Naiinis ako. Sino ba namang hindi? Amoy Manila Bay ka tas basang basa ka pa. Hay...
Naglakad ako papunta sa isang bench na malapit sa seaside. Hinubad ko yung long sleeves ko na checkered at pati yung black socks ko. Piniga ko iyon at isinampay sa arm rest ng bench. Wala akong dalang extra clothes, kainis. Nakakunot pa din yung nuo ko. Wala na! Sirang sira na mood ko.
Sumandal ako at napaface palm. Pumikit ako at nagbilang...
"1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9..."
Natigilan ako sa pagbibilang nang may narinig akong aso na tumatahol at papalapit sa direksyon ko. Ang cute naman! Pekenese! Mukha siyang hotdog.
Onting dipa na laman ang layo niya sakin. Akala ko ako yung dadambahin niya kasi gusto niya maglaro, yun pala...
"Shete! Yung medyas ko!!!!"
Kinagat nung asong cute yung medyas ko at tumakbo. Ano ba naman 'tong araw na 'to! Wala pa bang mas lalala?! Hinabol ko din yung aso. Nakayapak lang ako at pinagtitinginan na ng tao.
Hindi ko alam kung dahil ba nakayapak akong natakbo at hinahabol yung aso o, dahil naka-spaghetti strap lang ako. Okay, alam kong hot ako pero takte, sana naman hinarang na lang nila yung aso kesa tumitig! Mga tao talaga ngayon oh. Ang bilis ng takbo ko, ganun din yung aso. Pero nagulat ako nung bigla siyang nag-full stop sa isang babae.
"Ayyyy!"
Hindi ako nakapreno sa kadahilanang wala nga akong sapatos kaya ang resulta...
*Boogsh*
Magkapatong na kami nung babae.
"Okay ka lang?"
Tanong ng babaeng nasa ilalim ko. Teka, ang lambot naman ng hawak ko... Fruta! Pwet niya pala. Napabalikwas ako at napatayo. Itinayo ko din ang babaeng kapatong ko.
"Oo ayos lang ako"
Ang ganda naman niya. Simple lang. Wavy ang buhok niya at naka clip. Naka-skater skirt din siya at naka oxford shoes. Ang cute niya, kasing cute niya yung aso. Hahaha.
"Pasensya ka na kay Jason ah? Mahilig talaga kasi siya sa medyas. By the way, ako nga pala si CJ."
Sabay abot ng kamay niya sakin. Tinaggap ko at nakipag-shake hands din sa kanya.
"Nicholas nga pala"
"Ano bang pwede ko gawin para makabawi sa perwisyong ginawa ng aso kong si Jason?"
Jason pala pangalan nung aso. Anong magagawa mo para makabawi? Patong ka uli sakin. Tas pahawak ng squishy mong... Ano ba 'tong isip ko, nabeberde na naman. Hahaha! Pero kelangan ko ng extra clothes.
"Pwede bang pahiram ng clothes? I'm soaking wet. Nabasa kasi ako ng dagat."
Tumawa pa siya. Aba matinde! Oo alam kong nakakatawa, sige i-ire mo pa yang tawa mo ha, ate?
"Arf! Arf!"
Okay, so hindi pa din binibitawan ng kagat ni Jason the Hotdog yung medyas ko.
"Gusto mo bang sumama sa unit ko para mapahiram kita ng damit? Malapit lang yun dito. Dun banda sa may Traders, sa likod."
Tinanggap ko naman yung offer niya kasi shete, malagkit nako eh.
Naglakad kami papunta sa unit nila. At nakayapak pa din ako.
"Bakit ka nga pala nasa gilid ng dagat? Ano pumasok sa isip mo at dun ka tumambay? Teka nga, bakit nga pala hindi mo dala yung sapatos mo?"
Natigilan ako. Shet! Naiwan ko yung Chucks ko!
"Ay teka nga pala! Babalikan ko lang saglit..."
Patakbo nako pero may naapakan akong malambot... Tang inuming buhay 'to. Tae mga pre, nakaapak ako ng tae!
"Yaaaaaaaaak! Ewwwwwwwww"
Tawa lang ng tawa si CJ sakin.
"Sorry, poopoo ni Jason yan. Ikasikas mo na lang sa damo yung paa mo, para makapasok ka. Hahaha"
Nainis ako. Lintik na aso 'to. Wala na! Badtrip na talaga ako. Wa-walk outan ko na siya. Tinatawanan pako eh.
"Uy teka lang, Nicholas! Uy sorry talaga! Wag ka na magalit. Natawa lang ako kasi ang cute mo..."
Tumahol din si Jason habang iniwawagayway ang buntot niya.
"Alam kong cute ako, hindi mo na kailangan sabihin. Sige na, sasama nako sa'yo. Hindi ko na kaya yung feeling na malagkit ako"
Kinaskas ko na yung kanang paa ko na may poopoo. Ang pangit sa feeling. Naglakad na kami sa kanila.
"Dito na tayo,"
Nasa 14th floor na kami. Binuksan niya na ang pinto ng unit niya.
"Dun yung C.R.," Sabay turo sa kanan. "Tawagin mo lang ako kapag you need anything else, alright?"
"Sige, salamat"
Pumasok nako ng kubeta. Kinuha ko yung bidet at itinutok sa paa ko.
"Cora, dahil sa'yo, bigla kong naisip pumunta ng seaside. Dahil sa'yo nabasa ako ng dagat. Dahil sa'yo kinagat ng aso yung medyas ko. Dahil sa'yo nakatapak ako ng tae. Cora, dahil sa'yo nasaktan ako"
Naligo nako para mawala yung inis ko, pati na din yung lagkit at angot nung dagat.
Pabanlaw nako pero, shems nawalan ng tubig!
"Nasisilam ako! Nasisilam ako!"
Pumunta ako ng sink para tignan kung may tuwalya. Wah! Mainit na sa mata yung sabon! Nalimutan ko pala na humingi ng towel kay CJ.
"CJ pakidalhan ako ng towel please?! Nasisilam nako!"
Nakapikit pa din ako, ang sakit na!
"Tubig! Tubig!"
Bumukas yung pinto ng banyo.
"Nicholas eto na yung... Wah! Sorry sorry!"
Tas naramdaman ko na lang, binato niya yung towel sakin sabay kalabog ng pinto.
Napunasan ko na yung mata ko. Grabe ang sakit talaga. Pero nakita ako ni CJ na nakahubad. Unfair, dapat makita ko din siyang nakahubad. *insert evil smile
A.N.: Sorry! Busy ako mga beki. Gabi nako nakakauwi dahil sa workshop ko sa theatre org namin. Salamat nga pala sa mga beki na nagvovote at nagcocomment. Spread the bekiness ♡ ang daming errors! in-edit ko na. Pagpasensyahan niyo na kasi sira ang aking mahiwagang laptop <|3
Argojiee
P.S. Si Jason the hotdog ay totoo. Aso siya ng best friend ko. Hi bes, alam kong hindi mo 'to nababasa kasi sinabihan kitang wag. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Black na Panty ni Kulasa [LESBIAN STORY(SPG)]
HumorSan nga ba makakarating ang malaalamat na panty ni Kulasa? Kaninong kama? Anong hiwaga ang bumabalot dito? Kung gusto niya malaman... I-add niyo na 'tong kwento ni Kulasa at samahan siya sa paglalakbay patungo sa langit...este! Sa karunungan. Kelan...