Chapter 3

24 2 0
                                    

Ano na kaya nangyayari dun sa kalsada? Baka may nagbabarilan na. Kamusta na kaya yung mga yun?

"Uy shayne? Okay lang kaya sila Kris?" Tanong ko habang nakaupo kami sa jeep.

"Yieeee, concerned siya!" Tukso nito sa akin.

"Di ah, siyempre mga estudyante pa lang sila. Madami pa silang dapat gawin sa buhay no." Sagot ko sa tukso niya.

"Deeee, alam naman namin na guwapo at hot si Kris. Jusko, sinong hindi kikiligin.  Buti nga nalilink ka ehh. Besides bagay kayo." Tukso naman ni France habang nagtetext.

"Oo nga!" Sangayon naman ni Shayne.

"Huwag nga kayo! Ayaw ko yung tipong ganun no.." Sagot ko sa dalawa. Napapadabog na ako dito sa jeep. Nang biglang may nakamotor sa likuran ng jeep.

"Zea! Zea!" Sino naman tong ugok na to? Kinalabit ni Shayne ang nakaupo sa bandang dulo at pinagpalit kami. Buti nalang pumayag si kuyang mangha sa kagandahan ni Shayne.

"Number mo nga ate oh." Paguwapong sinabi ni koya.

"May boyfriend ako at ewww yang cellphone mo no."  Nagtatagong sagot ni Shayne sa likuran ni France.

"Ang pagmamahal ko sayo parang cellphone kong 3310 babe. Matibay!" Nakalipbite na banat ni kuya. Ano ba tong mga to, humarap ako sa labasan ng jeep at naalala kong may tumatawag sa akin na nakamotor.

"Oh yes? Zea kamo."

"Kanina pa ako sigaw ng sigaw. Namaos na ako. Keith nga pala, pinapasundo kayo ni Kris. Baba dali." Nagmamadaling utos nito sa akin.

"Ayaw ko nga!"

"Sige na Zea! Dalian niyo. Ipara niyo na!"

"Ayaw ko nga eh."

Nagtatalo kami nang biglang sumigaw si manong driver.

"Ang ingay niyo! Nahihirapan akong magdrive!" biglang kinuha ni Keith ang cellphone sa bulsa niya.

"Oh ano number mo?! Para di tayo maingay na nagsisigawan dito!" Utos niya sa akin.

"Ayaw ko padin!"

"Magtatalo pa ba tayo? Hanggang cellphone number?!"

"Eh ayaw ko nga!"

Habang nagtatalo kami may mabilis na motor na patungo sa amin. Nakasunglass at seryoso ang dating. Gumilid siya sa jeep at nageye to eye contact sila ni Shayne.

"Ang guwapo.." Bulong ni Shayne habang nakalipbite si koyang nanghihingi ng number niya.

"Thank you babe! There's more of that came from.  Just type your number here." Mapiling na biro ni koya habang pinapakita ang muscles niya kay Shayne.

"Hindi ikaw!" Sagot ni Shayne.

"Hoy Carlo! Ipara mo nga!" Utos ni Keith sa lalaking nakamotor din.

"Oo saglit." Humarurot yung lalaki patungo kay manong driver at pinara ang jeep namin. Binayaran ni Keith ang pamasahe namin at kahit ayaw kong bumaba eh napilitan ako dahil agad-agad na bumaba si Shayne.

"Hi I'm Shayne and you?" Kumapit si Shayne sa braso ng lalaki at tinggal nito ang kapit ni Shayne.

"I'm Carlo and I don't talk to girls." Supladong sagot nito kay Shayne at lumapit si France at Shayne sa akin.

"Akala ko ba may boyfriend ka?" Tanong ko kay Shayne. 

"Ano ka ba joke lang yun para tumigil yung lalaking yun." Paliwanag ni Shayne nang biglang pinaandar ni Keith ang motor niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sit Back and Relax [ HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon