CHAPTER TWO

76 1 0
                                    

Days passed and ganun pa rin ang nagiging scenario every single day. Papasok. Makikinig sa teacher. Break. Papasok nanaman. Uwian. Matutulog. Gigising. 

Yun nga lang, naging kasa-kasama na din ako nang tropa ng pinsan ko. Sina JL, Christian, Brix, Eliza, at Diane. And sympre with Ejay and Kim. Saya nga nilang kasama eh!

Papunta kami ngayon sa Biology class namin at mukhang badtrip ata si JL, kanina pa nga hindi nagsasalita eh. Alam ata ng iba, except sa aming mga girls. You know boys, hindi sila gaanong ka open sa mga girls. Parang ako nga lang ata ang nakapansin eh. So I took the chance to ask him since nasa tabi ko na siya at naglalakad.

"Uy. Kanina kapa hindi nagsasalita diyan ah. Are you okay?" tanong ko.

"Wala." at binilisan niya ang paglakad niya.

"Anong problema nun?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Nag away sila ni Violet. Girlfriend niya." si Brix na ang sumagot. 

Nagulat naman kaming tatlo nina Ejay at Kim! May girlfriend pala si JL?! 

"Really? May girlfriend pala 'tong si JL?" tawang-tawa naman si Kim. Loka loka talaga!

"Oo noh! 2 years na kaya sila ni Violet!"

"Ang dami pa pala nating hindi nalalaman tungkol kay JL noh and for sure tungkol sa ating lahat din!" sagot ni Ejay.

"I know right." singit naman ni Kim.

Dumating na kami sa room namin. Seatmates kami ni JL sa Bio, pero hindi ko nalang siya kinausap. Hindi ako sanay na hindi kinakausap si JL. Lagi kasi niya akong kinukulit. Mukha ngang sa mga girls, ako ang close sa kanya. Ugh. I really wanna know kung ano ang problema niya. So I tried talking to him.

"Uy!" sabi ko at hinarap ko siya, pero pokerface pa rin siyang tumingin sa akin.

"Anong problema mo?" tanong ko since hindi naman siya nagsalita.

"Wala." bitin niyang sagot. Nanaman.

"Sabihin mo na kasi. Wag ka nang mahiya!" 

"Wala nga sabi eh. Pabayaan mo na nga lang ako."

"Sungit naman nito. Parang ikaw ang babae sa atin ah."

"Psh."

"Kwento na kasi!"

"Wala nga akong dapat ikwento! Ang kuuuulit mo talaga!"

"Ano ba kasi ang pinagawayan niyo ni Violet? Share mo na!"

Nagulat siya sa sinabi ko. Wuahahaha =)) Napabuntong hininga nalang siya. This is it pancit! Mukhang sasabihin na niya! =D 

WAIT! Don't get me wrong. Hindi po ako chismosa. Talagang hindi lang ako sanay na may problema 'tong si JL. First time ko siyang nakikitang badtrip at problemado. Everyday kasi lagi siyang nakangiti at laging nangtitrip!

"She wants to break up with me." malungkot na sagot niya.

Nakonsensiya tuloy ako. Feeling ko dapat hindi ko nalang siya tinanong at pinilit pa.

"Sorry JL. Hindi ko naman alam na ganun pala ka-personal."

"Okay lang." napabuntong hininga nanaman siya. "Ba't ba ganyan ang girls?! Hindi sila nakokontento. I never cheated on her! Loyal ako sa kanya. I don't flirt with other girls. I don't even talk to girls na hindi ko kakilala."

"Wait... sandali. Si Violet lang naman ang hindi marunong makontento. Wag mo naman kaming lahatin. Anyways, eh baka naman may reason siya. Talk to her. Clear things with her. Dapat may closure. Wag naman yung biglaan. Baka naman she has her own reason and maybe she thinks it's hard for you to handle it. Don't be selfish JL. Mag usap kayo sa personal, wag yung sa text lang."

Teenage Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon