A DATE
"Kuya bawal gabihin ok!! 6:30 nasa bahay na. Ok." Sabi ni Sala na para bang nanay ko kung makapag salita sa kuya nya. Natawa naman si Boss Xan at ginulo ang magulo nyang buhok.
"Opo opo. Don't worry Agape is safe with me." Sabi nya na tawa ng tawa. Simpleng naka sky blue na polo sya na naka lupi ang sleeves hanggang sa ilalim ng siko nya nya. Itim na slacks at black shoe na rin. Ang gwapo nyang tignan. Head turner talaga sya kahit na saan magpunta.
"Sabi mo yan hah. Sige alis na late na ko. Bye!." Sabi ni Sala at pumunta na sa kwarto nya. Napatingin naman ako kay Boss Xander na nakatingin din sakin. Napaka ganda ng ngiti nya at alam mong masayang masaya. Ngumiti nalang din ako kahit di ako masyadong komportable.
"Shall we?" Tanong nya. Ngumiti nalang ako at tumango. Saka naglakad kasabay nya.
"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko. 10 am palang kasi. Saka nagugutom ako di ako nakapag hapunan kagabi kadami ko kasing tinapos. Malapit na rin kasi na mag practice teaching kami. Ayoko naman ma distract habang nagtuturo.
"Basta. Maraming tao." Sabi nya at patuloy na ngumiti. Ahhh bat ba ang secretive nya. "By the way, you look beautiful." Sabi nya na ikinapula ko. Shete naman. Ayoko sa lahat kino- compliment. Hay.
"T-thank y-you." Sabi ko at yumuko. Ano ba maganda sa damit ko? Sa ayos ko? Naka itim na sando ako na pinatungan ng denim jacket. Black jeans and boots. Saka kung papa-apaano ko lang inayos ang buhok ko. Ni wala nga akong make up kundi polbo. Ano maganda??
"Everything suit you. Especially to those eyes." Sabi nya. Mata ko? Oo nga pala gray ang mga mata ko. Mana daw ako kay papa na irish. Nakita ko nga yung picture nila noon. Kamata at kakulay ko si papa (pale white) but lahat na kay mama. Hay sana nakilala ko sila.
"Ewan sayo. Nagugutom na ko." Sabi ko nalang sabay palo sa likod nya. Natawa naman sya at sumunod na sakin.
"San mo gustong kumain?" Tanong ni Boss Xan. Saan nga ba masarap. Di ko sure ayoko sa restaurant ang mamahal doon. Uhhhmm tingin lang ako ng tingin sa paligid habang nakasakay kami sa Vios nya. Mahal na mahal nya tong sasakyan na to. Ito kasi unang naipundar nya ng lumago ang negosyo nila.
"Sa re---"
"Doon! Bilis doon." Sabi ko sabay turo sa karinderya na malapit na sa amin. Maraming tao kaya paniguradong masarap yung pagkain doon. At sana mura hahaha.
"Dyan?" Parang di nya makapaniwalang sabi. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
"Bakit may angal??" Tanong ko natawa naman sya.
"Wala wala. Haha" sabi nya sabay tawa. Hmmmp baliw talaga. Wala naman syang nagawa kaya pi-nark nya sa harap ng isang establishment yung kotse. Binayaran na rin nya yung guard para payagan kami kasi for their costumers parking only lang daw. Nagpabayad naman hahaha.
Pagpasok namin ay tinginan sila samin. Pero wala akong paki. Pumunta agad ako sa hanayan ng mga pagkain at isa isang binuksan ang kaldero.
"Ano gusto mo boss?" Taning ko.
"Masarap yung inihaw na bangus kayalang maglalansa tayo. Pinakbet din kayalang mag aamoy bagong tayo."
"Ang choosy mo naman, boss. Ate Isang order nga po ng kanin, adobong atay balunbalunan nga tapos papaitan, paki damihan po ng sabaw. Ikaw boss?"
"Di pa ba ako kasama doon?" Tanong nya.
"Akin lang yun boss. Ano na?"
"Yes ma'am. Katulad nalang ng sakanya. Dalawang bottled water na rin. Salamat." Sabi nya at naghanap na kami ng mauupuan. Buti nalang may paalis na kaya naman kami na ang sumunod na umupo. Inayos yun ng waiter. Maya maya pa ay dumating na ang order namin.
BINABASA MO ANG
Toxic Love
General Fiction"I told you, honey. I break everything I cherish. And, You're not an exception."