Sabado ngayon at may lakad ako, guess where. Sa bahay nina James kasi magpapaturo sya sa akin sa Calculus. Remember nung nagsagot kami ni Arken about dun sa Conics, ayun hindi daw gets ni James. Sabi nya bakit pa raw nya pag aaralan yan, hindi naman daw kailangan sa future. Kulit din eh no? Sya talaga dapat ang susundo sa akin pero sabi ko may pupuntahan din ang kapatid ko kaya sasabay nalang ako hindi ko naman sinabi na si Eion ang kapatid ko. Namimilit pa nga sya na sunduin ako eh. Pero wala na syang naggawa kaya tinext nalang nya address nila.
Saktong sakto talaga kasi naisipan ngayon hiramin ni Eion ang kotse ko, so magpapahatid na ako sa kanya.
Naligo na ako at naghanda, siguro hindi ko na kailangan magdala ng mga books meron naman siguro sa kanila.
Simpleng white t-shirt lang na may tatak na 'Single but happy', black fitted jeans and a black converse for my shoes. Naka-ponytail ang buhok ko ng mataas, which swings left and right as I walk, hindi ko madalas ginagawa 'to sa school kasi nga baka may makakilala. Kapag mataas ang pagkakatali ng buhok ko naha-highlight ang maliit kong mukha nakikita din ang jaw line ko, nagmumukha daw akong mataray. Nakakasawa na kasi yung nakalugay, tyaka ang init kaya. Okay lang naman siguro kina James kami lang naman siguro at ang parents nya ang nandoon.
Dinala ko nadin ang nerdy glasses mahirap na baka magkakilalanan bigla pero nilagay ko muna sa dala kong handbag. Mamaya ko nalang siguro isusuot kapag nasa kanila na.
Okay na lahat kaya bumaba na ako.
"Noona you're unbelievable you never fail to be late and slow. I'm already late with my appointment. What a typical bratinella" mukhang kanina nya pa akong hinihintay dito. Kung makapag rant akala mo naman isang oras na syang naghihintay. Yung kilay nya halos magtuwid na tapos yung noo ngunot na ngunot.
"Okay calm down lil bro, you still have that short-tempered attitude of yours" sabay kurot ko sa pisngi nya. He is so cute when he's mad and I found it really amazing. He'll always be my cute lil guy.
"Sige na Sapphire umalis na kayo at yang si Eion ay kanina ka pang hinihintay" sambit ni Lola galing siguro sa garden nya kasi may dala dala pang gunting at naka gloves pa.
"Okay jerk let's go" naglakad na ako, at diretsong sumakay sa shotgun's seat.
"Hey bitch don't tell me you have a date, in that looks of yours, it's not your style" pahayag nya habang nakatingin sa suot ko. Bakit ayos naman ah simple lang. Para talaga sakin this jerk-and-bitch call sign is a little bit weird, ewan ko ba nakasanay na namin eh. Normal nalang.
"Ano bang dapat suot ko sleeveless, at dapat ba naka 5 inches killer heels ako? Eh di sana ipinangalandakan ko nang ako si Airie Kim, baka gusto mong magdala na din akong name tag, common sense Dongseang" inirapan ko sya. Minsan talaga hindi ko alam kung nagloloko lang sya o talagang minsan nawawala ang utak.
"Okay sorry it's just..., Im not used to see you with that outfit" saad nya tapos pinaandar na ang kotse.
"Eion ibaba mo na ako dito lalakadin ko nalang malapit na naman" kasi baka malaman pa ni James na si Eion pala ang kapatid ko. I don't want that to happen, I just want to keep my disguise safe.
"Okay" hininto na nya yung sasakyan, malapit na naman sa bahay nina James.
"Wag kang magpapagabi ha, ingat jerk" tyaka ako nag wave habang naglalakd patungo sa mansyon ng mga Alonzo. Grabe halos kasing laki ito ng bahay nina Arken. Hindi talaga nagkakalayo ang yaman nila. I wonder kung ganito din ba kalaki ang bahay nina Tristan or baka mas malaki pa.
Naisip ko saan kaya pupunta si Eion sabi nya may pupuntahan lang daw sya, pero hindi naman nya sinabi kung saan. I'm gonna ask him later.
Mula sa labas kitang kita ko ang mansyon nila, kasi elevated ito. Nag doorbell ako. Agad namang binuksan ng guard yung gate.
YOU ARE READING
Started With A Disguise
Novela JuvenilSapphire Arellano, AKA "Yerin Kim" a 19-year-old Korean Celebrity. She has everything a girl would dream of - beauty, brain, and talents. She's almost perfect but the downfall of her personality is socializing with other people; she really hates ski...