Kabanata 4

1.8K 167 7
                                    

Dark POV

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Umiling-iling pa ako habang natatawa ng mahina.

Kakaiba ang bubwit na iyon, nagawa niyang makatakas sa mga tagabantay. Pero kahit na ganun alam kong mahahanap parin siya kahit saan siya magtago. Kawawang bata, matatapos ang buhay niya ng maaga pagtuntong niya sa tournament.

"Oh! Dark bakit natatawa ka riyan? Tumulong ka na lang sa paghahanap sa batang napili" wika ni mang ted na siyang nagpahinto sa akin sa ginagawa kong pagtawa.

"Uuwi na lamang ako mang ted, mas marami akong importanteng gawain. Hindi ako kikita sa paghahanap sa isang bubwit" matapos kong magsalita ay tumalikod na ako at kumaway sa kanya habang paalis sa centro. Narinig ko pa ang mga reklamo ni mang ted sa akin, ngunit binaliwala ko na lamang ito.

Tahimik kong binabagtas ang daan patungo sa aking munting tirahan, ang totoo niyan ay wala naman talaga akong importanteng gagawin ngayon. Dahil na rin sa pagpili ngayong araw, naging okyupado ngayon ang isipan ng mga naninirahan rito sa bayan namin, at napagpasiyahan na isarado muna nila pansamantala ang kani-kanilang tindahan. Kasama sa mga nagsara ngayong araw si aling Marta at mang Ted, sa kanila ako nagtatrabaho at kumikita ako ng pitong bronze araw-araw.

Ang pitong bronze ay malaking halaga na para sa isang katulad ko. May naiipon pa nga ako sa kinikita kong yan. Sarili ko lang naman ang binubuhay ko kaya napagkakasya ko ang kakaunting kinikita ko sa araw-araw.

Nang makalapit ako sa aking munting tirahan may narinig akong ingay na galing sa kagubatan. Malapit lang ang tirahan ko sa bungad ng kagubatan kaya kung may naglalaban sa kagubatan ay maririnig ko. Pumasok ako sa loob ng kagubatan upang makita kung sino ang naglalaban ngayon. Hindi pa ako nakakalayo sa bungad nang may nakita akong dalawang lalaki, agad akong nagtago sa likuran ng isang puno. Sinilip ko kung sino ang dalawang iyon, bahagyang kumunot ang noo ko ng mapansing si Lukas at Allan ang naglalaban. Hindi matamaan ni Allan si Lukas dahil na rin sa bilis nito, ngunit kapansin pansin ang pamumuo ng pawis sa noo ni Lukas. Hindi kasi ito sanay sa pakikipaglaban kaya madali siyang mapagod.

Nakatalikod sa akin si Allan pero nalaman kong siya iyon dahil sa malaking palakol na ginagamit nito upang saktan si Lukas. Mabilis akong pumunta sa likuran ni Allan bago pa siya makakilos ay malakas kong tinamaan ang kanyang batok gamit ang gilid ng aking palad.

Bumagsak si Allan at tingin ko ay matatagalan bago siya magkamalay. Nagulat si Lukas sa ginawa ko ngunit kalaunan ay ngumiti din ito sa akin.

"Maraming salamat sa pagtulong sa akin kuya" nakangiting pahayag nito sa akin. Tinitigan ko siya ng mariin.

"Hindi mo ako kuya at hindi ako nandito upang iligtas ka"

"Ano ang ibig mong sabihin? Iniligtas mo na nga ako kay Allan ng--"

"Tatakas ka ba talaga?" seryosong tanong ko rito.

"Kung hindi ako tatakas ay tiyak na ang aking kamatayan"

"Mapaparusahan ang iyong pamilya kung gagawin mo iyan" napakagat siya ng kanyang ibabang labi dahil sa narinig. Natigilan din siya, ginamit ko iyong pagkakataon upang sipain ang tuhod nito na dahilan ng kanyang pagluhod. Agad akong pumunta sa likuran niya at hinuli ang kanyang braso at inilagay iyon sa likod niya. Bago pa siya kumawala ay hinawakan ko ang kanyang batok at pwersahan siyang idinikit sa lupa. Ang pisnge nito ay nakadikit sa lupa habang ang kanyang dalawang braso ay hawak ko sa kanyang likuran. Inupuan ko naman ang kanyang likod upang hindi siya makabangon.

"Kuya ano ang ginagawa mo?"

"Sinabi ko sayo hindi ako nandito upang iligtas ka"

"Ano bang sinasabi mo diyan? Pakawalan mo na ako kailangan ko ng umalis sa bayan ng Grandi, baka mahabol ako ng mga kawal"

Tournament of Power (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon