In a Relationship

1.7K 26 0
                                    

IN A RELATIONSHIP

"Here comes the power couple!!" Pang iinis ng mga katrabaho namin dito sa cafe ng makapasok kami sa locker room namin. Namumula ako. Kasi naman. Nakahawak pa talaga sa kamay ko si Xander at sya ang may dala ng mga gamit ko.

Halos mag dadalawang buwan na kami. Napaka bait nya. Sobrang sweet. Hatid sundo ako sa university ngayon nga ay sa high school na pinag o-ojt-han ko. As in. Lahat ng co-teachers and estudyante rin doon. Kinikilig sa kanya.

"Manahimik nga!" Natatawa kong sabi inakbaya naman ako ni Xander at niyakap. Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib nya. Namumula ako!!

"Arrg kuya! Maraming single dito. Makaramdam naman." Sigaw ni Sala. Natawa naman ang kuya nya.

"Inggit ka lang. Tapusin mo pag aaral mo bago ka magpalit ng status. Bawal pa ngayon." Pang iinis nya sa kapatid. Ang overprotective talaga nya kay Sala.

"Arrg yeah yeah. Pero fling pwede, bwahahahaha!!!"

"Don't you dare! Sala!!!" Narinig ko ang papalayo nyang tawa kasabay ang sigaw ni Xander. Natawa nalang ako at lumayo sa kanya.

"Labas na. Magaayos na ko."

"Pwede naman kasi di na---aray!"

"BOSS LABAS." Utos ko sa kanya ayun napa pout naman sya. Hahaha

"Yes, ma'am" sabi nito at umalis na. Hay, loko talaga na yun.

"Agape may sigarilyo ka pa dyan?" Tanong ni isa kong kasamang nagbibihis. Napatingin naman ako sa kanya.

"Iniiwan ko na sa apartment." Sagot ko.

"Wow! Real ba?" Di sila makapaniwala sa sinabi ko. Lumapit pa talaga sila at inamoy ako.

"Naging kayo lang ni boss Xan nagbagong buhay ka na!" Sabi ng isa. Natawa naman ako.

"Loko, nahihiya lang ako kay Xander. Kaya sa bahay nalang ako nag yo yosi." Sabi ko. Nakakahiya talaga. Di sya naninigarilyo tapos madalang lang uminom. Diba! Nag adjust ako nu. Ayoko namang mag amoy sigarilyo sa tabi nya.

"Real ba?"

"Ewan sa nyo. Mauna na nga ako sa inyo para kayong mga baliw." Sabi ko. Nangantyaw naman sila ng nangantyaw sakin. Baliw talaga.

======

"Pagod na ko." Pagpapa cute ni Xander sakin. Nasa office nya kaming dalawa. Sarado na ang cafe and basement na ang gumagawa.

Heaven's Liar. Bar sya na sinimulan ni Sala one and half month na nakararaan. Naging hit agad ewan ko kung bakit. Di pa ako nabababa doon.

Ngayon nga para akong. Body guard ni Xander. Ayaw nya akong pauwiing mag isa. Kaya araw araw na routine namin to. Dito na nga ako gumagawa ng mga ituturo ko para kinabukasan. Maging pag ch check ng quizzes and activities ng organizer estudyante. Pagdating sa apartment. Mag lilinis nalang ako at matutulog. Haha

Napatingin ako sa kanya na nakadukdok na sa lamesa nya. Dahil sa bar nadagdagan ang trabaho nya. Yung eyebags nya ang lala na. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Naramdaman nya siguro kaya naman inangat nya ang ulo nya.

"You look like old." Pang iinis ko at hinawakan ang pisngi nya. Napangiti naman sya. Hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang palad ko.

"I'm fine. It's for our future. I have to work hard so I can give you everything you want." sabi nya. Looking forward na talaga sya sa buhay na kasama ako.

"Xander," tawag ko sa pangalan nya. Di ko alam. Na gu guilty ako.

"I love you, Agape." Usal nya.

Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon