Seokjin 7

1.5K 56 20
                                    

Claire's POV

"Kelan ka uuwi?" tanong sa'kin ni Jin


"Depende"


"Uuwi na tayo bukas?"


"Mauna ka nalang umuwi"


"Hmm.. Uuwi ka na bukas?" pangungulit niya ulit


Inirapan ko siya at pinag-krus ang braso ko sa tapat ng dibdib ko, "Ayoko pa" 


"Uwi na tayo" pilit niya pa ulit. Ano ba 'yan napaka-kulit!


"Nasa bahay pa si Alex, ayoko" pagmamatigas ko


Hoseok's POV


"Ilalabas mo si Jin o sasabunutan kita?!" Sigaw ni Stacey, parang namang walang pakeelam si Alex na naka-krus pa ang mga braso sa dibdib niya


"I've told you guys many times. Hindi ko alam kung nasaan ang boyfriend ko!" depensa naman ni Alex


"Aba impakta 'to! Asawa 'yun ng kaibigan 'ko!" Singhal ni Nana


"Sa show lang naman sila mag-asawa! Ganun din naman kayo dati diba? Mag-asawa lang sa show at hindi legal sakanila!" 


"Aba impakta ka!"


Akmang sasabunutan na ni Nana si Alex ng yakapin siya ni Jimin, napaka-PDA naman nitong dalawang 'to!


"Bibitawan mo ko Jimin o wala kang Nana mamaya?!" sigaw ni Nana kay Jimin


"Hayaan mo nalang siya babe"


"Aba pinagtatanggol mo pa tong basurang to?!" halatang nagagalit na si Nana dahil namumula na yung mukha niya.


"Hindi sa ganun pe—" Naputol yung sasabihin ni Jimin ng kumawala si Nana sakanya at umalis


"Lagot ka," pang-aasar ko kay Jimin


"Asan na ba si Jin-hyung? Kahapon pa siya di bumabalik sa bahay nilang dalawa ni Claire" tanong ni Yoongi, diniinan pa niya talaga yung bahay nilang dalawa ni Claire 


"Ang kulit niyo! Sabi ng di ko alam! Umalis kayo sa pamamahay ko!" singhal naman ni Alex, wow bahay niya.


"Impakta ka talaga! Bahay to nila Claire tas aangkinin mo? Bobo ka ba?" pambabara ni Laine


"Boyfriend ko si Jin kaya pamamahay ko to!" pagdidiin pa ni Alex, napaka-kulit!


"Pokpok ka talaga, nangaangkin ng hindi sayo" sabi ni Stacey sabay irap, naka-poker face siyang nakatitig kay Alex. Sasampalin sana ni Alex si Stacey pero naunahan siya nito ng sapak


"Papunta ka palang pabalik na ko"Stacey


Nagulat kami sa sumigaw sa may pintuan


"Bakit kayo nasa bahay ko?"


Napalingon kami sa sumigaw sa pintuan


"HYUNG!" Sigaw namin, "CLAIRE!!" sunod naman na sigaw ni Stacey at Laine


"Babe! Sinapak ako ng malanding Stacey na to!" pagsu-sumbong ni Alex, parang namang a-aksyunan siya ni Jin


"Aba ako pa tong malandi e sa asawa ko lang naman ako lumalandi, ano ka pa? Sa lalaking may asawa na" depensa ni Stacey


Napa-singhal na lang si Alex at umalis sa harap namin kaya tumawa ng malakas si Claire. Eh? Nandun pala siya?


"Bars!" sigaw ni Claire


"Saan ka lumabas?" tanong ni Yoongi hyung


"Mula sa vagina ng mama ko?" pamba-bara ni Claire kaya napa-facepalm na lang si Jin


"Hyung san kayo galing? Balak atang angkinin ni Alex tong bahay na to eh" tanong ni Namjoon


"Diyan lang sa tabi tabi" mabilis na sagot ni Jin hyung


"Sa kalsada kayo natulog?" 


"Malamang hindi!" depensa ni Claire


"Edi saan?" tanong naming lahat


Napa-irap si Claire at tumingin samin


"Sa apartment ko"


"Kayong dalawa lang?" Agad na tanong ni Jungkook


"Uhm malamang?"


Sabay-sabay kaming napa-ooh kaya sumama agad ang itsura ni Claire


"Iniisip niyo kadudumi"Claire


"Hala samin mo pa sinisisi eh ikaw nagiisip niyan. Nako Claire napaghahalataan!" pang-aasar ko


"Eh kasi yung pag 'ooh' niyo may something eh!"


"Mi labs gusto mo ba gawin natin yang iniisip mo?" pang-aasar naman ni Jin hyung na ikinatawa ko


"Ay nako ka-stress kayo! Dapat talaga nag-stay na lang ako doon!"


Nag-lakad papuntang hagdan si Claire pero bago pa siya tuluyang umakyat sumigaw muna siya


"Palayasin niyo na si Alex dito! Prohibited ang ahas sa pamamahay namin ng asawa ko!"


Matapos banggitin ni Claire yun sabay-sabay kaming lumingon kay Jin hyung, nangangamatis na yung mukha niya at pinipigalang ngumiti


"Hyung bat ka namumula?"RM


"Bah ako namumula? Sus!"Jin


Matapos niya sabihin yun agad siyang tumakbo papuntang cr

We Got Married [SeokJin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon