Kabanata 2

104 8 3
                                    


Tahimik akong inihatid ni Aling Esie palabas sa gate ng Mansion Alegre. Maski ako ay walang balak umimik. Lumikha naman nang ingay ang cellphone na nasa loob ng aking bag na naging rason para mabasag ang katahimikan. Mabilis ko itong kinuha.

"Gabi na! Asan ka na Cara Raphael!?"

Halos nailayo ko sa aking tenga ang hawak na cellphone. Nilingon ko muna ang katabi bago sagutin ang tanong ni Auntie Amanda.

"Pabalik na po ako diyan."

Narinig ko ang ingay sa kabilang linya. Ilang segundo din bago siya nakasagot.

"Bilisan mo! Dumadami na ang gawain dito!" sabay baba niya ng telepono.

Kumawala ang malalim na hininga sa akin kasabay ng pagdating ng pinatawag kong tricycle sa kanto. Hinarap ko si Aling Esie.

"Magpapaalam na po ako. Kung magka-problema, wag po kayong mahiyang lumapit ulit sakin."

Bago ako tuluyang makasakay ay hinawakan niya ang laylayan ng aking uniporme.

"Mabait na tao si ser, Cara. Pakiusap, pag-isipan mo ulit ng mabuti." Nag-iwan siya ng isang matamlay na ngiti bago pumasok sa loob ng mansion.

Buong byahe ay hindi mawala sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Aling Esie. Ang gusto niyang mangyari ay hatiin ko ang aking oras. Sa umaga, sa Mansion Alegre ako magtr-trabaho at pagsapit naman ng gabi ay tsaka ako pupunta sa hospital para tumulong kay Auntie. Ang sabi pa niya ay siya na daw ang bahalang kumausap sa aking tiyahin. Mataas daw ang makukuha kong sahod kung papayag ako. Syempre ay mabilis ko iyong tinanggihan. Ayokong pumasok sa mahirap at magulong sitwasyon. Hindi ko din alam kung makakayanan kong pakisamahan ang kanyang amo.

Pagkadating ko sa hospital ay agad akong dumiretso sa autopsy lab. Nakapagtataka na wala roon si Auntie. Sinilip ko ang staff quarters, iilang nurse lamang ang naandoon. Si Joselle ay hindi ko din nakita. Hindi na ako nag-abalang magtanong sa mga kasama. Inintindi ko nalang muna ang mga dokyumentong nakapatong sa aking desk.

Makalipas ang dalawang oras ay nagpasya akong mamahinga. Napatingin ako sa orasan. Pasado alas nwebe na ng gabi. Kinuha ko ang pakete ng gatas sa aking aparador at nag-init ng tubig. Habang nakaupo ay sumimsim ako ng tinimplang gatas at sinabayan ko ito ng pagkain ng biscuit. Ito na ang magiging hapunan ko.

"Cara?"

Sumilip sa pintuan ng quarters ang isa sa aking kasamahan. Inilapag ko ang baso sa desk.

"Pinapatanong ni Nurse Amanda kung nakapunta ka na daw ba sa morgue ngayong araw?"

Matipid ko siyang nginitian. "Pupunta pa lang."

Tumango ito sa akin bilang pagtugon at agad na ding umalis.

Naisandal ko ang aking likod sa upuan. I guess I have no choice but to go there and face my fear.

Mabilis kong tinapos ang kinakain at naghandang pumunta sa morgue. Inayos ko din muna ang iba pang naiwang dokyumento.

Mabagal kong tinahak ang daan papunta sa nasabing kwarto. Nararamdaman ko na halos ang pagtaas-baba ng aking dibdib. Nang sandaling makarating ako ay tila kusang umaatras ang mga paa ko. I really have no idea how to handle the situation. Nangingibabaw ang takot ko kahit na gusto kong matapos nang maayos ang trabaho.

Bahala na.

I entered the room with my flashlight on. Napaltan na ang fluorescent light ngunit mas pinili kong gamitin itong kakaunting liwanag.

My heart thudded louder and louder as I scanned the room. Cold sweats trickled down my sides the moment na nakita ko ang hospital bed na iniiwasan kong makita. Pinilit kong iwaksi iyon sa aking isipan ngunit makulit ang aking mga paa.

The Dead Man's Claim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon