Prologue: Welcome to Hell

2 0 0
                                    

Fire.

Wala akong ibang nakikita maliban sa apoy. Nasaan ako? Ano ang lugar na 'to? Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit katahimikan ang natatanging sagot. Ibig sabihin wala akong ibang kasama, walang ibang tao maliban sa akin. Di gaanong masakit sa balat ang init ng apoy dahil medyo may kalayuan naman ito. Nagsisisi akong tumingin pa ako sa baba dahil mas nakaramdam pa ako ng takot. Para akong nasa loob ng isang bulkan na sasabog palang. Geez. Isang maling galaw ko lang, abo na ako. Pero di yun maaari! Kailangang maka alis ako rito. Pero paano?!

Napatingin ako sa aking likuran at may nakita akong lagusan ngunit di ko alam kung saan ito patungo  dahil nababalot iyon ng kadiliman. Ano bang klaseng lugar ito? Kung panaginip lang ito, gusto ko ng magising! For pete sake!

Kahit nanginginig ay sinubukan kong lumapit roon. Kailangang maka alis ako rito bago pa man may lumabas na kung anong nilalang. Nadatnan ko sa dulo ang isang maliit na pintuan at kung ano ang nasa loob nito ay di ko alam. Lakas loob ko itong tinulak ngunit may bigla akong narinig na ibon dahilan upang hanapin ko kung saan ito nagmumula.

Kung ano man ang magiging kapalaran ko sa lugar na ito, masaya akong ang kakaibang ibon na iyon ang huli kong nasilayan. Meron itong black, light blue at orange na color. Ano ang ibon na iyan? Kay gandang pag masdan. Ngunit paanong nagkaroon ng ganung klase ng ibon dito sa lugar na ito? Na kung impyerno na kung tawagin at kulang na lang ay mga taong sumisigaw at humihingi ng kapatawaran!

Lumipad-lipad ito at laking gulat ko na lang ng masagi ng apoy ang kanyang pakpak at unti unti na itong nahulog sa nagbabagang apoy. Kaawa-awa.

Nagpatuloy ako sa pagtutulak ng pinto ngunit may lumabas na lang ng apoy sa mga gilid nito dahilan upang lumayo ako rito at mapaupo. Anong klaseng pintuan yan? At kailangang lagyan pa ng ganyang disenyo!

Maya't maya ay kusa itong bumukas at laking gulat ko na lang ng may lumabas na mga salita rito na nakasulat sa dugo.

"Welcome to Hell!"

Midst Of HellWhere stories live. Discover now