*** 9 years old***
Lucy's PoV
Pauwi na ko galing iskwelahan at masaya akong uuwi ng bahay bitbit ang aking report card hindi lang dahil perfect 98 lahat ng subjects ko dahil din sa top 1 ako.
Pagkauwi ko ay saktong sakto ang pagkakahagis ng nanay ko ng mga damit
"Labhan mo lahat yan!" Sabi ni Mama
"Opo Ma" sabay ngiti ko sa kanya, siguro mamaya ko na lang ipapakita yung report card.
"Wag mo nga akong matawagtawag na Ma" sabi niya, at ngumiti ako inalog ang ulo ko pataas baba bilang pagsang sang ayon
Dinala ko muna sa kwarto ang mga lalabhan ko para isabay ko na ang aking uniform.
"Hoy, Lucifer asan na yung sapatos na pinapalinis ko?" Tanong ni Papa
"Saglit lang po" kinuha ko ang sapatos na pinalinis niya
Lumabas ako kasama naren ang sapatos at mga labahin ko, binigay ko ang sapatos, pero pagkakuha nito ay ihinampas niya sa akin ito.
"ETO BA ANG MALINIS?! MAY BUBBLEGUM AT TUMB TAX PA?" sambit nito
"Pasensya na po"
"Ayusin mo yang ginagawa mo" bago sya umalis ay binato muna sa akin yung sapatos niya
***Lumipas ang ilang oras..***
Third persons PoV
Natapos na si Lucy maglaba ng biglang tinawag siya ng kanyang ina
"Lucy! Nasaan na yung mamahalin kong damit?!" Sigaw nito
"Nilagay ko na po yun sa closet nyo Ma"
"Wag mo nga sabi akong tawaging Ma!" Sabay sabunot nito at sinipa sipa
Ngumiti lamang si Lucy sa mga pangyayare "Baliw ka na" sabi ng nanay nito
Pag kaalis ay inayos ni Lucy ang damit niya at pumunta siya sa kwarto para mag laro ng doll niya
"Lucy tara laro tayo" pag yaya ni Anghelo
"Wag, magagalit si Papa" sambit ni Lucy
"Ayos lang yan ako ng bahala" sambit ni Anghelo
Pumunta sila sa kwarto ni Anghelo at kinuha ni Anghelo ang mga Doll ni Lucy na nakatago
Habang nag lalaro sila'y biglang pumasok si Marvic ang tatay nila
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ng ama nila
Hinila ni Marvic si Lucy at dinala sa basement
"Alam mo kanina mo pa ako iniinis eh" sambit nito hinagis nito si Lucy papasok sa basement
Sumunod si Anghelo at nasa likudan siya ng kanyang ama, pero agad din siyang kinuha ni Beth at iniakyat ito samantalang si Lucy ay pinag hahampas ng sinturon hanggang sa mamasa at malulutong na sampal ang inabot ng bata sa ama nya
"Diba sinabi ko na sayo wag kang makikipaglaro kay Anghelo! Tapos pinaglalaro mo pa sya ng mga manika mo! Gaga ka ba?! " pag kasampal nito ay may nakita syang kahoy na ihinampas, nagpasa ito at nag dudugo na ang ilang parte ng hampas ni Marvic, ngumiti paren si Lucy at duon ay iniwan sya ng kanyang ama sa luob ng basement
"Wala kang kwenta" sambit ng tatay niya bago ito tuluyang makaalis sa kwartong iyon
Naisip pa ng batang babae ang report card pagkatapos lahat ng nangyare, gusto man nitong ipakita sa magulang nya't ipagmalaki ay hindi nya magawa.
BINABASA MO ANG
The Hated Child
Short StoryDalawang batang isinilang, ang isa ay minahal ng sobra sobra at ang isa ay pinagkaitan ng pagmamahal at pag aaruga