Chapter 64: End

51 1 0
                                    

Xyrille's Pov

Andito kami ngayon at nakasakay sa mga karwahe. Papunta kami ngayon sa Academy. Kailangan na naming paghandaan ang lahat dahil mamayang gabi na ang pagsalakay nila.

Hawak hawak ni Daryl si Ale habang hawak hawak naman ni Ranz si Alee. Pinagbigyan ko na dahil gusto din ni Alee iyon. Ayaw ba naman tumigil kakaiyak. Pero nung hinawakan at tinignan lang sya ni Ranz, ayon tumigil. Nakikipagharutan na nga eh.

"Aju aju aju aju" sabi ni Ranz na tinataas baba ang tuhod nya para tumataas baba din si Alee.

"Hihihihihi" tamo. Ang pabebe ni Alee dyan.

Napailing nalang ako sa ginagawa nila. Si Ale naman, eto tulog mantika.

Si Cath and Ace nandun sa isang karwahe kasama ang ibang DarkKnights.

"Kailangan nating manalo dito. Kahit na elemento ang hawak natin, malakas din sila sa physical na labanan" sabi ko bigla sakanila.

Nakakaramdam kasi ako ng hindi maganda. Nanaman.

"Andito na tayo"

Nagsibabaan na kami at wala na akong makitang estudyante. For sure nasa loob sila kumakain dahil 12 na din.

"Who's hungry?" Tanong ko pero walang sumagot kaya humarap ako sa likod since ako ang nauuna sakanila.

Natawa nalang ako sa nakita ko. Dahil may dalang chips si Dexter, pinagaagawan nila yon. Napailing nalang ako.

"Guys" tawag ko at humarap naman sila.

"Come, let's eat na. Gutom na din ako kagaya nyo" and without a second, nagsitakbuhan sila papunta sa canteen.

"Daryl, Ranz, come with me" humawak sila saken at nagteleport kami sa dorm namin.

Pumasok na kami at pumunta ako sa room ko.

"Ilagay nyo nalang muna dyan si Ale at Alee."

"Pero walang magbabantay sakanila" sabi ni Ranz.

"So gusto mo ikaw na?" Tanong ko. Bahagya naman syang tumango.

Nagkatinginan naman kami ni Daryl at tumango sya.

"Alright. Magpapadala nalang kami dyan ng pagkain. Pakainin mo na din sila ng baby food" sabi ko sakanya at ngumiti at tumango sya.

Sabay kaming lumabas ng dorm ni Daryl.

"Brie" tawag nya kaya humarap ako.

"Do you think, everythings gonna be fine tonight?" Tanong niya sakin.

"I don't know. Iba din ang nararamdaman ko mamaya. But let's hope for the better" sabi ko.

Bahagya naman syang tumango at ngumiti.

"Right" at bumuntong hininga sya.

Papalapit na kami sa canteen ng bigla ulit syang magsalita.

"Brie, if ever I die in the battle, please give this to her" may pinakita syang kwintas na may red something sa loob ng katawan ng isang pusa.

"Is that a little bit of your flare?"

Ngumiti sya bago sumagot.

"Yes. Gusto kong malaman nya na espesyal sya sakin"

"Daryl, promise me one thing" sabi ko at binalik sakanya ang kwintas.

"Promise me that you'll be the one who will give this to her after the battle" bumuntong hininga sya. I know he know what I meant.

Tumango sya at binulsa ang kwintas.

Papasok na sana ako ng hilain nya ang kamay ko.

"This is for you" sabi nya sabay pakita ng isang kwintas na may stars. Apat na stars at kumikinang pa.

Charendalle Academy 2: The Destined Of The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon