Kabanata 1

130 13 5
                                    


Hinihingal kong isinalin sa basinilya ang dalawang galong punong tubig na inigib ko pa galing sa poso ng Mansion Alegre na ilang metro din ang layo mula dito sa kubong tinutuluyan ko. Mabuti na lamang at mabait ang taga-pangalaga nito. Hinahayaan na lamang kaming mga karatig na umigib nang walang bayad basta't tuwing ika-huling linggo ng buwan ay papatlangan namin ang pagpunta doon. Iyon daw kasi ang araw na umuuwi sa masyon ang may-ari. Hindi naman iyon naging problema sa akin dahil Sabado at Linggo lamang ako uuuwi dito, araw kung saan pahinga ako mula sa trabaho.

Halos kalahating oras ko din ipinagpatuloy ang pagi-igib hanggang mapuno ang basinilya. Sasapat na ito hanggang bukas.

Matapos ang ilang natitirang gawain ay nagpasya akong gugulin ang oras sa pamamalengke. Isang oras ang byahe mula dito sa Sitio Miramonte papuntang karatig bayan kung saan naandoon ang pamilihan. Ramdam ko pa ang pananakit ng braso at binti ko pagbaba sa sinakyang jeepney. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala ako sanay sa pagi-igib.

Una kong pinuntahan ang linya ng mga nagtitinda ng gulay. Kasunod ay ang stall ng mga karne at isda. Sumaglit din ako sa bilihan ng mga prutas upang mamili ng ilang pirasong mansanas at isang piling na lakatan. Balak kong ibigay ang mga prutas sa taga-pangalaga ng Mansion Alegre bilang pasasalamat.

Sa aking daan patungong terminal ng jeep ay aking nadaanan ang isang stall na nagtitinda ng mga antique na gamit. Nakuha ng isang pamilyar na painting ang atensyon ko. Nilapitan ko ito para makasigurado. Halos manuyo ang lalamunan ko.

Ang painting na ito...

Dahan-dahan kong inilapit ang aking kamay upang hawakan at iklaro ang aking nakikita ngunit isang hiklas sa hawak kong bag ang naramdaman ko. Nakita ko ang paggulong ng mga pinamili kong mansanas sa kahabaan ng pababang kalye. Kasabay nito ay ang tumatakbong magnanakaw bitbit ang pitaka kong may laman pang ilang papel na pera. Sinubukan kong habulin ito ngunit nawala na din sa abot ng paningin ko ang tulisan.

Pigil inis kong dinampot ang ilang mansanas na nakakalat sa daan at pinilit iyong isiniksik sa bayong na nasira.

Pera lang iyon, ang mahalaga ay ligtas ako. Paalala ko sa sarili.

"Ate, lalagyan po."

Tiningala ko ang batang may bitbit na iba't-ibang kulay at uri ng eco bag. Nginitian ko siya.

"Ok lang ako, bunso. Nanakawan din ako ng pitaka eh. Wala akong ipangbabayad dyan."

Napansin ko ang paglingon ng bata sa isang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan. Ipinilit niyang iabot sa akin ang isang malaking asul na eco bag pagkatapos ay tumakbo sa salungat na direksyon at iniwan sa akin ang lalagyan. Inaninag ko ang kotse. Nagtama ang tingin namin ng lalaking sakay nito. Matipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Mabilis niyang itinaas ang bintana ng kanyang sasakyan.

Napakibit-balikat na lamang ako at inayos ang lagay ng mga mansanas sa asul na eco bag.

Nakarating ako sa bahay na naga-agaw na ang liwanag at dilim. Sinindihan ko agad ang gasera. Hindi lang mahirap ang tubig dito, wala din kuryente ang kubong ito.

Mabilis akong kumain at naghandang matulog. Inilatag ko ang banig sa kawayang hihigaan. I decided to lay down. The night chill seeped through my blanket. Wind hammered on my window panes. I could hear persistent drip-drop-drip coming from the filled barrel earlier. Now, all I want to do is to observe the surrounding. Ito ang unang pagkakataon na natakot akong pumikit. Unang pagkakataon na natakot akong pumunta sa lugar na palaging kong gustong puntahan. This time, I'm begging to escape my fantasy and just simply live with reality. Kailanman ay hindi ko inakalang hihilingin ko ang bagay na ito.

The wind finally blows out the gas lamp. Dust enters my eyes. I rubbed it thrice and the moment I opened it, I found myself wandering along the lake near the white mansion. My face started to pale. Tear-stained eyes gazing onto the dark surrounding. My favorite place was dead.

The Dead Man's Claim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon