CHAPTER FIVE

32 1 0
                                    

JL'S POV

Andito kami ngayon sa student's lounge. Lahat andito except kina Ejay, Kim at Mia, may pasok pa kasi sila.

"Guys, sinabi ko na kay Mia ang totoo." 

"Tapos? Anong sabi niya?" tanong ni Christian.

"Wala. She was speechless nga eh. Kayo din naman naging speechless nung sinabi ko sa inyo."

"Teka nga. What's with Mia ba? Don't get me wrong guys. No hate." tanong naman ni Diane.

"Hindi pa ba obvious? May gusto siya kay Mia!" si Brix na ang sumagot.

"Oo nga Diane. Hindi mo pa ba nahahalata?" sabi naman ni Eliza.

Masyado na ba akong obvious?

"Crush lang noh!" sabi ko naman sa kanila.

"Ganun parin yun pre. Papunta na din yun dun." nagsalita naman ang pinsan ni Mia na si Karlos.

"Grabe ka talaga pare. Ang obvious mo masyado. Minsan nahuhuli ka naming nakatingin kay Mia. Tsaka pansin din namin na yung simpleng mga bagay na ginagawa ni Mia, parang nagiging big deal sayo. Tapos grabe sobrang effort pa yung ginawa mo makasama lang siya sa party ni Ate Fiona! Hindi ko nga naisip yun eh!" sabi ni Brix at nag agree naman yung iba. 

Hindi talaga ako magaling sa pagtatago ng tunay kong nararamdaman.  Hindi na lang ako umimik. Hoho. Eh totoo din naman eh. Crush ko si Mia. Okay? Okay.

"Karlos, nagkaboyfriend na ba si Mia? Bakit parang ang manhid naman niya para hindi mapansin yung kinikilos ni JL towards her." tanong ni Eliza.

"Ang pagkakaalam ko nagka-boyfriend siya nung third year high school siya. She was so inlove at that time dun sa guy. Everytime na naguusap kami online, si Martin lang ang bukambibig niya. Maganda ang naging takbo ng relasyon nila. Though nagkakaproblema sila over small things, but that's what Mia liked about their relationship. Yung mga simpleng bagay na pinagaawayan nila."

"Then what happened?" 

"Sabi niya, nung Seniors ball nila, Tito Leo went to pick her up after the ball. Pero nakita daw sila ni Tito na magkasama na magka-holding hands. Nagalit si Tito, pero nasaktan si Mia dahil hindi siya ipinagtanggol ni Martin. Instead he just ran away. She wants a guy who would fight for her. Yan talaga ang gusto ni Mia. And in case you've noticed may necklace siya na heart, sa likod nun nakasulat ang pangalan ni Martin. Minahal pa rin siya ni Mia sa kabila ng pagiging duwag ni Martin. Pero ngayon, hindi ako sigurado. The last time she mentioned Martin was... hmmm matagal tagal na din."

Tahimik lang kaming lahat, walang nagsalita. Hindi rin kasi namin inaasahang marinig yun. 

###

MIA'S POV

 What club should I join? I can't decide.

"Guys, saang club kayo?" I asked them.

"I still can't decide between Theater and Dance." answered Eliza.

"I'm joining Dance." si Diane

"Sports kaming tatlo nina Christian and Brix." sagot naman ni Karlos

"Debate kami ni Kim." si Ejay naman ang nagsalita

Nakatingin sa malayo si JL. 

"Ikaw JL? Anong club ka?" 

"Hindi ko pa alam eh. Ikaw?"

"I don't know pa."

"Sa dance ka nalang kaya Mi. Diba sumasayaw ka naman? Dance troupe ka nga diba nung high school?" sabi naman ni Karlos

Teenage Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon