FEAR FROM THE PAST
"Kuya, kuya, oi!" Pukaw ni Sala sa pansin ng kuya nya. Kanina pa sya report ng report dito ng benta ng bar pero mukhang wala itong paki alam. Kung di lang nya ito nakakatandang kapatid matagal na nya itong nasapak.
"Hah?" Parang wala talaga itong alam sa dahilan ng pagkainis nya.
"Ano ba nangyayari sayo?" Tanong ni Sala sa kapatid nya. Napaupo naman ito ng maayos at huminga ng malalim.
"I told Agape that its ok even if I don't know her past but. Week after she cry saying sorry to me and not wanting me to touch her head. I get more and more curious. Do you know anything?" Tanong ni Xander. Pag sila ang na uusap magkapatid nakasarado ang pinto. Di rin sila nag aalalang may makarinig mula sa labas dahil soundproof ang office nya. For privacy purpose.
Napaupo naman ang kapatid nya sa lamesa nya at ibinaba ang folder na hawak nito.
"I don't know either. Every morning she wakes up having nightmares. Umagang umaga naninigarilyo sya. Pagtatanungin ko sya di nya sinasagot lumalayo sya. Pero maririnig ko syang umiiyak sa banyo. Para bang may nangyari sa kanyang di gugustuhin ng lahat ng babae. You know what I mean." Sabi nito. Tumango tango. It make sense. Sa lahat ng pinapakita at ginagawa ng kasintahan nya. Sigurado ngang ganon ang nangyari rito.
"Do you know who's Eros?" Tanong pa nya na kinatingin ni Sala sa kanya. Umiling naman ito.
"I see. Wala rin syang sinabi." Sabi ni Xander na kinapukaw ng pansin ni Sala.
"Who the hell is Eros?" Sala.
"I think he's Agape's ex. May nakilala akong kaklase ni Agape sa dati nyang pinapasukan. And nabanggit nya ang Eros na yun. Parang di na sya mapakali na natatakot. I don't know. All I know is that guys did something to her. That's what I think it is." Frustrated na sabi ni Xander. Yes naiinis sya. Di dahil kay Agape kundi dahil sa nangyayari dito. At sa dahilan ng lahat ng yun. At sa palagay nya ang letseng lalaking yun ang may dahilan ng lahat ng mangyayari sa buhay ng kasintahan nya.
Napabuntong hininga nalang si Sala at lumapit sa kapatid saka hinawakan ang magkabilang balikat nito. Ramdam nya ang frustration nito at ayaw naman nyang malugmok ito sa ganoong kaisipan.
"Wag mo ng isipin yon kuya. Matagal na yun. Ang isipin mo ay kung paano maaayos si Agape. Kung pano mo maiaalis ang takot sa kanya. Just focus to her. Ok." Sabi nito na nakapagpagaan sa loob ng kapatid. Maya maya pa ay ngumiti si Xander at tumingin sa kapatid.
"Nag-ma-matured ka na lil'sis." Pang iinis ni Xander na kina simangot ng kapatid. Ayun kinurot sya nito. Bwisit kasi.
"Epal. Lumabas ka na nga dito. Di kita kaylangan." Sabi ni Sala sabay tulak sa kapatid. Natawa naman si Xander.
"Oi! Office ko to." Sabi ni Xander pero wala ng paki si Sala.
"What ever. Puntahan mo nalang si Agape. Sya nalang bwisitin mo." Sabi nito.
"Good Idea! Bye bye." Nakangiting sabi ni Xander at agad ng lumabas. Pag dating nya agad nya itong pinuntahan sa counter kahit na may costumer pa itong kaharap. Magtatanong lang naman sya eh.
"Ma'am date tayo mama---- oi ma'am are you ok?" Nawala ang ngiti nya ng makita nya ang kasintahan na namumutla at nakatitig lang sa katabi nyang lalaki na may takot at galit sa mga mata. Napatingin sya sa tabi nya pero huli na palabas na ang lalaki. Napatingin sya sa kasintahan.
"Babe. Hey! A-agape."
"Agababes are you ok!?"
"I-i better go. S-sorry." Sabi nya sabay punta sa likod. Napatulala nalang kami pero maya maya pa ay nabalik na ang huwisyon namin. Agad ko syang hinabol pero di ko nagustuhan ang nakita ko.
"Ahhh! Ahhhh!"
"Agape!!" Tawag ko sa kanya sabay takbo palapit. Napatingin sya sakin. Puno ng luha ang mga mata nya. Maya maya pa ay nawalan na sya ng malay. Fuck!! Ano nangyari!!?
AGAPE
Madaming tao as usual. Iba't ibang uri ng tao ang nakikita ko ngayon. May mga mahilig mag solo as in para bang mas masaya silang walang kasama. May mga barkada na medyo ang ingay at napaka sasayang tignan. Para kasing walang makakapaghiwalay sa samahan nila. At meron ding nag de date. Ahhh sila na may love life.
Maybe kaya na rin nagtrabaho ako sa cafe. Everyday iba't ibang muka ang nakikita ko. Iba't ibang personalities iba't ibang uri ng buhay. Mas napapag aralan ko yun at makagamit ko sa pakikipag interact sa mga estudyante ko ngayon. Sobrang importante kasi para sa teacher na matutong maunawaan ang ugali at personalities ng bawat estudyante. Para walang complications and maging maayos ang takbo ng buong taon.
Ahh malapit na nga rin pala akong matapos mag turo. Nakaka lungkot. Nakasundo ko na rin kasi ang mga estudyante. Hay,
"Good evening sir, your order please." Sabi ko sa lalaking kalalapit lang sa counter. Di ko sya tinignan sa mukha. Actually wala akong paki. Ang alam ko lang naka itim syang long sleeves. Itim na slacks at sapatos.
"Sir." Sabi ko pa na walang tinginan.
"Espresso."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi. Kaboses lang nya. Di sya to. Ilang beses na tong nangyari. Relax, Agape relax.
"Take out po ba sir--"
"Take out." Sagot nya. Napalunok ako. Napaka uncomfortable. Di ako makatingin sa kanya. Nanginginig ako. Kumuha nalang ako ng cup at pen saka pinilit kumalma para makapag sulat.
"Name sir."
"Agape." Sabi nya sabay naramdaman ko nalang na may humawak sa ulo ko sabay marahang ginulo yun. Nanlaki ang mga mata ko at parang nanlamig ang buong katawan ko. Yung pamilyar na init ng kamay na to. Iisa lang ang alam kong kayang magparamdam sakin ng ganito! Bumaba ang kamay nya sa pisngi ko hanggang sa baba ko at itinaas nya ito. Yung mga matang yun. Yung mga matang matagal ko mang di nakita pero hanggang ngayon nakatatak sa utak ko. His light amber color eyes gives me creep. Para bang tinutuklaw ako. Nanghihina ako sa takot at galit!
Nabitawan ko ang dala ko. Ayun ang dahilan kung bakit nabalik ako kahit kaunti sa realidad. Napa step back ako. Si Eros to. Alam ko. Pero gusto kong isipin na panaginip lang to. Bangungot! Sa messy nyang buhok napaka puting kutis. Sobrang cold ng aurang pinapakawalan nya ngunit marami paring na a attract. Wala parin pinagbago ang itsura nya.
Nakatitig lang ako sa kaya. Ganun din sya sakin. Ano ba kaylangan nya! Bakit sya nandito or coincidence lang. Shit!!
"Ma'am date tayo mama---- oi ma'am are you ok?" Biglang sulpot ni Xander sa tabi ni Eros. Pero di ko maialis ang tingin ko kay Eros. Bumangon lahat ng galit at takot ko.
"Babe. Hey! A-agape." Parang nag iba ang expression ng mukha nya. Tumalim ang tingin nya sakin. Di man halata ng iba pero ako alam ko yun. Kilala ko ang bawat gestures nya. Halata sa mga mata nya.
"Agababes are you ok!?" Nabalik ang huwisyon ko ng hawakan ng isang kasamahan ko ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya sandali at bumalik ulit ang tingin sa harap ko. Wala na si Eros.
"I-i better go. S-sorry." Paalam ko sa kanila at nagtatakbo papunta sa locker room namin. Agad kong hinanap ang sigarilyo ko pero wala akong nakita. Shit!!! Napaupo nalang ako at hinawakan ang dibdib ko. Naninikip dibdib ko. Bumabalik lahat ng ala ala. Lahat!!
"Bakit Eros. Bat mo to ginawa."
"I like you a lot. It's just, I'm not good on taking good care of my properties."
"Eros."
"Rest for now, Hon. I love you." Sabi nito at hinawakan ang ulo ko at hinimas himas.
"Ahhhh ahhhh" tama na!! Tama na!!
"Agape!!!" Sigaw ni Xander. Napatingin ako sa kanya. Agad nya akong niyakap. Pero di ko na kinaya ang paninikip ng dibdib ko at nawalan na ako ng malay.
==============
Ano kaya mangyayari????????? Wahhh di ko rin alam!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/172348681-288-k976156.jpg)
BINABASA MO ANG
Toxic Love
General Fiction"I told you, honey. I break everything I cherish. And, You're not an exception."