Simula

234 10 5
                                    


We all have a beautiful place in our mind. I have a beautiful place that made me happy a lot of times subalit ako lang ang tanging nakakakita at nakagugusto nito. And I'm asking myself if this place will be as beautiful as I thought when I will go back to visit it again.

Ibang-iba ang lugar na ito sa realidad ko. Magmula sa kulay, sa amoy, sa laki, sa kabuoan.

Sa mga panaginip ko ang paraisong iyon ay napupuno ng maraming magagandang bulalaklak, nagtataasang punong kahoy at preskong hangin na laging yumayakap sa aking balat. Punong-puno ito ng misteryo na hindi ko din alam kung saan hahanapan ng kasagutan.

I used to go on a hill near the lake to sit down on a rock and watch the trees blow slowly in the wind. There was a very old tree, a molave tree, with a huge trunk. The others were smaller, three in the back, five on my left side and the old molave tree on my right. There were flowers of many kinds; white, yellow, red and blue. It was nobody's place. Nobody owned that hill, but it was beautiful and peaceful and I wondered many times about the mysterious white mansion over there.

Naalala ko pa noong unang beses na lumapit ako sa mansyon na iyon. Sobra ang naging pagtingala ko para maabot nang tingin ang tuktok ng tarangkahan nito. It was made of thick shiny black stone and the mansion made of polished white rock. Marbles statues stood tall and mighty by the entrance and I couldn't take my eyes from the brilliant details on them.

"Sino ka?"

I still vividly remember how that man asked me that question. How those thick brows furrowed. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang paglukso ng puso ko sa kanyang titig. He looked arrogant, rough and even violent.

Ilang beses pa ako noon napakurap dahil iyon din ang unang beses na may nakita akong tao sa lugar na ito bukod sa akin.

"I-Ikaw ang may-ari ng bahay na'to?"

He intensely looked at me. Waring kinakabisado ang bawat anggulo nang aking mukha na para bang may mali sa aking tanong. Gumapang ang hiya sa akin.

"You don't belong here."

I'm about to respond pero agad naagaw ng kanyang mata ang atensyon ko. May mali, may iba sa pares ng mata na iyon. And I'm curious about one thing.

Anong kwento ng lalaking ito?

He shifted his gaze. "Umalis ka na."

And then he decided to left without hearing words from me.

Maraming gabi pa ang dumaan na lagi akong napapadpad sa paraisong iyon at matatapos lamang sa paggising ko sa umaga. Noong nakaraang nalagi ako doon ay nakita ko siyang muli ngunit agad akong nagtago sa likod ng malaking puno ng molave. Nasa ilalim ito ng isa pang puno, nakasandal at tila namamahinga.

"Cara, tapusin mo na yan at dumiretso ka ng autopsy lab pakilinis ng mga ginamit kong apparatus."

Inilapag ko sa table ang mga death certificate na hawak ko at pinagsama-sama iyon sa isang gilid. Tumayo ako at nginitian ang aking tiyahin na si Amanda, ang head nurse ng hospital.

Naging abala ako sa paglilinis. Sinulyapan ko ang malamig na bangkay ng babae na ngayo'y nakabalot na sa puting tela.

Ito ang realidad ko.

Araw-araw ay nalalanghap ko ang simoy ng hospital. Araw-araw din akong nakakakita ng mga namamatay at minsa'y ako ang sumusuri sa mga ito.

Lumipas ang dalawang oras ay namalagi na ako sa loob ng staff quarters. Naningin ako ng mga ilang dokyumento at ginawan iyon ng report. Pasado alas-otso na ng gabi nang matapos ako.

Saglit akong dumaan sa canteen ng ospital para maghapunan. Pagkatapos ay nagtungo na sa morgue katulad ng palagi kong ginagawa.

Parte ng trabaho ko ang inspeksyunin ang kaayusan ng mga dinadalang katawan dito at kapag nagka-problema ay sa akin din ang sisi.

The Dead Man's Claim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon