Forevermore 1

420 7 0
                                    

Selena Beanca's POV

*Sniff sniff*

"Haay. Naku Seb! Iniyakan mo na naman yang binabasa mong libro! Lagi ka na lang bibili ng libro para iyakan!" Eh sa nakakaiyak kaya yung story.

"Don't mind me." Sabi ko sabay kuha ng chocolate kasi tapos ko ng basahin yung The Fault in Our Stars.

"Sabi sayo Seb magdiet ka na daw pero wala ka pa ding ginawa kung di ang kumain ng chocolates at kumain sa mga buffet." Ayan sermon na naman ako sa Best friend kong si Aliyan.

"Okay pa naman ang figure ko atsaka wala sa katawan ang basehan nasa mukha at ugali pa rin yan." katwiran ko na lang kay Ali kasi naman ang sarap kayang kumain.

"Ah! Alam ko na Seb! Mag-mall tayo ngayon! Ayiiiieeee! I'm so excited! Treat mo ah, Seb." sabi ni Ali na parang kinikilig pa.

"Ang galing! Ikaw nagyaya pero treat ko. Yan ba ang trend ngayon? Ma-try nga minsan."

"Seb, wag mo saking ita-try ah? Di yan uubra sakin! Hahaha! Oh sya Seb gora ka na sa walk in closet mo!" Sinasabi nya yan habang tinutulak ako papasok ng walk in closet.

"Fine! Wag mo na akong itulak magpapalit na ko ng damit." Pumasok na ko ng walk in closet at nagbihis ng simple shirt, pants at bootie at lumabas na baka mainip kasi yung si Ali.

"Ano pa nga bang ie-expect ko sayo? Tsk. Ako nagdress pa, ikaw na anak ng isang CEO at isang sikat na Landscape Architect na may kapatid na Super Model slash Recording Artist slash Designer nakaganyan lang?" Nakahalukipkip na tanong sakin ni Ali.

"Bakit kailangan ba pag anak ka ng CEO at sikat na Landscape Architect at kapatid ng Super Model na Recording Artist na Designer naka-bonggang pananamit? Oh come on, Ali! Wala ako sa teleserye para mag ganon. Magmo-mall lang tayo hindi aattend ng bonggang party. Atsaka alam mong kahit na aattend ako sa isang bonggang party my Ate will design a dress that fit my personality." Lagi ko na lang yang paliwanag kay Ali everytime na aalis kami.

"Whatever, Selena Beanca Del Sol!" sabay labas nya ng main door namin at dumiretso sa kotse.

Habang nasa byahe kami papuntang Mall nakakita kami bg malaking billboard ni Ate.

"Seb, look at Ate Sey she look so beautiful." comment ni Ali sa billboard ni Ate.

"I know."

"Oh look at that Seb!" may tinuro si Ali na isa oang billboard at dun ako napa-nganga

"The Del Sol's and The Montemayor's" yung nakalagay dun sa malaking billboard na may mga picture namin at ng mga Montemayor.

"Ano ba yan Seb hanggang dito ba naman sa billboard di pa rin masyadong girly ang suot mong gown!"

Yan siguro yung photo shoot namin last week yung may lalaki nagbigay sakin ng chocolate.

Flashback

Kasalukuyang si Mama at Papa ang pini-pictured at kami ni Ate naka-upo dito sa isang tabi.

"seb, pupunta lang akong wash room." paalam sakin ni ate bago umalis papuntang wash room.

binuksan ko ang bag ko at hinanap yung chocolate ko pero wala na nakain ko na nga pala kanina sa kotse yun.

"haaay. tubig lang. bakit naman ngayon pa ko nawalan ng chocolate sa bag." pero may kamay na nag-abot sakin ng chocolate at pagtingin ko, gwapo sya at mukhang mabait.

"ah thanks!" nakangiti kong sabi.

bumalik na si Ate galing wash room.

"Ms. Selene and Ms. Selena kayo na po." sabi nung isang staff samin at agad namang pumunta dun si Ate.

"Sige kailangan na ko dun eh. Thanks ulit ah." paalam ko dun sa lalaki at nagpunta na dun sa platform.

End of Flashback.

"Seb, nandito na tayo sa parking lot ng Mall kani-kanina pa pero mukha malalim ang iniisip mo at di mo na malayan." Nakababa na pala ng kotse ni Ali ako nag-iisip pa dito kaya bumaba na din ako at pumasok na kami ng Mall.

"Good Afternoon, Ms. Del Sol and Ms. Benedicto. Have a happy shopping." bati samin ng mga Guards.

Bakit kami kilala ng Guards? Eh pagmamay-ari lang naman ng pamilya nila Ali 'tong mall.

"Good Afternoon din po." bati ni Ali at ako ngumiti na lang ako may iniisip pa rin kasi ako.

"Gutom na ko kumain muna tayo." sabi ko kay Ali kasi totoo namang gutom na ako.

"Dun tayo sa libre! Sa Jessy's!" Tinatanong nyo ba kung bakit kami libre sa Jessy's? Kaibigan kasi namin si Jessy at ang mga parents ni Jessy ang may-ari nun.

Hinila ako ni Ali hanggang sa Jessy's.

"Good Afternoon, Ms. Seb and Ms. Ali." bati samin nung isang crew

"Ah nandyan ba si Jes?" tanong ni Ali dun sa crew

"Opo Ms. Ali nasa private room po sya kasama po si Ms. Sam."

"Ah sige. Salamat!" hinila na naman nya ako papuntang private room.

"Tignan mo yang dalawa! Di man lang tayo naalala magkasama pala sila! Humanda sakin yan si Jessyly Krystal Uy at Sambrilian Toss Tiu." Pumasok agad si Ali sa private room at sumunod na lang ako kakapagod kayang magpahila ang bilis pang maglakad nitong si Ali

"Aba! Aba! Ang saya nyong dalawa ah? Di nyo man lang naisip na may kaibigan kayong mahirap lang? Na nagugutom?" madrama sabi ni Ali dun sa dalawang nagulat.

"Ikaw? Kayo ni Seb mahirap? Oh! Pag naging turquoise ang ipis!" sabi ni Jes

"Oh come on, Aliyan Rose Kim Benedicto ikaw maghihirap? Weh? Tatay mo ang may-ari nitong Benedicto Malls at Benedicto Resorts, Nanay mo ang may-ari ng Toys For You sa bawat Benedicto Malls, at isa nga pala ang kapatid mo sa highest paid engineers here in our country and you Selena Beanca Del Sol, naghihirap ka din? Kamusta naman yun oh! You're Dad is the CEO of Del Sol's Companies, you're Mom is one of the highest paid landscape architect here in our country and wait did I mention that your sister is a Super Model, Recording Artist and a Fashion Designer?" Mahabang pang-iintriga samin ni Sam.

"Whatever, Sambrilian Toss Tiu!" sabi ni Ali sabay kuha ng pagkain sa table.

Kumain kami ng hindi na inuungkat ang family background namin. Buti naman at ayokong nakilala ako ng tao bilang anak lang mga del sol gusto ko makilala nila ako sa katangian ko.

"Girls, desserts tayo sa Not full?" yaya ng matakaw na si Ali.

Forevermore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon