Chapter 2

23 1 0
                                    

Anong halimaw kaya yun si Kris? Isang tikbalang na nagpabelo?

"Zea!" Sigaw ng kaibigan kong matalik na si Shayne.

"Okay ka lang ba?" Tanong naman ni France.

"Oo okay lang ako! Bakit hindi niyo ako tinulungan man lang o pinigilan yun si Kris?" Tanong ko habang inaayos ang laman ng aking bag. Napaupo sila sa tabi ko at ipinaliwanag ang lahat.

Kung anong halimaw o aswang nga ba si Kris. Malalaman niyo na kung anong klaseng mythology si loko.

"Kristoff Luke Santiago fren. Isa sa anim na royal family dito sa school. Ang anim na royal family ang magkakapartner kung bakit nakatayo tong paaralan natin. Kilala siya sa line niyang MY JOB IS MY JOB at SIT BACK AND RELAX ayaw nun ng may nangingielam sa trabaho o bata niya. Gusto niya siya ang gagawa ng lahat kung sinabi niya." Paliwanag ni Shayne nang biglang inakbayan ako ni France at may pahabol na fact.

"May grupo sila Kris dito. Hindi gang ah? That's so ew. I mean sa panahon ngayon jejemon nalang ang may gang. They call themselves Mendretia Famiglia." Isang fact mula kay France at sa tagal ko na dito hindi ko pa alam ang mga yan.

"Mafia like. 15 sila sa Famiglia. May sarili silang meeting room dito sa school at walang nakakaalam kung saan yun. Mendretia Famiglia ang nangunguna at kinakatukutan sa walong paaralan na may Famiglia. Kilala din ang Medretia dahil sila ang kinuha nang may-ari ng Ledeva University para ishutdown ang Famiglia nila dun." Dagdag ni Shayne.

"Shut down? Bakit?"  Naghihimutok kong tanong.

"Levegïa Famiglia ang nangunguna sa lahat dati. Pumapangalawa lang tayo at dahil nangunguna lang ang Levegïa dahil sa mga illegal acts nila like Drug pushing etc. Eh naisipan ng Ledeva University na ipashutdown ang Famiglia nila. Mafia-like War talaga sila nun." Paliwanag ni Shayne.

"At ilang Famiglia narin ang pinatumba ng Mendretia dati. Lalo na si Kris na natsismis dito sa school dahil tinambangan siya ng Levegïa two days after the shut down. 10 men vs him magisa. Siya ang father o leader ng Mendretia Famiglia." Dagdag ni France.

"Eh ano ba talaga pinaglalaban ng mga Famiglia na yan?" Tanong ko sa dalawa.

"Ang honor at respeto ng ibang Famiglia sa teritoryo nila o paaralan natin." Sagot ni Shayne.

"Ganun? Mga halimaw naman pala. Para sa respeto ano anong kashungahan ang ginagawa." Pabiro kong sinabi nang biglang tinakpan ni France ang bibig ko.

"Uy Zea shut up. Huwag mong lolokohin ang mga Famiglia. Dahil simula palang dati ito na ang patakaran nila." Nanginginig na sinabi ni France at pinakawalan ang bibig ko.

"Okay okay.." Aking sagot nang biglang nag-growl ang tiyan ko sa gutom.

"Osha tara na nga. Gutom na si Zea, kain tayo sa labas. Treat ko!" Masayang sinabi ni Shayne at tumalon talon si France sa tuwa. 

Kung saan-saan kami pumunta at kumain. Hindi namin pinapansin ang orasan at kung ano-ano din na kasiyahan ang ginagawa namin.

Habang naglalakad kami papunta sa Gaudencio's Café eh biglang napatigil sila Shayne at France sa paglalakad.

"Huy bakit?" Itinuro ni Shayne ang grupo ng mga lalaki sa harapan namin. Mga nakasuot ng pulang leather jacket at nakakatakot ang dating.  Humarap kami patalikod at maglalakad nang biglang may nakita ulet kaming grupo ng lalaki na pare-parehas nakasuot ng Black shirt at may Design sa harap na script  na M.

"Sa likuran natin Revēgo Famiglia at sa harap naman natin Mendretia.  Saan na tayo?!" Tanong ni France.

"Para ng jeep dali!" Natatakot na nagmamadali si Shayne. Nang biglang may nakabangga sa aking likuran. Napatingin ako at nakakatakot ang kanyang itsura. Bago pa ako magalit at magsalita tinakpan ni France ang bibig ko.

"Drei, parahan mo sila ng jeep. Walang dapat madamay." Biglaang utos ni Kris sa likuran namin. Nakasando siya habang nakapabulsa ang kamay niya. Pinarahan kami ng jeep ni Drei.

"Ingat kayo ah." Pahabol ni Drei nang biglang hinawakan ng lalaking nakared na leather jacket ang pulso ko. 

" Let her go." Galit na utos ni Kris sa lalaki.

"Yeah only know you love her when you let her go." Pabiro na sinabi nang kasama ni Kris.

"Kent! Shut up."

"Okay."

Lumapit si Kris sa lalaking nakahawak sa pulso ko at bumulong.

"Let her go.." Hinawakan ni Kris ang pulso ng lalaki sa gitna ng braso niya at hinigpitan ang kapit. Nasaktan ang lalaki at nabitawan nito ang pulso ko.

"Punyemas animal na hayop oh! Lalandi niyo! May naghihintay na pasahero!" Reklamo ng driver. Sumakay agad kami at sinipa ni Drei ang pwetan ng jeep. Nagaalala ako anong gagawin nito nila Kris eh estudyante palang sila.

"Kris! Paano kayo?!" Umandar ang jeep at hinatak na ako nila France paupo nang biglang nadinig ko ang sigaw ni Kris.

"Sit Back and Relax! We got this."

Sit Back and Relax [ HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon