Forevermore 2

220 8 2
                                    

Seb meets Seb.

Selena Beanca Del Sol's POV

"Hi, Lev!" bati ko kay Lev at tinignan lang ako.

"Zup, Levinia?" mapang-asar na bati ni Sam.

"Kamusta Lev?" kunyaring pangangamusta ni Jes.

"Girls, andami nyong satsat. Lev, gusto namin ng desserts mind if you can treat us?" Deretsong sabi ni Ali.

"Okay. Whatever!" sabay ni Lev kay Ali si Ali naman ngiting tagumpay.

"Jeni, Take the orders of these crazy girls and charge it to my account." sabi ni Lev sa isang tauhan nyang si Jeni, pagkakuha ng mga order namin dumating naman ito agad at syempre kinain namin agad.

At nagkayayaang sa boutique naman ni Sam ang next spot pero nauna na sila kasi may bibilin pa sana ko pero nagbago ang isip ko at agad na tumalikod pero sa pagtalikod ko ay may nagbangga akong lalaki at sya din yung lalaking nagbigay sakin ng chocolate sa photo shoot.

"Naku! Sorry. Sorry talaga! Yaan mo babayadan ko na lang yang ice cream at ibibili kita ng bagong damit. Naku pasensya ka na talaga!"

"No you don't have to and besides it just an accident. Hindi mo naman sinasadya eh."

Pero dahil makulit ako ay napilit ko syang ako na ang magbayad ng ice cream at ibili sya ng damit sa boutique ni Sam.

Sambrilian Toss Tiu's POV

Nauna na kaming apat na pumunta sa boutique ko eto namang si Seb ang tagal dumating. Habang abala yung tatlo dun sa pamimili ng mga dress nila inaabangan ko naman si Seb, nakita ko na syang papasok pero may kasamang lalaki na may chocolate ice cream ang damit atsaka sila dere-deretsong pumunta sa Mens Section. Pero bago ako makapunta dun may kumalabit sakin.

"Miss, may stocks pa ba kayo ito?" Tinignan ko itong maigi. Anong akala nya sakin sales lady ng sarili kong boutique?

"Are you insulting me?" Mataray na tanong ko dun sa lalaki.

"Ang sungit mo naman Miss eh kung sabihin kaya kita sa Manager nyo?" Aba! Talagang iniinsulto ako nito ah?

"Go ahead call the manager of this boutique and I don't care!" Kabwiset na 'to! Masyado talaga akong iniis.

"Miss hindi ka ba natatakot na masisante?" Kumukulo na talaga ang dugo sa lalaking 'to! Grabe! Sinisira nya ang araw ko!

"Masisante? Huh! Sisantehin mo mukha mo!" Sabay walk out ko dun sa lalaki at agad na pinuntahan si Seb. Tinawag ko agad sya pero...

"SEB!!!/Seb!" yung lalaking nagtanong sakin kani-kanina lang ang tumawag din kay Seb pero dun sa kasamang lalaki ni Seb sya lumapit. Lumapit naman ako kay Seb.

"Seb, ano ba?! Bakit ang tagal mo?! Tapos nandito ka pa sa Mens Section!" Sermon ko kay Seb.

"Sam, natapunan ko kasi sya ng ice cream eh ibibili ko sya ng damit dito sa boutique mo."

"Ano?! Iyo itong boutique?! As in ikaw ang may-ari nito?!" hindi makapaniwalang sabi nung lalaking nagtanong sakin kanina.

"Oo! Kaya kung gusto mo tawagin mo na yung manager nitong boutique at sabihin mong sisantehin ako!"

"Wait! Wait! Magkakilala kayo?" tanong ni Seb.

"Hindi!" sabay naming sagot.

"Wait! So your name is Seb?" tanong nung lalaking kasama ni Seb kanina. Sus! Magkasama di alam pangalan ng isa't isa.

"Yeah. and you are Seb too?"

"Seb. Sebastian Jhake Montemayor" sabay lahad ng kamay nung Seb daw tinanggap naman din ni Seb.

"Nice to meet you, I'm Seb, Selena Beanca Del Sol."

"Ahm eto nga pala si Sam. Sambrilian Toss Tiu the owner of this boutique." pakilala sakin ni Seb.

"And this is Kalvin Anthony Robles. Ang liit nga naman ng mundo." pakilala nung Seb dun sa lalaking epal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forevermore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon