Chapter 1: Kelvin U, My Dream School!

17 0 0
                                    

Chapter 1: Kelvin U, My Dream School!

* BOOM! * 

Hindi ko napansin na nalaglag na pala ako sa kama. Dali-dali kong hinanap yung alarm clock ko. It says: 07:01 AM "AH?! Alas-siyete na agad?! Patay patay patay... Darating na sya!!" Hinanap ko ang aking square eyeglass na nasa bedside table at tinali agad na tinali ang brown hair. Binuksan ko yung curtains at pinakiramdaman ang simoy ng hangin sa labas. "This feeling! It's so nostalgic!" Dumiretso ako sa kitchen at nag-init ng tinapay sa toaster at nag-timpla ng gatas. Isang oras nalang at mag-uumpisa na ang 1st day ko bilang isang 2nd year college student!!

* KNOCK KNOCK *

?! Ito na sya!! Nagmadali akong pumunta sa pinto para buksan iyon. "Good Morning!!"

"I'm glad you're still not in bed."

Meet my friend, Kieth Angelo Constantino. We met 2 weeks ago sa National Bookstore. Medyo nakakairita nga kasi he always comes here super aga araw araw! Like this. 

"Ahehehe..." Nakalimutan ko pala na mag-alarm kagabi! 

Konting introduction kay Kieth. Si Kieth ay isang Half Dutch, Half Filipino. Ang nanay nya ang dutch. OFW kasi yung Dad nya tapos habang nandoon sya sa Netherlands, na-meet nya yung Mom nya. Both Mom and Dad nya ay nasa New Jersey ngayon. Physical features naman. Si Kieth ay dark brown haired gaya ng Dad nya at gray eyed naman gaya ng Mom nya. He's 6'1. Matalino si Kieth, gwapo at mayaman kaya he's one of your ideal man! May pagka-childish lang sya pero masipag!

"Kakatapos mo lang bang mag-jog sa labas? O sya, tara pasok." Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok sya. Sanay si Kieth na laging gumigising ng 6:30 para mag-jog kaya mapapansin mo na talagang alagang-alaga yung katawan nya. Well built ika nga! "Anong gusto mo? Gatas o ka--"

"KIETH! YOU FREAKING BASTARD!!"

Eh? Sino yun?

Tumakbo sya palabas. "Sshh!! Wag kang maingay! May natutulog pa eh! Tsaka diba sabi ko kasi sa iyo na sundan mo ako? Leave that, let's go inside Mai. Jenna's waiting for you."

Mai? 

"Ah ako pa talagang may kasalanan ah?! Kung hindi mo lang kasi ako iniwan, edi hindi ako nahilo paikot-ikot! Paano ka ba matututo?! And it's not my fault why're they sleeping! It's already 7 o'clock and people need to wake up especially students!! Agh..."

"Sure sure..." 

Iisang hallway lang naman meron dito ah.

Pagkapasok ni Kieth, kasama nya ang isang magandang blonde na babae. Wow naman! Ang ganda-ganda ng friend niya! "Hello Mai! Nice to meet you!" Sabi kong nakangiti. 

Falling In Love With A SeniorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon