Chapter 44: Plan

22 0 0
                                    

Xyrille's Pov

Hindi ko masyadong dinibdib o iniyakan yung tungkol sa break up namin ni Jayze. Masakit oo pero babalik sya. I trust him. Naniniwala akong babalik sya sakin.

Hindi ko man alam kung anong dahilan, alam kong babalik sya. And I'll make sure na malalaman ko din yung dahilan nya. Its a mistake right? Alam kong may kinalaman si Zues dito. I don't want to talk to them muna dahil I need to free up my thoughts first. Ihuhuli ko na ang tungkol sa personal life ko at uunahin ko muna ang tungkol kina Ace and Cath.

"Tatapusin ko ang war between us. They cannot stop me. I'm the next queen and I want the best for this world. I don't want any wars between my people. So I need to stop you and my people on fighting. Walang mapupuntahang maganda ang pagaaway. Besides, kailangan nyoko. Kailangan ako ng mga kagaya nyo. Papalayain ko sila. Just tell me where is that Academy" sabi ko sakanila.

"We're so proud of you! Handa ka na talagang maging Reyna ng magic world" naeexcite na sabi ni Cath sakin. Napangiti naman ako sa narinig.

"Kailan tayo aalis? Baka di tayo payagan lalo na malaki laki na din yang dinadala mo. Magpaal--" pinutol ko ang sinasabi ni Ace.

"No need. They won't know. I'll make a puppet don't worry. Mamayang gabi tayo aalis" sabi ko sakanila.

Tumango silang pareho. Hinanda ko na din ang hoodie naming tatlo para mamaya.

Jayze's Pov

"Jayze, para mabihasa ang skills nyo sa weapons, gusto kong magtrain kayo kasama ng mga ibang students. At ipaayos nyo na din ang weapons nyo. I think it needs an upgrade" sabi ni Headmaster samin bago kami umalis.

"Owemjee! Yes! Tara tara Amie!" Sabi ni Haycee at hinila si Amie palabas ng office.

"Sge na. Magingat kayo ha?" Tumango naman kami. Agad kaming nagtungo sa weapon room pagkalabas namin sa office ni HM.

Kamusta na kaya siya? I'm worried.

Zues' Pov

"What where you thinking?" Inis na tanong ni Athena sakin.

"What do you want me to do? Baka mamatay sina Xyrille at ang mga anak nya pag nanatili pa sya sa tabi ni Jayze! That's why ginawa ko yon!" Sabi ko sakanya.

Bat ba hindi nya maintindihan? Hindi na maintindihan na ginawa ko lang yun dahil I want Xyrille and her kids to be safe.

"Ano ba Zues! Pwede mo naman sigurong sabihin kay Xyrille na dito lang sya at hindi muna pwedeng lumapit kay Jayze-----"

Alam ko ang sasabihin nya that's why pinutol ko.

"Dahil ano? Dahil yung ginawa nya dati na pagkakamali ay nagbunga? At nagkaroon sya ng sumpa ganon? Kaya ayun, may hindi kaaya ayang bisita ang sumanib sakanya?"

"Oo! She needs to know! She is a princess. She is the next queen to be exact. So she needs to know kung anong nangyayare sa mga taong nasa paligid nya, especially it's Jayze" sabi pa nya.

"Why can't you just understand the situation?" Tanong ko.

"Sasabihin naman namin sakanya Athena. Ayaw lang namin na alalahanin yun ni Xyrille ngayon dahil may dinadala sya." Sabi ni Aphrodite.

"Mas mahihirapan sya kapag nalaman nya toh ngayon. Lalo na, its Jayze. That's why hangga't sa maaari, hindi nya pwedeng malaman toh. Baka magalit sya satin---"

Pinutol nanaman ako ng babaeng toh.

"Satin? Excuse me, sayo! Ikaw ang nagutos kay Jayze na makipagbreak sakanya kahit ayaw nya!" Sabi pa nya.

"Damay damay na toh Athena. Dahil nalaman nyo ng hindi kinokontra ang utos ko. Ginawa ni Jayze yun dahil gusto nya rin ang safety ng magina nya" sabi ko sabay tayo.

"Kahit kailan Athena. Pinaiiral mo yang katigasan ng ulo mo at pride mo. Bat di mo nalang intindihin ang sitwasyon? Di lang naman si Xyrille ang nahihirapan ah. Intindihin mo din si Jayze dahil nahihirapan din sya."

Athena's Pov

Tsk! Bahala nga sya jan!

Iniisip ko ang kapakanan ni Xyrille dahil ayokong magaya sya sa kanyang ina.

Alam naman nila iyon. Ako ang matalik na kaibigan ng ina nya kaya I want the best for her daughter.

Hayst! Di ko na alam! Nakakasakit ng ulo ang nangyayari ngayon!

Ace's Pov

Whut?! Inutos yon ni Zues kay Jayze?! Akala ko ginawa talaga yun ni Jayze kase di na nya mahal si Xyrille or what.

Ang alam kase namin, nakipagbreak si Jayze sakanya. Pero we don't know what's the reason. Pati si Xy. She doesn't know the reason why Jayze have to do that.

Pero what's worse, yung taong pinagkakatiwalaan pa ni Xy ang manguutos sa taong mahal nya na breakan ito.

My problem is, hindi ko alam if sasabihin ko ang nalaman ko or I'll keep it to her. Kapag kase tinago ko, magagalit sya sakin dahil may sikreto ako. Kapag sinabi ko, baka magalit sakin sina Zues dahil sakin pa nalaman ni Xy.

Aysh! Siguro kung si Cath ang nakarinig nito, for sure any minute now, alam na ni ate Xyrille.

Lumabas na ako sa secret room nila at pumunta sa kwarto. Kakausapin ko sana si Aphrodite kung pwedeng sikreto lang ang pagalis. Pero, mukhang sasabihin nya ito sakanila at hindi papayag pag nagkataon.

"Oh ano?" Tanong ni Cath.

"Di ko na tinuloy. Di papayag yun for sure kaya stick to the plan nalang. Baka magalit pa si Xy satin" sabi ko sakanya. Tumango naman sya.

"Bro, suotin mo na yung susuotin natin na hoodie. Malapit na magalas dose" sabi niya sakin. Tumango ako at kinuha yung hoodie. Invisible hoodie toh kaya namin isusuot para di kami makita ng mga nilalang dito. Mas lalo na sina Zues. Di kami pwedeng makita.

Pumunta kami sa kwarto ni Xy at nakita namin sya na may nilalagay sa hoodie nya.

"Ano yung nilagay mo ate?" Tanong ni Cath sakanya. Napatingin naman sya samin.

"Oh, good thing you're here. Lapit kayo. This is a potion. Para di maamoy ang kahit anong kapangyarihan na bumabalot satin. Para mas safe tayo, kailangan di tayo maamoy or what" sabi nya habang nilalagay samin yung potion.

"Magteteleport tayo malayo layo dito para di tayo makita. Baka kase makita tayo pag sa gubat lang tayo nag teleport" sabi niya.

"So, saan ang daan ba papunta sa academy nyo?" Tanong niya.
........
Dont forget to vote and comment💛

Updated today, June 18, 2021.

Small changes, fixed grammatical errors.

Charendalle Academy 2: The Destined Of The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon