Chapter 25: Saved

29 3 0
                                    

Xyrille's Pov

"Prinsesa!" Napatingin naman ako kina Apo Mandani.

Shit! Nakuha silang tatlo.

Bigla naman akong nadaplisan sa braso kaya pinaulanan ko toh ng ice blades. Sakit nun ah.

Tinapos na namin ni Athena ang kalaban namin at sinundan sila.

"Tsk. Nawala sila." Sabi ni Athena.

"Atleast walang napatay" sabi ko.

"Can you use your ability?" Tanong ni Athena at tumango naman ako.

Dinetect ko sila gamit ang isip ko. Nasa isang lumang bahay sila.

"nasa isang lumang bahay sila. Tara" sabi ko sakanya at kumaripas ng takbo. Di naman masakit. Hawak ko si Athena at speed ang meron ako.

Mga ilang segundo lang, andito na kami sa likuran ng isang puno.

"May bantay" sabi ni Athena. Sumilip ako at oo nga, may bantay. 3 sila.

"Deceive them" sabi ko.

Winave ni Athena ang kamay nya sa mukha nya at biglang nagiba ang mukha nito.

Lumabas sya mula sa puno at lumapit dun sa tatlong bantay.

"Magandang gabi sainyo mga ginoo" sabi nya ng malambing na boses at ngumiti ng pangflirt. Haha, bagay pala sakanya ang maging flirt. Ano past life neto? Nagkatinginan naman ang tatlo.

"Magandang gabi binibini" sabi naman nung isa.

"Hoy baliw ka ba? Mamaya baka atakihin tayo nyan" bulong naman nung isa. Bulong pa ba yun?

Tumingin naman si Athena dun sa nagsabi nun. hinihipnotyze nya ang mga ito.

"Ang ganda niyo binibini" sabi nya. Napailing nalang ako.

Pinagtitira ko ung dalawa ng arrow para malaman ni Athena na umatake na sya.

"Nageenjoy pa ako ehhh" sabi nya sabay pout.

"Di mo bagay Athena" sabi ko sakanya. Mas lalo syang nagpout. Hay nako..

"Oh bat di mo pa pinapatay yan?" Tanong nya.

"Tanga ka ba? Gagamitin natin sya. For sure may mga bantay din sa loob. Kokontrolin ko sya" sabi ko sakanya.

"So, may ability ka din pala ng puppetry" sabi nya. Tumango naman ako.

Nagtago kami sa taas ng puno at sinimulan ko na syang kontrolin. Kumatok sya at binuksan naman nito ng kasama nya.

"Oh anong problema?" Oh! Btw, tinago na din namin ang mga kasamahan nya na pinatay ko.

"M-may kalaban doon. M-madami sila" sabi nung lalaki na kinokontrol ko.

"Tara!" Nagsilabasan naman ang mga tao mula sa loob.

Pinatay ko na yung kinontrol ko. Sumilip kami sa loob at wala na nga sila. Nilock namin yung pinto at tumambad samin sila Apo Mandani na nakalagay sa isang cage.

Gising sila pero may mga galos sila. Mukhang pinarusahan sila agad pagkadating dito.

"Mabuti at nahanap nyo kami" ngumiti nalang kami. Tinatanggal ni Athena ang tali sa mga kamay at paa nila. Ako naman, sinisira ang lock.

Nakaramdam naman ako na malapit na sila. Umilaw naman yung kwintas ko na bigay ni Aphrodite samin. So hindi lang ito para sa Black Ravens kundi sa mga masasama ang intensyon.

"Bilisan na natin, andyan na sila" sabi ko kay Athena.

Nakarinig naman kami ng mga armas na sinisira ang pintuan.

Charendalle Academy 2: The Destined Of The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon