Sapphire's POV
"EH kasi naman kamukha mo talaga sya. Promise!" kanina pa ako kinukulit ni Cheska na kamukha ko daw si Airie Kim tyaka daw yung one time na may girl na bumili sa boutique na pinagtatarbahuhan nya.
"Hindi nga kasi ako yun" kailangan talagang hindi maexpose ang pagkatao ko eh. Pero may tamang panahon para dyan.
"GRABE KA!!! Sa akin ka pa makikipagtalo eh certified fan ako ni Airie napanood ko kaya yung mga k-drama nya kahit nung nagsisimula palang sya. Yung mga second lead palang sya." Well hindi kita masisisi magaling naman talaga ako.
"Basta tigilan mo ako dyan sa issue nayan baka may makarinig sayo sabihan pa ambisyosa ako" lumingon ako sa kanan at kaliwa ko kunwaring nagmamasid.
"Sige na nga, pero try mo tagtagin yang glasses mo tyaka magpakulay brown ka ng buhok at medyo ipakulot mo" grabe ang kulit nitong babae na ito, ayaw talagang patalo eh.
"Tumahimik kana ititreat nalang kita mamaya shopping tayo" para naman magtigil na ito pero parang biglang nalungkot yung mukha nya.
"Ahh wag na Fire baka isipin nila pineperahan lang kita" parang nahihiyang saad nya.
"Ano kaba diba friends na nga tayo wag kana mahiya sige ka magtatampo ako sayo" alam ko na nahihiya talaga siya pero ok lang naman talaga sa akin, gusto ko talagang magkaroon nang totoong kaibigan. Kasi wala talaga akong maituturing na totoong kaibigan. Yung assistant ko naman na si Trish masyadong professional ni hindi ko nga yun nakakasamang magshopping.
"Sige na nga" yes pumayag din.
"Tara na pasok na muna tayo" naglakad na kami papuntang room, magstart na kasi ang first subject namin.
Syempre magkalayo na naman kami ng seat ni Cheska. Tahimik lang ako sa seat ko ng biglang may babaeng umupo sa tabi ni Cheska. Sino kaya sya at bakit ngayong friday lang sya pumasok.
"Oh andyan na pala si Mia siguro galing na naman yan sa bakasyon" narinig kong sabi ni James kay Tristan.
"Wala akong pakialam" matigas na sambit ni Tristan. What's with him? Biglang nagbago ang aura.
"Asus bitter dipa nakaka move on haha" sabay sundot pa ni James sa tagiliran ni Tristan.
"Shut up James para kang bata!" galit na si Tristan this time. Bakit kaya?
Biglang humarap sa akin si James kaya napangiti agad ako. Pag ako talaga nagka asawa ng ganito ka cute hindi ko na sya bibitawan palagi akong nakabitin sa braso niya. Oo na crush ko na si James. Basta i prefer cute kesa sa handsome.
"Fire yun nga pala si Mia ex ni Tristan" sabay turo dun sa babaeng katabi ni Chelsea.
"Ahh bakit ngayon lang sya pumasok" balik tanong ko sa kanya, kasi naman nakakacurious talaga apat na araw syang absent.
"Kasi galing syang States nagbakasyon sya dun" mukhang mayaman sya tyaka kita mo sa pagkilos nya mula sya sa mayamang pamilya. Mabait kaya sya?
"Mabait ba sya?" tanong ko ulit.
"Oo naman pero minsan di namamansin" sabay ngiti na naman ni James sa akin, pag ako talaga niligawan nito walang nang pakipot pa sasagutin ko agad sya kahit kasal pa.
Biglang nagvibrate ang phone ko pagtingin ko si Cheska pala nagmessage sakin.
'fire pakilala kita mamaya kay mia'
Nagreply nalang ako ng: 'sige'
Dumating na yung teacher namin kaya nagsimula na akong magsulat ng mga sinasabi niya. It's Ms. Rodriguez teacher namin sa Philosophy. Sa kalagitnaan ng discussion biglang dumating si Arken.
Hindi man lang nag good morning at dire-diretsong nilagpasan ang teacher sa unahan. Wala talagang galang.
YOU ARE READING
Started With A Disguise
Fiksi RemajaSapphire Arellano, AKA "Yerin Kim" a 19-year-old Korean Celebrity. She has everything a girl would dream of - beauty, brain, and talents. She's almost perfect but the downfall of her personality is socializing with other people; she really hates ski...