Seokjin's POV
"Ica-cancel na ang show."
Tatlong araw matapos ang aksidente ay hindi pa rin nahahanap si Claire, parang bula ang pagka-wala niya. Napagdesisyunan na rin ng show na wag na ituloy ang WGM namin, para mas maimbestigahan pa.
"Wala bang update kay Claire?" tanong ko sa staff habang hawak-hawak ang kwintas niya, ito lang ang naiwan malapit sa cr at wala nang iba. Miski anino niya ay hindi na mahagilap. Naglaho siya ng parang bula.
"Wala pa Jin, nagha-hanap pa rin sila ng guide kung saan pwede mag-punta si Claire," napabuntong hininga na lang ako at umalis roon, hindi ko kayang makinig pa sa usapan nila.
Pumunta ako sa kwarto namin ni Claire at inayos ang mga gamit niya, ibinalik ko sa cabinet niya ang mga damit na dala niya.
Hindi ko namamalayan ay namumuo na ang mga luhang nagba-badyang umalis sa'king mata.
"Ano ba 'yan," pagbibiro ko, "Parang namang patay na si Claire sa inaasal ko, nawawala lang naman siya."
Nag-shower na lang ako at dumeretso ng tulog. Nawawalan ako ng gana sa bawat araw na lumipas.
Kinabukasan, nagising ako sa malakas na katok galing sa labas
"Teka lang."
Pag-bukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si Zharm at Nami. Agad ko silang ningitian at niyaya papasok.
"Ang aga-aga nandito kayo," naka-ngiti kong sabi sakanila
Iniabot nila sa'kin ang isang tray na may lamang pagkain.
"Sabi ni daddy, hindi ka raw po nag-dinner kagabi. At sabi niya rin po na wala kang balak na mag-almusal." sabi ni Nami, agad na napawi ang ngiti ko at iniwas ang tingin sakanila.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago sila tingnan, "Kakain na ako, salamat dito ha? Balik na kayo sa baba." Nakangiti kong sabi, marahan silang tumango at umalis. Pag kasara nila ng pintuan ay paunahang nagsibagsakan ang mga luha ko.
Sinubukan kong punasan ito kaso patuloy pa rin yung pag-agos. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, nagha-halo-halo na ang aking damdamin sa dami ng nangyayari. Lungkot, pagod, emptyness, lahat na. Parang sa pagka-wala ni Claire ay kalahati na ng kaluluwa ko ang nawala.
Matapos kong ikalma ang sarili ko ay kumain na ako. Nag-ayos na rin ako ng sarili bago bumaba.
Naabutan ko silang mga nakapang-alis, parang may pupuntahan. "Saan punta niyo?" tanong ko
Nagka-tinginan muna sila, parang ayaw pa sabihin sa'kin, "Uhm, tutulong kami sa pagha-hanap kay Claire." Maingat na sabi ni Hoseok.
"Sama ako," sabi ko sakanila, agad naman na nanlaki ang mga mata nila, "Kaya mo na ba hyung? Mamaya mag-breakdown ka bigla habang nagha-hanap," sabi ni Jungkook, tinawanan ko lang siya at umalis na.
Wala kaming natagpuang Claire noong araw na 'yon. Naging ganon ang scenario namin sa buong isang buwan, pero wala pa rin. Hindi pa rin namin siya nahanap.
"Magsi-simula na raw ulit yung WGM," sabi ni Namjoon habang nasa hapag-kainan, "Ano gagawin natin?" tanong ko.
"Isa ulit sa'atin ang ica-cast," agad napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Isa ulit sa'tin ang ica-cast habang hindi pa nahahanap si Claire? Uunahin pa nila ang pera para sa kasiguraduhan ng buhay ng isang tao?"
"Hyung, hindi tayo makaka-tanggi. Nahanap man si Claire o hindi, kailangan mag-simula ang show," maingat na sabi ni Namjoon
"Sino ba raw ang ica-cast?" tanong si Yoongi
"Ikaw." casual na sagot ni Namjoon
"Ha?"
"Ikaw ang ica-cast."
Halos hindi maipinta ang mukha ni Yoongi ng tumingin siya sa'kin. "Hyung, agree ako sayo. Dapat mahanap muna si Claire." natawa ako sa sinabi niya, halatang ayaw ma-cast.
"Show lang naman Yoongi, unless ma-fall ka sa partner mo."
"Na-fall ka na rin ba, hyung?" Pabalik na tanong niya sa'kin
Hindi ko siya nasagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Kinagabihan ay bumisita saamin yung director ng WGM. Kakausapin na ata si Yoongi.
Nanatili na lang ako sa kusina para may privacy sila sa sala.
"Next month kami makakapili ng partner para sayo," dinig kong sabi nila sa sala. Mapait akong napangiti, ang dali sakanila na sabihin yan na para bang walang nawala na cast nila.
Pinatigil na rin ang paghahanap kay Claire dahil wala na raw silang pag-asa. Parang ginusto raw talaga niya na maglaho.
"Bullshit."
Kinuha ko ang cellphone ko at tingnan ang messages. Araw-araw tine-text ko si Claire, kahit hindi ako sigurado kung mababasa niya ba ito.
To Claire:
I miss you.
Pagka-tapos kong i-hit ang send button, agad kong tinago ang cellphone ko.
"Hyung."
Nilingon ko agad yung tumawag sa'kin.
"Oh, Hobi!" masigla kong bati sakanya
"Hyung mukha kang tanga, kanina parang paiyak ka na tas biglang sisigla mukha mo." inirapan niya ako. Tinawanan ko na lang siya at umalis na, baka asarin pa ako nun at sabihing nagda-drama ako.
Umupo ako sa island counter at nagpalumbaba. "Sa tingin mo, may nagawa ba akong masama kaya naisipan ni Claire umalis?"
Agad akong tiningnan ni Hoseok dahil sa sinabi ko, ningitian ko siya bago ulit mag-salita. "Nag-away kasi kami nun nung nalaman niyang nasa beach rin si Alex. Nagka-ayos rin naman kami kaso iba kinikilos niya bago siya mawala."
"Baka may kumidnap sakanya?" biglang sabi ni Hoseok kaya napatingin ako sakanya. "Hehe joke lang, wala naman siguro siya kaaway para kidnapin siya." Nag-peace sign siya sa'akin bago umalis, napa-isip rin naman ako dahil don.
Agad natigil ang pago-overthink ko nang marinig kong may nag-notif sa cellphone ko.
Halos mahulog ko na ang cellphone ko dahil sa nabasa ko.
From Claire:
?
BINABASA MO ANG
We Got Married [SeokJin]
Fanfiction! DISCONTINUED ! WARNING: TAGALOG/FILIPINO FF Kim Seokjin, her childhood enemy Claire Yupano, his childhood crush Noong panahong puro away at bangayan lang sila Paano nalang kung ipagtagpo ulit sila nang tadhana Pero this time mag-asawa na sila Kaso...