Claire's POV
Ilang araw na ang nakalipas matapos kami umuwi ni Jin sa bahay namin. At itong hipokritang Alex na to nabalik padin. Kasalukuyan ko siyang tinitingnan mula sa kama namin, katabi si Jin habang natutulog ng payapa. Pumunta lang ako sa condo para kunin yung mga damit ko dun tas ito makikita ko? Ngumisi ako at pumunta sa sala. Mukhang maganda ang magiging araw nilang dalawa
End of Claire's POV
Seokjin's POV
Niyakap ko yung katabi ko. Parang nag-iba amoy ni Claire? May pag ka-strawberry flavored amoy nun eh bat to parang minty. Hindi ko nalang pinansin kasi baka nagpalit lang siya ng pabango
"Babe"
"Mamaya na tulog muna tayo Claire" sabi ko sakanya at niyakap pa ng mahigpit
"Oh ba't nandito na naman kayo?"
Boses yun ni Claire ah? Bat parang di galing dito sa kwarto, dinilat ko ang mata ko at nakita si Alex na yakap ko. Agad akong tumayo at lumayo sa kanya.
"Anong ginagawa mo sa kwarto namin ng asawa ko?!" singhal ko sakanya
"Dito ako natulog malamang, wala naman ang mere wife mo" depensa ni Alex at umayos pa ng pagkaka-higa
"Umalis ka na dito ngayon na! Baka makita pa tayo ni Cla— CLAIRE!"
Paktay asa pintuan siya
"Oh kamusta honeymoon niyo?" ningitian kami ni Claire, nakakatakot yung ngiti niya. Lagot ako dito
"Masaya" sagot naman ni Alex, agad naman nanlaki mata ko
"Pinagsasabi mo diyan?! Ikaw? Papatulan ko?!" sigaw ko sakanya
Tiningnan ko si Claire at nagpapa-liwanag na agad gamit ang mata. Ningitian niya lang ako na nagpakilabot sa katawan ko. Agad kong nilingon si Alex para makatakas sa tingin ni Claire. Inirapan ni Alex si Claire atsaka tumayo. Halos mapapanganga ako na nakasuot siya ng nighties
"Hmm wala daw pero yung suotan niyo sumisigaw ng meron" sabi ni Claire habang nakangiti
Inirapan niya kaming dalawa bago umalis sa pintuan, sinamaan ko ng tingin si Alex atsaka tinulak palabas ng kwarto
"Subukan mong bumalik dito I swear I will fucking sue you. Trespassing na ginagawa mo." pananakot ko sakanya, dinaanan ko lang siya at pumunta ng sala.
Naabutan ko si Claire na nakaupo sa sala pero mukhang may kausap sa telepono
"Yes free ako ngayon— Saan? — Osige I'll be there, see you love you" sabi niya sa kabilang linya, I raised my eyebrow at tumingin sakanya. Matapos ko marinig yung last word nandilim paningin ko. Hindi niya nga ako sinasabihan ng ganun eh ako asawa niya tas sa ibang tao pa?
"Tinitingin-tingin mo diyan?" masungit na tanong niya sa'kin
"Sino kausap mo?" tanong ko
"A friend" simpleng sagot niya
"Lalaki o babae?"
"Pake mo ba?" pagta-taray niya ulit
"I care because I am your husband!" sigaw ko sakanya
"Pa-english english ka pa diyan eh mukhang may nangyari nga sainyo ng girlfriend mo" she smirked at me at nag-tipa na sa cellphone niya
"Wala ngang nangyari! Ba't ba ang tigas nung ulo mo?" sabi ko sakanya
"Talk to the hand" umirap lang siya at itinaas ang kanang kamay niya
Lumapit ako sakanya at kinarga siya ng pa-bridal style
"Ibababa mo ako o ibababa mo ako?!" sigaw sa'kin ni Claire
Hindi ko siya pinansin atsaka ipinasok siya sa kwarto
BINABASA MO ANG
We Got Married [SeokJin]
Fanfiction! DISCONTINUED ! WARNING: TAGALOG/FILIPINO FF Kim Seokjin, her childhood enemy Claire Yupano, his childhood crush Noong panahong puro away at bangayan lang sila Paano nalang kung ipagtagpo ulit sila nang tadhana Pero this time mag-asawa na sila Kaso...