Chapter 1

48 2 0
                                    

"Sit Back and Relax."

So ayun, pinaupo ako nitong lalaking to. Oh ano? Excited ka malaman anong itsura niya? Guwapong matangkad na makapal ang buhok at nakapatayo na mula sa likod hanggang paharap.

Oo guwapo. Dali imagine mo na yung crush mong artista na pwedeng ihantulad sa lalaking to. Dahil artistahin ang itsura niya pero..

Badboy at Patapon ang dating. May hikaw ang kaliwang tenga at ang bag may strap sa harapan kung saan dun nakasuot ang skateboard niyang naspray paint na pa-X.

"Pinaupo mo na ako. Oh tapos? Ano na balak mo? Kayang kaya ko yang ugok na yan! Mata yata nasa paa eh! Tignan mo ngumingiti pa. Oh ano! Hoy! Ebak! Tawa tawa ka? Ho-"

Dirediretso ang putak ko sa sobrang galit nang biglang pumulupot ang kaliwang braso sa leeg ko at tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kanang kamay niya.

"Stop. Nagmumukha kang skwater, sabing ako na bahala diba? Daig mo pa manok na natatae diyan."

Nilapit niya ang ulo niya sa ulo ko at malapit na magkadikit ang ilong namin at biglaan niya akong pinakawalan sa pulupot niya.

Hindi na ako nakaimik dahil sa sobrang attractive niyang tumitig. Bumaba siya sa bench at ibinato sa akin ang bag niyang may skateboard at ito ang dahilan kung bakit may sugat ang baba ko at pasa sa pisngi.

"Aray ko!" Tinitigan niya nanaman ako at may dinukot sa bulsa niya.

Band-aid, oo bandaid. Ibinato niya sa akin at tumingin na ulet ng diretso patungo sa lalaking binatuhan ako ng bola sa ulo.

"Oh tol? Maangas ka ah." Mayabang na sinabi nung lalaki habang nakatungkod at dinidikit ang noo niya sa baba ni lalaking pulis patolang pinaupo ako.

"You don't know me, dontcha?" Nakakatakot na sinabi ni pulis patola sa lalaki habang pinapatunog ang buto ng kamay niya.

"Of course not. Basura kang gago ka." Nanlisik ang mga mata ni pulis patola at tumayo ng tuwid.

"Pass me the damn ball. Hoy ikaw! Nerdy! Pasa mo nga sa akin yang bola!" Napatingin ako sa paligid at itinuro ko ang sarili ko.

"Sinong nerdy?!"

"Ikaw! Pasa mo yung bola!"

Kinuha ko ang bola sa ibaba ng bench at ibinato sa kanya ang bola. Hoping na matatamaan siya sa ulo pero naisalo niya to gamit isang kamay.

"Ngayon makikilala mo na ako habang buhay. Magkaka'amnesia ka lang naman pero makikilala mo padin ako habang buhay sa gagawin ko."

Napanganga kaming lahat na nakatitig sa kanila.

Pati yung kaaway niya napanganga at sabay sabay kaming napatanong.

"Ano daw?"

Bumwelo siya ng lakas habang hawak ang bola ng mahigpit at iuuntog na sana sa ulo ng kaaway niya.

"Tama na yan!" Napatayo ako at bumaba sa bench.  Umaasang umabot sa kanya at mapigilan ang gagawin niya nang bigla akong nadapa.

Tenge tenge kasi yung kaaway akala siguro shooting star yung tatama sa ulo niya. Nakatunganga.

Nang biglang may pumigil kay patola habang nakahawak sa pulso niya.

"Tama na Kris . Tell him to say sorry nalang. Aalis na tayo, kanina pa kami naghihintay sayo."

At ayun po ang pangalan niya. Kris. Nakahiga ako sa sahig ng court habang nagshshoutcast sa kanila.

Tinitigan lamang ni Kris ang lalaking pumigil sa kanya at iniwas ang kapit ng kamay nang lalaki sa pulso niya.

"Fine. Wait for me outside and oh Drei, bring my bag with you but leave the skateboard behind." Tumalikod ang lalaking may pangalan na Drei at kinuha ang bag ni Kris. Nang bigla niya akong tinitigan habang nakahiga ako sa sahig.

"Huwag kang tatayo. Tutulungan sana kita pero.. You're his job.  Stay down." Kapansin-pansin ang blonde hair niya ah.

In fairness, guwapo din siya. Iniwan niya ang skateboard sa tabi ko at sinunod ko ang utos niyang manatili akong nakahiga dito.

Kesa naman sigawan ako nitong Kris na to. Nang biglang hinablot ni Kris ang kwelyo nung lalaki papunta sa akin.

"Help her get up. Now." Ibinigay nung lalaki ang kamay niya habang pinagpapawisan at nakakaawa ang itsura.

"Ay hindi na. Ako na than--" Tatayo na sana ako nang biglang nagsalita si Kris.

"No. Stay down and let him help you. Hindi ka niya nirerespeto." Pinabulsa ni Kris ang kanyang kamay at tinitigan ang lalaki.

"De, okay lang talaga ako." Pangalawang beses kong tanggi at makakatayo na sana ako.

"I said stay down." Umiinit na ulo ko ah.

"Ano ba ha? Nagsisisi na nga yung tao oh. Lesson learned na para sa kanya. Stay down ka ng stay down parang nagooverprepare ako sa lindol."

"Ate take my hand. Please." Ibinibigay niya ang kamay niya pero hindi ko ito pinapansin. Hinawakan niya ang kamay ko at itinayo ako.

"Good. Say that you're sorry." Seryoso na sinabi ni Kris.

"Ate sorry po for being so disrespectful. Hindi na po mauulit. Sorry po ate at kuya Kris. Hindi na po mauulit." Pawis na pawis na humingi ng patawad ang lalaki.

"Good. Learn how to respect girls okay?" Pangaral ni Kris habang may kinakapa sa bulsa si Kris. Tissue.

"Oh tissue.  Naligo ka na sa pawis. Scram!" Biglang takbo yung lalaki at sumenyas si Kris na lumapit ako.

"Lapit ka." Kanyang utos habang nakatitig na nakakalusaw.

"Ayaw ko nga." Tanggi ko.

"Sabing.."

"Okay okay.. eto na po boss."

Lumapit ako sa kanya habang may kinakapa siya sa bulsa niya.  Hanggang dibdib niya lang ako at nakatungo pa akong nakatingin sa kanya.

"Doraemon ka ba? Lahat na yata nasa bulsa mo. Kanina ka pa kapa ng kapa."

"Now that's crap. Ang corny nun!" Nilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang pisngi ko. Hindi ko napigilan na mamula ang aking mga pisngi.

"Ha-hala? C-corny ba? Hindi kaya!" Napatigil ang pagpunas niya ng dumi sa pisngi ko at napatingin sa mata ko.

"Oo hindi na." Kinuha niya ang kamay ko at ibinigay ang panyo niya.

"Kris! Ano ba?! Tara na!"

"Wait! Oh pagpag mo muna damit mo."

"Landi mo rin no? Kung hindi ka lang nakakatakot.." Aking sinabi habang pinapagpag ang aking uniform.

"Whatever." Kinuha niya ang skateboard niya, tumalikod at naglakad ng  konting distansya sa akin.

"Ciao." Tumingin siya patalikod at nagskate patungo sa lagusan ng school.

Kris.. Hmm.. What creature are you?

Sit Back and Relax [ HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon