"Thank you." Nilingon ko ang room attendant na tumulong sa akin pagbubuhat kay Sir Priam. Tumango ito bilang pagtugon at agad na lumabas ng kwarto.Inayos ko ang pagkakapatong ng ulo ni Sir Priam sa unan. Tinanggal ko ang suot nitong sapatos at binuksan ang ilang butones ng kanyang puting polo. Kasunod ko namang ipinatong ang itim na comforter sa kanyang buong katawan.
Inilapat ko ang aking palad sa ibabaw ng kanyang noo. Agad kong inilibot ang tingin sa kwarto at mabilis kumuha ng planggana at bimpo.
Dinampi-dampian ko ang kanyang noo pababa sa kanyang mukha at leeg. Nagdalawang-isip pa akong punasan ang kanyang dibdib. Sa kabilang banda ay ginawa ko parin at isinabay maging ang kanyang mga kamay.
"Bakit ba lagi kang may sakit? Ang laki-laki mong tao."
Pailing-iling kong tinitigan ang natutulog nitong mukha. Maingat kong inilagay ang bimpong hawak sa ibabaw ng kanyang noo. Ipinatong ko naman sa katabing desk ang plangganang may laman na tubig.
"Magpagaling ka. Babalik na ako sa kwarto ko."
Muli kong inayos ang nagusot nitong comforter. Papaalis na ako nang naramdaman ko ang giniwa niyang pagpigil sa aking kamay. Maingat ngunit mahigpit ang kanyang hawak. Gulat kong ibinaling ang tingin sa kanya. Nakapikit parin ang mga mata nito.
"Don't...leave."
Hindi ako maaring magpadala sa tono ng kanyang boses. Dahan-dahan kong kinalas ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak. Inabot nya itong muli.
"Please."
Halos marinig ko ang sariling buntong hininga. Hindi ko kayang pabayaan ang mga taong nagmamakaawa sa akin.
I guess, dito na ako magpapalipas ng gabi.
"Saglit. Kukuha lang ako ng mauupuan."
Binitawan niya ang aking kamay. I almost maked face. Hinigit ko ang bangko sa gilid at ipinwesto iyon katabi ng kanyang higaan. Naupo ako at mataman siyang pinagmasdan. Nakatulog na ulit ito na parang walang nangyari.
Hindi ko maiwasang mag-isip. Bakit lagi siyang may sakit? Bakit takot siya sa konsepto ng pag-iisa? At bakit... laging malungkot ang kanyang mga mata?
I shrugged. I should mind my own business. Masyado na akong nagiging pakealamera.
Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Alam kong ilang minuto lamang ay makakatulog na ako.
Ginising ako ng tumatamang liwanag sa gilid ng aking mata. Mataas na ang sikat ng araw. Uminat ako at nahulog mula sa aking balikat ang nakapatong na isang itim na tuxedo. Pinulot ko iyon at agad na nilingon ang kama.
Nakaalis na siya.
Nagmadali akong tumayo at isinama sa aking pag-alis ang naiwan na tuxedo.
Pagkadating ko sa aming suite ay naabutan kong nakaabang si Joselle malapit sa pinto. Masama ang tingin nito sa akin. Agad kong itinago sa aking likod ang tuxedo na hawak.
"Explain yourself." Bungad nito.
I smiled nervously. Joselle, hindi ko din alam ang ipapaliwanag ko.
"S-Someone needed my help. Sorry..."
Pinang-ikutan niya ako ng mata. Alam ko ang ibig sabihin ng ekspresyon na iyon. Hindi siya naniniwala.
"May kinita ka ano?" pang-aasar ni Rica sa gilid.
Iniiwas ko ang aking tingin sa kanila.
"Oh my gosh." Napatayo ng hindi oras si Rica. "So it's true!?"
BINABASA MO ANG
The Dead Man's Claim
Mystery / ThrillerThey traveled two different worlds over in search of what they need and found home in each others' arms.