Tetris

15.7K 88 41
                                    

Nandito ako ngayon sa seaside, nakaupo. Pinagmamasdan ang dalawang alimangong nagdudwelo sa malaking bato. As in! Concentrated akong manuod sa kanila. Kumakain pa nga ako ng popcorn at ice cream eh.

Ilang minuto ang nakalipas nang nalaglag na yung maliit na alimango pabalik sa dagat, eksaktong naubos na yung kinakain ko. Nilamutak ko na lang yung pinagkainan ko at ishinoot sa basurahan. Humiga na lang ako sa seawall. Wala nako magawa. Tinatamad nakong maglakad-lakad. Tinitigan ko na lang ang asul na langit.

“Hay...”

Nagpakawala ako ng isang napakalim na buntong hininga. Masyado akong naistress sa pambubulabog ni Cora. Pero hindi naman dahil sa pambubulabog niya sa naunsyame naming flight sa langit chick ko, kundi… Naalala ko ang nakaraan. Ang nakaraang kinalimutan ko na ngunit bumalik lahat-lahat dahil sa pwersahang pagpasok niya sa aking silid.

“Kulasa, halika dito!”

Sabi niya, naglalambing nanaman ‘tong babaitang ‘to.

“Eh wait lang naglalaro pako ng tetris, nabuo pako ng mga blocks para makapag-T spins ako… Maya na Cora please?”

At bumalik nako sa pagcoconcentrate sa paglalaro.  Takte, ‘di ako pwede magpatalo, foreigner pa man din ‘to. Feeling ko kasi kapag nagtetetris ako kalaban ang mga ibang lahi, World Cup sinalihan ko. Teka may bomba! Boom, yes!

Pero ‘di nagpatinag si Cora. Kahit super concentrated ako sa paglalaro ay itinupi niya ang screen ng laptop ko na ikinainis ko.

“Ano ba Cora?! Bakit mo ginawa yon?! Alam mo bang makakasampung K.O. na yung kalaban ko?! Cora sayang yun!!!”

Tinignan lang ako ni Cora ng seryoso. Dahan dahan siyang lumapit sakin at tinanggal ang laptop sa mga hita ko. At kumalong sakin, na ikinagulat ko. Tongue in a! Cora…

“Hmp! Puro ka laro, laro. Pano naman ako? Buti pa yung laptop kinakalong mo, ako ang tagal mo nang hindi kinalog nang nauso yang lintsak na tetris na yan.”

At nag-pout siya. Hay nako, Cora. Parang mas nakakatuwa ka ngang kandungin kesa sa laptop ko. Sheteotsonuebedies! Nadedemonyo ako! She’s my waterloo! Pero pilit kong pigilan ang paginit ng katawan ko dahil pag ‘di ko napigilan, baka ma-rak ko siya. Huhuhu.

Ayoko. Ayoko. Ayoko! May respeto ako kay Cora. Mahal ko siya. Nanigas lang ako nung nakakandong siya sakin. Parang piping hindi makapagsalita.

Niyakap ako ni Cora. Ay nanay ko po! Nararamdaman ko yung boobs niya. Jusko pakilayo po ako sa tukso. Ang lambot, parang jelly na hinulma sa malaking mangkok. Mariosep naman…

Lumapit si Cora sa bandang tenga ko at bumulong.

“Mahal kita, Kulasa. Kahit na ang gamul-gamol mo. Kahit na nuknukan ka ng tamad. Kahit na ang kulit-kulit mo. Kahit na para kang higante dahil ang laki-laki mo. Kahit ano ka pa, kahit sino ka pa. Mahal kita, Kulasa. Pangako, hindi kita iiwan.”

Napangiti ako ng wagas sa mga sinabi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Papalapit na ng papalapit na ang mga mukha namin…

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Ay P*tangina naman!”

Napamura ako ng malakas at natigil sa pagmumuni-muni nang umalon ng gahiganteng parang tidal wave at humampas sa malalaking bato. At dahil don, nabasa ang suot kong polo, beige jeans at ang favorite kong chucks na red.  Wala na! Amoy Manila Bay nako ngayon! 

 

Ang Alamat ng Black na Panty ni Kulasa [LESBIAN STORY(SPG)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon