AGAPE DE GUZMAN
Hingal na hingal, sobrang pawisan, kinakabahan, nanginginig ang buong katawan at takot na takot. Wala na yatang umaga na di ako ganito. Wala na yatang umaga na di ko yun napapaginipan. Napaupo agad ako at walang ano ano'y sigarilyo agad ang sinumpak ko sa bibig ko at nanginginig na sinindihan yun.
Shit! Bakit ba di ko maialis sakin yon. 2 years na yon? 2 years! Nakaka asar!! Bakit di parin ako makawala sa mga matang yung!Nanginginig akong napatingin sa labas ng bintana at napaiyak. Kaasar!
"Agape-babes, sigarilyo agad!!" Sigaw ni Sala. Room mate ko and sya lang ang kaibigan ko mula ng mapunta ako rito 2 years na nakararaan. Pinunasan ko muna ang luhang nasa mga mata ko bago tumingin sa kanya at ngumiti.
"Sorry naman. Nagpakita agad eh!" Sabi ko at binilisan nalang ang pag ubos roon. Kahit papaano naibsan nun ang panginginig ko.
"You always wake up having nightmares. Care to share this time? Nag aalala na ako sayo." Sabi nya ng makalapit sakin at agad na hinawakan ang mga nanginginig kong kamay. Di ko kayang sabihin sa kanya. Hindi! Hindi..
"Ok lang ako. Aahhh Late na ko!! Sige maliligo na ko bye!!" Halos sigaw ko at tumakbo na sa banyo. Umiiwas lang ako sa kanya. Ayokong may malaman sya. Ayokong kaawaan. Ayokong pandirihan. Ayoko, ayoko.
Napaupo nalang ako sa ilalim ng shower at di ko napigilan ang pag alpas ng mga luha ko. Ano ba nakita ko sa hayop na yon!? Bakit minahal ko sya noon? Bakit hinayaan kong pagsamantalahan nya ako? Fuck!! Bakit ba nagkaganito ang buhay ko!?
"Eros. Hayop ka. Hayop ka." Paulit ulit kong sabi. Di ko sya mapapatawad. Hindi kahit kailan.
========
"Miss De Guzman. Congratulation you have the highest score again. Keep up the good work." Sabi ng professor namin sa isa sa mga major ko. By the way, Education ang kinuha kong course and graduating na ako. Buti nga kahit na 3rd year na akong pumasok sa University na to tinanggap parin nila ako at ang masaya scholar pa ako.
Ngumiti naman ako sa prof namin at yumuko ng bahagya.
"Thanks ma'am." Sagot ko at tinignan na sya habang palabas ng room. Ahhh salamat naman tapos na ang klase. Pero di pa tapos ang buhay ko. Trabaho naman, hay.
Ganito ang realidad ng buhay. Kaylagan kumayod para umagat. Lalo na sa katulad kong wala ng iba pang inaasahan. Wala akong pamilya. My mom and dad died in a car accident. 2 years old lang ako noon. Si lolo at lola ang nag alaga sakin mula nun but nung 15 ako namatay sila. Napunta naman ako sa mga walang hiya kong tita. 2 years ago lang ako nakalaya sa kanila ng maging legal ang edad ko at lahat ng iniwan sakin ng magulang ko ay nakuha ko na. But di ko parin ginagamit. Natatakot ako na baka pag ginamit ko ang perang yun. Magkita kami ni Eros. Kaya naman nasa bangko lang. Pag naka graduate nalang siguro ako. Ahhh di ko alam.
Pagkalabas ko ng University ay agad akong nag sindi ng sigarilyo at naglakad papunta sa cafe na pinapasuka ko sa hapon. Buti na ngalang ay nag extra classes ako last year kaya naman unti nalang ang kinukuha ko ngayon.
Sigarilyo lang talaga ang nagpapanatili sa pagkakalma ko. Ahh masama na kung masama. Pangit na sa babae kung pangit paki nyo ba. Wala kayong paki! Ahhh high blood nanaman ako. Hay,
"Good afternoon, Agape! Aga mo ah!" Si Alex. Katrabaho ko. Waitress sya dito. Katulad ko part timer din. 23 na rin sya gaya ko. Accounting nga lang ang course nya.
"Maaga natapos yung klase namin kaya pumunta na agad ako dito." Sagot ko at agad na nagpalit ng damit. Sa counter ako. Kumukuha ng mga order ng mga costumers. Di kasi ako pwede sa pagiging waitress. Alam naman ng lahat na ilag ako sa tao lalo na sa lalaki. Minsan na akong nag waitress and disaster yun kaya naman nilipat nila ako sa counter.
BINABASA MO ANG
Toxic Love
General Fiction"I told you, honey. I break everything I cherish. And, You're not an exception."