***11 years old***
Lucy's PoV
Pagkatapos ko samahan yaya Sidang mamili ng mga pangluto ay dumiretso na ako sa bahay ni lola, ilang buwan ko na kase syang di madalaw-dalaw dahil sa tuwing pupunta ako ay ginagamot sya
Simula kase nung tumaas ang blood sugar nya at di na kame makakain ng ice cream na paborito namin.
Kumatok muna ako sa kwarto niya at sabay sabing "Lola, andito po ako, si Lucy" sabay bukas ng pinto
Ngiti ang salubong ng aking Lola Candy, nilapitan ko sya at niyakap agad "Na-miss kita Lola" may luhang tumulo sa akin
"Na-miss lang?" Umiling ako
"Miiss na miiisss po kita" mas humigpit ang yakap ko
Marami ng nakadikit sa balat niya tapos may parang tv na ewan duon sa gilid ng kama niya at namayat ang katawan ni Lola
Ilang oras din kaming nag uusap kinwento ko ang mga bagay na nangyare saken, sinabi ko ren sa kanya ang tungkol sa program sa school namin at marami pang iba
Sa ilang sandali naming pag uusap ay bigla nyang hinawakan ang aking kamay, bakit may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag?
"Iha, dapat malaman mong kahit ginaganun ka ng magulang mo, sana'y maintindihan mong mahal ka nila, at alagan mo ang napakaganda mong kapatid na si Anghelo ha?" Sabay tawa nya ng mahina
"Tandaan mo mahal na mahal ka ni Lola, Lucy" sa pagbigkas nya sa pangalan ko ay may tumulo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata na para bang may ipinahihiwatig ang lahat
Hanggang sa biglang tumunog ang parang tv sa gilid nya, may diretsong linya, 'di ko alam pero pinaluha ako ng nakita ko iyon
Yung, yung kamay ni Lola anlamig lamig, tapos yung mukha nya, ang putla ng mukha niya, tumungo ako sa higaan ni Lola at nag patuloy sa pag iyak, hindi ko alam pero ang bigat sa pakiramdam.
Third Person's PoV
Dumating ang mag amang si Anghelo at Marvic sa bahay ni Lola Candy, naabutan nila ang isang ambulansyang kakaalis lang sa bahay nito.
Agad agad pumasok si Anghelo para itanong sa mga tao sa bahay ni Lola Candy ang panyayare
Nanlumo ang bata at napaluhod, nakatulala lang siya na para bang anlayo na ng napuntahan niya
Sinusubukan siyang itayo ng mga kasamahan ngunit hindi nila kinakaya
Umagos ang luha ng bata at niyakap ang hita at binti nito tumungo siya para duon siya'y umiyak
"Sana manlang nayakap ko siya"
"Sana nakausap ko manlang siya kahit sandali" sambit nito, nakailang ulit na siya ng kanyang 'sana' hanggang sa dumating ang kanyang ama
"ASAN NA SI LUCIFER?!" Sigaw na patanong ni Marvic, ang ibang kasambahay ay ang sagot sa sarili
"Nasa impyerno"
"Ano ka ba, Lucifer nga eh, hindi naman santanas"
"Oo nga, edi nasa langit yun"
"ANO BA?! ASAN. NA. SI LUCY?!" Ulit nito sa tanong niya, at isang kasambahay ang sumagot ramdamn dito ang pangi-nginig, nakatungo siyang sumagot habang itinuro ang ang daliri niya
"N-na-nasa m-ma-ma-masters bedroom p-po" pagkasabing pagkasabi ay agad pumunta ang namumulang si Marvic
Inalis ni Anghelo sa pag kakayakap binti at hita niya at lumapit siya sa kasambahay na nag sabi kung nasaan si Lucy
"Sorry Anghelo, sorry" sa pagkakahingi ng tawad ng kasambahay ay niyakap niya ito sa pagkakayakap niya ay kasabay nuon ang malakas na pagtangis at pag kakapalo.
Ang pagyakap ng batang si Anghelo ay mas lalong humigpit, dala ng takot para sa kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
The Hated Child
Short StoryDalawang batang isinilang, ang isa ay minahal ng sobra sobra at ang isa ay pinagkaitan ng pagmamahal at pag aaruga