E

3.6K 66 26
                                    

Anghelo's PoV

Nang makauwi kame galing sa may amusement park nauna akong bumaba sa kotse kase alam kong jojombagin na naman ni father si Lucy pag nakita akong kausap ko sya

Kinatok ko muna ang kwarto ni ateng ngunit walang sumagot, nang makatatlong katok na ako binuksan ko ang pinto at nakita ko ang kama ni Lucy na nakaayos

Hinanap ko sya sa banyo at kusina ngunit wala, bumalik ako sa kwarto at tinignan sa aparador at ilalim ng kama pero wala talaga

Tumingin ako sa paligid ng may mahagip ang magaganda kong mata, libro.

Bakit naman mag dadala ng libro dito yun? Nang makita ko ang laman halos puro dugo ang harap

"Diary. Ni Lucy Gaus" antaray ni Lucy na ka calligraphy, pero halatang gamit yung ballpen, nang ilipat ko sa kabilang page eto agad ang bumungad saken

"Sinabi saken ni lola na tinabi lang daw ako malapit sa basurahan dahil sabi daw ni Daddy sa komadrona na wag daw akong ilapit kay Mommy" nakaramdam ako ng inis, pero sinubukan ko pang kalmahin sarili ko, nang ilipat ko sa iba't ibang page may pumukaw na isang message

"Si Anghelo ang pinakamabait na kapatid na nakilala ko, hindi dahil sa kapatid ko sya dahil sa mabait talaga sya hindi gaya ng mga kapatid ng mga ka-klase ko" tinignan ko yung nakalagay sa baba

"P.s. kung sakaling nababasa mo 'to salamat and Mahaaaall na mahal ko kayo nila mommy and daddy" tumulo na ang mga namumuong luha sa mata ko, ngunit ng palapit ako ng palapit sa dulo may dalawang pahina pa ang pangalawa sa panghuli at ang dulo

Binasa ko ito at duon nabasa ko ito

"Naalala ko pa nung taong 2012, nuong buhay pa si lola naikwento nya sa aken na hindi ko daw ama ang tatay ko ngayon" huh? Hindi nya tatay si Daddy? How could it be?

"Superfecundation, ayun daw ang case namin mag kapatid, and nalaman ko na ang tatay ko ay ex ni mommy, pinakulong nila ito dahil nirape daw niya si mommy, nadepress at nag pakamatay ang tatay ko sa luob ng kulungan bago daw ang paghatol sa kanya" hays, kaya pala galit na galit sa kanya sila papa at mama.

Nang nalipat ko na sa huling page, nakaramdam na ako ng kaba, bumungad saken ang napakaling sulat na DEATH NOTE, basa ang pahina nito halata ang mga tulo ng luha

"I'm so sorry for being not a good daughter, for being not a good sister and now I hope this family can be rest in peace" humagulgol na ko dahil sa hindi ko na kinakaya ang sumusunod na mga salita

"I love you and see you in somewhere :) nagmamahal, Lucy" Hindi, hindi ko na kaya

"Mama! Papa! " tinawag ko sila, di ko pwedeng sabihin ang panglan ni Lucy dahil alam kong di sila lalapit sakin

"Wala dito si Lucy" sambit ko, at sila nakatayo at parang nabo-bored lang sa sinabi ko kaya tumakbo ako, sana hindi pa ko huli

Lucy's PoV

Pagod na pagod na ko kakalakad, at sigurado ako sa mga oras na 'to nakabalik na sila Anghelo sa bahay at hinahanap niya ako.

Sa kakalakad ko di ko alam kung saan ako nakarating, basta kung saan lang ako dalhin ng mga paa ko, at dito, dito niya ako dinala

"Pagod na ko, kakalakad, kakaisip, at sa kakapanakit " sambit ko

"Ngayon mawawala na ang sakit, di na ko mapapagod" huli kong salita bago ako mawala

"LUUUUCCCYYY!!" rinig na rinig ko dito ang sigaw ni Anghelo, pasensya ka na pero alam kong makakabuti ito sa atin

Napangiti na lang ako, ramdam ko ang lamig ng hangin parang nag slowmo ang paligid sa pag kahulog kong ito

"Paalam" kasabay ng salita ko ang mga luha ko

Anghelo's PoV

"LUUUCCCYY!! ASAN KA NAA!!" Hiyaw ko sa kagubatan, malapit kase ito sa bahay kaya na isip kong mas maiisipan nyang pumunta dito

"LUUCCCYY ASAN KA NAAA!! Isa pang ulit ko sa paglalakad ko, hanggang sa madala ako dito.

Dito sa bangin, kaba ang nararamdam ko, hanggang sa palapit ng palapit ang paglakad ko

Ang kaba ko ay nahaluan na ng emosyong di ko mapigilan, tumulo na ang luha ko sa pag tulo nito at napaluhod ako

Sa pagkakaluhod ko ay nakita ko sya , nakikita ko sya dito sa ilog sa baba ng bangin

Ang katawan nya, naka-naka handusay sa malaking bato at ang dugo nya ay umaagos papunta sa tubig sa ilog, hindi ko man maaninag ng maayos dito sa taas, pero nakikita kong nakangiti sya.

"ANGHELO! ANAK! ASAN KA NA?!" rinig mula rito ang hiyaw ng magulang namin, at 'di ako sigurado pero alam kong narinig nya akong sumisigaw sa kalayuan

Third Person's PoV

Ang batang si Anghelo ay patuloy paring umaagos ang luha, hindi nya nainda ang sakit sa pagkakaluhod sa lupa at ang hiyaw ng magulang nya ay naririnig nya paren sa luob ng gubat

"Anghelo! Anak!" Tawag ng ina nya, tumakbo at niyakap niya si Anghelo samantalang ang ama naman nito ay may kausap sa telepono

"Nak" sambit nito na may mga luhang tumutulo sa mata nita

"Nak, wag ka ng aalis ng ganun ulit ha?"

"Kaya nyo bang hanapin ng si ate?" Tanong ng bata sa Ina, tahimik lamang ang Ina nito

"Kaya nyo ba syang hanapin ng katulad ng ginawa nyo sa akin" sabay lingon nito sa Ina nya

"Tara na, gabi na" pag yaya ng ama

"Hindi, HINDI" lumuha na naman ang si Anghelo "Hindi tayo aalis ng hindi nahahanap si ate"

"Hindi, wag na" sambit ng nanay nito

"Tara na Anghelo wag ng mapilit" pag kasabi ng tatay nya ay hinila sya nito patayo at bago umalis ay may ipinangako sya

"Ipaghihiganti kita" sambit ng batang Anghelo sa sarili niya, ang dating malambot na puso ay nagkaroon ng galit at pighati.

--The End--

The Hated ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon