Seokjin 15

715 29 12
                                    


"What the hell, Jin! Pati ba naman dito makikita natin yang Alex na yan?!" I shouted


Nakaka-stress, akala ko pa naman makakapag-relax kami dito dahil makakalayo kami sa city, tas malalaman ko na nandito yung Alex na yon.


"Bakit parang galit ka? 'Di 'ko naman kasalanan na pumunta rin siya dito e," he said while playing with his fingers


"Paano yan? Malamang bubulabugin ka na naman nun!" sigaw ko ulit, I held my head bago lumapit sa may mini table para uminom ng tubig.


Panigurado guguluhin na naman nun si Jin! Gosh, pano ko siya maso-solo kung laging susulpot yung Alex na yon?


"Hiwalay naman yung tour natin atsaka activities, I mean we're BTS. Bantay sarado kami," proud na sabi niya


Umiling na lang ako at pumasok sa bathroom para gawin ang night routine ko


Maayos naman naging araw namin except na malaman kong makita ni Jin si Alex, ang malala pa hindi ko man lang napansin! Sakto raw pag-alis ko sa harap niya bago mag-swimming sumulpot sa harap niya si Alex


Matapos kong mag-night routine, lumabas na ako ng bathroom at dumeretso sa kama, not giving a single glance to Seokjin, bahala siya diyan, masyado kasing pogi nakakainis


Humarap ako sa kabilang side ng kama para hindi ako nakaharap sakanya, naramdaman kong humiga na rin siya sa tabi ko at saka ako niyakap, hindi ako marupok! Hindi ako marupok!


Dahil sa yakap niya mabilis agad akong nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan


"Claire? Jin-hyung? Gising na! Breakfast na!" sigaw nung nasa labas,


Agad akong tumayo para tingnan kung sino yun, si Hoseok


"Susunod na kamo kami," I gave him a small smile bago lumapit sa kama para gisingin si Jin. Hinatak ko yung kumot para maalis sa pagkakatakip sa katawan niya, agad akong napahinto nang makita ko ang itsura niya ngayon. He's freaking topless! Tas hindi ko man lang naramdaman kagabi?! Sayang!


Agad kong hinampas sarili ko para bumalik sa katinuan bago gisingin si Jin


"Hoy," I shook him a little para magising siya, he gave me a little grunt bago tumalikod sakin, ang bastos!


"Huy gising na," I shook hin again pero no comment, kinuha ko na yung isang throw pillow atsaka siya hinampas, agad siyang napa-upo sa kama at binigyan ako nang masamang tingin, inirapan ko lang siya atsaka lumabas ng kwarto.


Agad naman siyang sumunod sakin, after ng breakfast pinag-ayos muna kami bago umalis. Tutal island hopping kami ngayon, I wore a simple maroon two piece, nagpatong ako ng black dolphin short para hindi ako naka-underwear lang habang nagla-lakad, I put a finishing touch sa look ko with a baseball cap and a belly bag. Sakto pag tapos ko magbihis ay lumabas si Jin sa bathroom, he's wearing a maroon swimming trunks and a black loose sando and a sunglasses na bumagay sa kaniya


"Tara na?" I held his hand atsaka lumabas kami ng room


Around 1 pm ay nakarating kami sa first island, tatlong island raw pupuntahan namin and dun sa last ay may mini party dahil kaka-open lang for tourists. Nag-lunch muna kami bago magtampisaw sa dagat, nag tagal kami sa island ng mga isang oras bago lumipat, same scenario and after non ay pumunta na kami sa last island


"Mags-stay ba dito yung may mga kasamang bata o mauuna na sila pabalik?" tanong samin nung tour guide namin


"Mauuna na kami, pagod na yung mga bata," sabi ni Nana,  they bid their goodbyes and went back to the main beach


"So singles at isang walang anak na lang pala naiwan dito," Hoseok laughed


"Oras na raw para maghanap kayo ng girlfriend niyo," mapang-asar na sabi ni Jin


"No thank you, mahal ko ang mga fans natin," saad ni Namjoon at nauna nang pumunta sa may party site. May mini bar na naka pwesto malapit sa mga puno, sa tabi nun ay yung dance floor, sa di kalayuan ay may mga cottage na pwedeng pag-stay-an. 


Hindi masyadong crowded yung lugar kaya naka-kaya pa namin sumakop ng malaking pwesto. Pumwesto kami sa may stall para madaling maka-order, mabuti nga at kasama 'to sa binayaran ng entertaiment nila. Sabagay, mga milyonaryo 'to e. 


Agad kong tinungga yung nilalapag sa counter, mga naka-sampung shot pa lamang ako ay medyo tipsy na agad ako.


"Let's dance!" sigaw 'ko kay Jin, umiling-iling muna siya bago siya tuluyang magpahatak


Ako lang yung todo enjoy sa pag-sayaw, nags-sway sway lang si Jin sa tugtog. "You look dumb! H'wag ka ngang KJ! Member ka pa naman ng sikat na boyband!" he just laughed at me atsaka lumapit sa'kin. Pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang 'ko dahilan para bumagal yung mga kilos 'ko.


"Parang tayong tanga! Pam-party yung music oh!" I laughed, hindi pinansin ni Jin yung sinabi ko at nagpatuloy lang sa pags-slow dance sa'kin, sakto naman ay nag-palit na yung music at sumakto na sa ginagawa namin.


We stayed in that position for almost 3 mins bago niya ako binitawan.


"Gusto mo na ba mag-pahinga?" tanong niya sa'kin, agad niya akong hinila sa isang cottage.


"Wash yourself first then rest, hahanapin 'ko lang sila Namjoon," I nodded, akala ko aalis na agad siya, nagulat ako nang lumapit siya sa'kin at bigyan ako ng halik sa noo.


Agad siyang lumabas at iniwan akong nakatunganga, napangiti ako sa sarili atsaka dumeretso na sa banyo. 


Pag-labas 'ko ay hindi pa rin siya nakaka-balik, tiningnan ko kung anong oras na sa phone ko and it's almost 1am. Grabe naman pagiging adventurer nila Namjoon at pinahirapan pa si Jin. Ni-lock 'ko yung pinto at saka nag-tipa sa cellphone ko.


To Jin: 

Call me if pabalik ka na, matutulog na ako.


I hit the send button at nag-hintay ng halos limang minuto, pero wala pa ring reply. Hindi kaya kina Namjoon yun natulog? I dialed Joon's number and agad niya itong sinagot.


"Joon, hi. Kasama niyo ba si Jin? Hinanap kasi kayo nun kanina tas hanggang ngayon wala pa rin." tanong ko sakanya, "Hindi, Claire. Try mo tawagan." nagpasalamat ako sakanya at in-end na yung call. Agad kong dinial number ni Jin, nagri-ring naman pero ang tagal sagutin, ie-end ko na sana nang may sumagot, dinouble check ko pa para sigurado.


"Hel--"


"Sino 'to?" a woman's voice welcomed me 


We Got Married [SeokJin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon