Chapter One: Sino ka?

7 2 0
                                    

Xyz's POV

Nagising ako dahil sa ingay na di ko alam kung saan nanggagaling. Salamat naman at panaginip lang yung nangyari sa akin. Duh! Sa bait kong 'to, mapupunta sa hell? Like eww.

Unfair ang basehan sa pagpili ng mapupunta sa impyerno kung mapapasama ako roon.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata upang hanapin kung saan nanggagaling ang ingay. Teka, nasaan ako? Bakit parang ibang lugar na naman 'to? Sinubukan kong bumangon ngunit nauntog lang ang ulo ko. Tsaka ko lang napansing may kahoy palang nakaharang doon. Aish! Katangahan.

Natigil ako sa paghawak ng aking ulo ng biglang may nagpakitang dalawang pares ng paa sa harapan ko.

"Sino kayo?" Bungad na tanong ko sa kanila ng tuluyan itong makalapit sa akin. Isang babae na sa tingin ko, 12 years old. Tapos isang lalake naman na sa tingin ko, 10 years old. Simpleng white tshirt lang ang kanilang mga suot at tinernuhan ng pajama. Teka, di ko masabi kung white tshirt nga ba yun dahil unti-unti ng nabubura ang tunay nitong kulay at nagiging brown? Pwede na.

"Ikaw dapat ang tanungin namin ate kasi nakita ka lang naming nakahandusay doon sa may puno." Sagot ng lalake at nilapag ang isang tinapay kasama ng isang baso ng tubig.

"Ano po ba ang pangalan mo?" Tanong ng isang babae at hinila ang isang upuan palapit sa akin.

Napa taas ako ng kilay hindi dahil sa pag upo niya malapit sa akin, kundi dahil sa tanong niya. Ano ba pangalan ko? Sino ba ako? Teka, taga saan ako?

Tumayo ang babae dahil mukhang nahalata niyang di ako sasagot sa katanungan niya. Inakbayan nito ang nakakabatang kapatid at nagsalita muli.

"Ako si Nemie. Ito si Angelo. Kung may kailangan ka po. Hilain mo po yung lubid doon." Turo niya sa isang lubid na malapit sa pintuan.

"Maglilikha po iyan ng ingay doon sa kwarto namin na sakto lang para marinig namin. Tsaka kung maaari po, wag po kayong gagawa ng kahit na anong ingay. Mauuna na po kami." Pagpapatuloy niya.

Pinanood ko silang lumabas ng kwarto hanggang sa mapatitig ako sa mismong pintuan ng sumara ito. Nasaan ako? At teka, sino ako? Ang huling naaalala ko lang ay yung nandoon ako sa maraming apoy at ng buksan ko ang isang pintuan ay may nakasulat roon na 'Welcome to Hell.'

Nilibot ko ang paningin sa kwarto at isang lamesa, isang upuan, isang cabinet at isang higaan na gawa sa kahoy, ang naroroon. Kahit man lang sana may unan! Aish! May makakapulot na nga lang sa akin, sa pamilyang mahirap pa. Great!

Pansin ko ding wala ni isang bintana. Di ko tuloy alam kung anong oras na ba. Ang lampara lang ang nagbibigay ng ilaw sa lahat ng sulok ng kwarto.

Kinuha ko ang isang tinapay at naglakad palapit sa pintuan. Kailangan kong malaman kung nasaan ako. Pero bago ko pa man mahawakan ang pintuan ay may bigla na lang akong naramdamang naglalakad papunta sa kung nasaan ako. Dali dali akong tumakbo palapit sa kama at nagtago sa ilalim nito.

Teka, bakit ako nagtatago?!

Napatingin ako sa isang pares ng paa ng bumukas na ang pintuan. Base sa suot na pang ibaba, halatang lalake ito. Di ko mahagilap ang mukha dahil masyadong mababa ang kama at wala man lang kahit butas para man lang makita ko sana ang mukha ng taong ito!

Dumeretso ito sa higaan at nahiga. Teka, wag mong sabihing matutulog na siya at ilang oras akong mamalagi rito bago siya umalis?! Tsaka teka, bisita ako! Dapat doon ako matutulog. Kahit wala ng unan basta may higaan! Teka, baka di niya alam na may bisita sila? Di man lang ba sinabi nung mga kapatid niya? Tss.

Ilang oras pa ang nakalipas ay naisipan rin niyang lumabas ng kwarto. Buti naman.

Umalis ako sa ilalim ng kama at naupo roon. Hanggang kailan ako mananatili sa lugar na ito?! Pero saan ako pupunta pag naka alis ako rito? Ni hindi ko nga maalala kung sino ako.

Napatingin ako sa isang cabinet at naisipang magtungo roon. Baka kahit papaano, may makita ako rito na magtuturo kung nasaan ako. Bumungad ang dalawang pares ng damit at tatlong- what? Ah yeah, underwear ng lalake. Geez.

Naagaw ng atensyon ko ang isang envelope na nakatago sa ilalim ng mga damit. Ngunit bago ko pa man din ito mahawakan ay bigla na lang may malamig at matulis na bagay akong naramdaman sa leeg ko. Kahit di ko ito tignan, alam kong kutsilyo iyon.

"Sino ka?" Malamig at puno ng awtoridad nitong tanong. Tumayo ang balahibo ko dahil sa tono ng boses nito. Sino ka rin? Gusto kong itanong pero napapangunahan ako ng takot at kaba.

Pero, sino nga rin ba ako?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midst Of HellWhere stories live. Discover now