CHAPTER SEVEN

38 1 1
                                    

ELLA'S POV

Months passed and so far wala namang mga unusual events. Naging mas close pa ako sa barkada nina Mia, ang saya nga nilang kasama eh. Nalaman ko din na sobrang strict pala nang Daddy ni Mia, hindi pala siya pinapayagang gumala, at may mga bodyguards palang nakabuntot sa kanya. Pero natatakasan pala niya yun with the help of JL. Iba talaga kapag may gusto ka sa isang tao, kahit ano handa kang gawin para sa kanya. Siguro ganun talaga magmahal si JL. 

Sobrang dameeeeee ng nalaman ko tungkol sa kanilang lahat. So far so good. :) 

Naging mas close na rin kami ni JL. Minsan niyayaya niya akong umalis, sympre kinikilig naman ako. Pero pag kasama ko naman siya, si Mia ang lagi niyang bukambibig. Okay lang sakin, basta't kasama ko siya. Naikwento nga sa akin ni JL ang tungkol dun sa clinic. Kinwento din niya kung gaano siya kinilig dun! Hmmp! Pero bakit sa akin niya ito kinukwento? Hindi kina Eliza and Diane? O kay Ejay and Kim? Nahihiya daw siya. Bakit hindi ba siya nahihiya sakin? Ewan!

Si Brix palang ang may alam na may gusto ako kay JL. Nabuking niya ako nung araw na nakita namin sina Mia at JL sa clinic. Haayy. Ang hirap talagang magmahal ng patago. Pero atleast, I don't get rejected. :\ Pero masakit pa rin.

###

Two weeks before finals! Hooraaay! Hellooooo summmeeerrrrrr!

Pero hindi ko na muna iisipin yan. Kailangan ko na munang mag-aral for our final exams. 

Andito ako ngayon sa Library. 3 weeks before exams, bawal manghiram ng books overnight kaya dito nalang ako nag-aaral. I don't know where the others are, for sure umuwi na ata ang mga yun, 6PM na eh.

Umabot pa ako nang 7PM since nagcopy pa ako ng mga notes. Magpapasundo na ako. I texted our driver muna before fixing my things.

Lumabas na ako ng library. And what the heck. Umuulan ng napakalakas! -_- 

"Shit. Badtrip! Manong, asan kana..." I keep calling our driver, pero hindi sumasagot. Tinawagan ko naman ang kasambahay namin, nakaalis na daw si Manong. Sina Mommy at Daddy naman may emergency meeting daw. This is what I hate about their job ehh, mas pinaprioritize pa nila yun kesa sa anak nila! Emergency din naman 'tong akin eh! :(

Umupo nalang ako sa may hallway para maghintay. Pero habang tumatagal mas lumalakas lang ang ulan. Nakakatakot na nga eh, though may mga estudyante pa. Madami din ang nastuck na mga estudyante kagaya ko.

Kinakabahan na ako, paano pag walang sumundo sa akin. Asan na kaya si Manong? Naku, traffic ata dahil sa lakas ng ulan. Natatakot na din ako...

I kept checking my phone, walang text galing kay Manong!!! :(((

Binaon ko nalang ang ulo ko sa ibabaw ng bag ko. And I took a deep breath. Haaaaay :(

"Ella?" tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin. Si JL.

"Oh, JL. Anong ginagawa mo dito? Diba hanggang 5:30 ka lang ngayon?"

"Hinintay ko si Mia eh. Ikaw? Ba't andito ka pa? Di ka pa ba uuwi?" 

Lagi ba niyang hinihintay si Mia? Ang sweet naman.

"Nag-aral pa kasi ako sa library eh. Hinihintay ko pa yung sundo ko. Hindi ko nga ma contact yung driver namin eh. Ang lakas pa ng ulan."

"Ganun ba? Gusto mo samahan na muna kita?"

"Ah hindi na, okay lang. Umuwi ka na. Ang lakas ng ulan oh. Sige na, baga ma traffic ka pa eh." 

Pero umupo na siya sa tabi ko.

"Ano ka ba, okay lang. Hihina din yan mamaya."

Hindi ko na siya pinigilan. Napasandal nalang ako sa may wall. Walang may nagsasalita.

Teenage Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon