**** 6 years ago ****
Dumating na ang mga ama ng bata galing sa trabaho, may dala itong ulam at mga laruan.
Isang laruang plastic na manika para kay Lucy at de-metal na kotse kotsehan naman para kay Anghelo.
Ngunit tuwing wala ang kanilang mga magulang kinukuha ni Anghelo ang mga laruang pambabae ni Lucy at pinaglalaruan ito.
Sa tuwing walang laruan o ginagawa si Lucy, pinupuntahan niya ang kanyang Lola Candy at nag kwe-kwetuhan sila, may mga bagay na biglang nalalaman ni Lucy ng dahil sa Lola nya.
Katulad na lamang nung pinanganak sila ni Anghelo, si Anghelo lamang ang binuhat at dinala sa nanay nila at siya naman daw ay nilagay malapit sa basurahan, meron pa nga daw na mga araw na hindi na napapadede si Lucy dahil nauubos na ang breast milk na ibinibagay para sa kanya dahil ayaw ng nanay nyang padedein sya sa dibdib nito, nang malaman ito ni Lucy ay hindi siya nag lagay ng sama ng luob kundi ngumiti at humanap siya ng mga dahilan kung bakit ganuon.
Matalinong bata si Lucy ganuon na rin si Anghelo, pinag aaral si Anghelo sa pribado at magandang iskwelahan, samantalang si Lucy ay sa public school pinag aaral, araw araw niya ito nilalakad dahil ayaw siyang pinasasakay ng kanyang ama sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Hated Child
Short StoryDalawang batang isinilang, ang isa ay minahal ng sobra sobra at ang isa ay pinagkaitan ng pagmamahal at pag aaruga