan kahit na naghihirap ang mga naninirahan rito, kahit na hinahamak nila kami. Patuloy pa rin ang pag ikot ng aming pamumuhay. Pinagmasdan ko pa ng husto ang lugar na tila natatakot akong makalimutan ang itsura ng pinagmulan ko.

Nagsimula na akong humakbang patungo sa tren.

Isang hakbang....



Dalawa.....




Tatlo.....



Kakayanin ko ba talaga itong desisyong ginawa ko.



Apat....




Mabubuhay pa kaya ako?



Lima....




Natatakot ako!

Isa akong lalaki pero ramdam ko ang takot at kaba sa aking dibdib. Alam kong kaduwagan ang pagtakbo, ngunit iyon ang sinasambit ng isip ko ngayon.

Tumakbo ka! Tumakbo ka! Huwag kang aapak sa tren kung hindi ay hindi ka na makakabalik pa ng buhay.

Nakakairita ang boses na iyon sa isipan ko.



Anim....



Gusto ko pang mabuhay!

Kaya tumakbo ka!



Pito.....


Pero sa bawat hakbang ko ay papalapit ako ka'y kamatayan. Bakit nga ba ako nagpapakabayani?

Tumakbo ka!





Walo....



Gusto ko pang makabalik sa bayan ko kaya, kailangan kong manalo. Kahit anong mangyari mananalo ako! Hindi ako tatakbo!

Tournament of Power (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon