This chapter is dedicated to sandra_leigh sya ang una kong reader/supporter.
*****************"Apo gising na tanghali na" sigaw ni Lola na nasa baba kaya nagising agad ako.
Ginawa ko lang ang morning rituals ko then bumaba na agad ako.
"Morning Lahhh" masigla kong bati pero sinimangutan nya lamang ako, ano kayang problema nya?
"Ikaw na bata ka ang gastos mo, andami mong pinamili, tapos bumuli kapa ng bago mong kotse" malumanay pero alam mo na nanenermon sya, I'm serious ganyan talaga yan si Lola nanenermon na malumanay padin. Cute.
"Sorry na po, andyan na po yan eh pretty please" pagmamakaawa ko kasi naman eh kung hindi dahil sa walang modong lalaki nayun eh di sana naiuwi ko yung rose, hindi sana ako mapapagalitan matutuwa pa sana sakin si Lola.
"Oh sya sya ano pa nga bang magagawa ko basta bawas bawasan mo na paggastos mo ha" the best talaga si lola promise.
Pagkakain ko umakyat muna ako sa kwarto, since wala naman akong gagawin manonood muna ako ng Descendants of the Sun episode seven na ako. Yes kahit artista na ako mahilig padin ako manood ng drama. Crush ko kaya yan si SJK haha.
"Huhuhu" bakit namatay si Yoo Si-jin? As in iyak ako ng iyak. Tapos si Kang Mo-yeon nakakadala ang pag acting nya. Episode 15 na ako alas dose y media nadin ng gabi tapos mamamatay lang pala si Yoo Si-jin.
Nakaramdam na ako ng antok kaya pumikit na ako, bukas ko nalang siguro tatapusin ang episode 16 kasi nalulungkot talaga ako sa happenings.
Nagising ako twelve na ng tanghali. Ommo lagot ako nito. Tuloy tuloy akong bumaba kasi gutom na gutom talaga ako.
"Ikaw na bata ka nagpuyat kaba? At bakit ganyan yang mata mo mugtong mugto?" sinisiyasat na mabuti ni Lola bawat anggulo ng mukha ko.
"Opo kasi po ang gwapo ni SJK eh ang yummy" bulong ko nalang.
"Sya sige na kain na nagluto akong gulay" agad akong dumiretso at kumain na dala na din ng gutom.
"Apo pasukan mo na bukas ah" salubong sakin ni Lola. Ay hala bat parang napabilis ata akala ko next week pa, lagot wala pa akong nabibiling kahit ano mas inuna ko pa yung mga kaartehan ko kaysa sa gamit sa school.
"Wag ka ng mag-alala nakapamili na ako ng mga kailangan mo, tumawag kasi ang ninang mo sabi ini-udjust daw ang simula ng klase nyo" ay wow talaga bait talaga neto ni Lola, kakapagtaka lang bakit kaya napaaga ang klase.
"Yung mga uniform mo andyan nadin pinadala nadin ng ninang mo" tumatawa na si lola siguro dahil sa nagulat ako aba eh grabe handa na lahat ako nalang pala ang kulang at syempre pati yung disguise ko.
"Yiieee Lola thanks po" sabay yakap ko sa kanya.
Lastly yung disguise ko kailangan ko mamili ng mga gamit kaya nagpaalam ako para pumunta sa mall.
Kinagabihan iniisip ko kung paano yung iaakto ko kapag nasa klase na kailangan ko maging mahinhin at mahiyain.
Grabe ang aga aga ko naman si Lola kasi excited na maghatid sakin eh ang aga-aga ginising na agad ako,super cute talaga ni Lola. Alam din nya na kailangan ko magdisguise for security purposes.
Isa pa itong nasa dibdib ko para tuloy akong ini-igkis sa garter na ito grabe talaga. Andito ako sa comfort room nag-aayos syempre kailangan bagong ako ang makita nila dahil kung hindi issue ito sa showbiz.
I looked at the mirror. Grabe ako ba ito kasi naman naka nerdy glasses ako tapos yung mata ko kulay itim kasi naglagay ako ng contact lens yung mata ko kulay brown talaga sya same with my hair but I also make my hair black syempre tapos hindi ko sya pinabuhaghag just like every nerd you know, pina straight ko ito. Tapos yung umbok ng hinaharap ko hindi na makikita kasi nakasports bra ako with matching garter na white para hindi halata. Mapagkakamalan na akong flat neto. And then required dito na nakaheels pero flat lang yung pinili ko pumayag naman si Ninang. Matangkad naman ako kaya okay lang.
YOU ARE READING
Started With A Disguise
Teen FictionSapphire Arellano, AKA "Yerin Kim" a 19-year-old Korean Celebrity. She has everything a girl would dream of - beauty, brain, and talents. She's almost perfect but the downfall of her personality is socializing with other people; she really hates ski...