Prologue

63 2 0
                                    

* Author's note:

Hello! :) ThisBoySenpai here. Muli po akong nagbabalik sa larangan ng pag-susulat at dahil po sa kaibigan ko na itatago natin sa pangalan na Rj eh binigyan niya ako ng idea kung ano ang susunod kong ippresent sainyo which is itong story na to. Thank you and Enjoy Reading! *

"Zea! Zea! Zeaaaaaa!"

Mama? Ikaw ba yan? Teka lang inaantok pa ako eh.

"Zeaaaaaaaaa!"

Ma ano ba nananaginip pa ako. Jusko, kasayaw ko na si Enrique Gil!

"Zeaaaaaaaaaaaaaaa!"

Omg Enrique ang guwa- Ma?

Kasayaw ko si Enrique Gil nang biglang nagkaroon ng interruption sa connection ng panaginip ko. Nagbago ang anyo ng kasayaw ko. Naging si mama.

"Mama opo. Gising na, panira ka naman sa moment ko mama eh. Kikiligin na ako dapat." aking reklamo habang kinukusot ang aking mata at kaya pala lakas makasira sa connection neto eh. Sumisigaw sa tenga ko.

"Hala? Natutulog kikiligin? Anong bonggang trip yan anak? Hindi kilig tawag diyan bangungot! Kilig kilig, pwe. Magbihis ka na."

"Bitter!"

Lumabas si mama sa kuwarto at bumangon na ako sa kama. Naligo, Nagbihis, at nag-ayos ng buhok. Pagkatapos ng lahat bago ako lumabas ng kuwarto napatingin ako sa aking kama.

"Kelan kaya kita mapapakasalan kama ko?" tanong ko sa aking kama at humiga ulet ako. Nang bigla akong pinalo ni mama sa pwet.

"Aray ko naman!"

"Bangon! Bangon!"

Bumangon ako ulet at hinablot ang aking bag sa likuran ng pinto. Hinalikan si mama sa pisngi at yippie go yehey talon talon sa labas ng bahay dahil may baon.

Full name ko? Ako nga pala Zea Hizon. Isang magandang dilag na babae na makakasama niyo sa kaduloduluhan ng storya na ito.

4th year Highschool sa Mindred University at dahil kilala mo na ako..

eh secret lang natin to ah? Madaming loko-loko sa mundo at lalo na sa school namin. Kaya be tahimik.

Tignan mo naman, nasa harap pa lang ako nitong gate ingay agad ang nadidinig ko. Yumayanig ang sahig at para bang maguguho na ang gusali.

Pero sanay na ako kaya..

*Blag*

"Aray ko! Kasi naman watch where you're goi--"

"What?"

Grabe naman tong lalaking

bugok na to. Kung makabangga parang sasakyan. Dama ko yung buto niya! Parang skinless si tungeks.

Pupulutin ko na sana ang mga papel nang bigla niyang hinawakan ang baba ko.

"No, let me."

Pinulot niya ang mga papel at folder ko at pinagpagan ang uniform ko. FC? FC?

"Next time, watch where you're going okay?" Sabi niya sa akin habang nakapabulsa ang mga kamay niya.

"Siraulo ka ba? Nakatingin ako sa dinadaanan ko. Ikaw tong nakatingin sa sahig habang naglalakad, langgam lang?" Lumiit ang kanyang mga mata at tumingin ng diretso.

"Like this?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti at dahil nadidinig ko na ang Lupang Hinirang. Nagpaalam na ako at tumakbo ng mabilis.

"Late na ako! Bahala ka sa buhay mo at oo ganyan! Bye!"

"Whatever..."

Natapos na ang flag ceremony at dumiretso na kaming lahat sa classroom. Klase, klase, kain, klase, klase, klase, klase, kain, klase, klase, at kain.

Simpleng gawain ng isang estudyante hanggat sa pumatak sa dismissal ang orasan.

Umupo kami sa bench after classes at nagkukuwentuhan sa mga bagay-bagay nang biglang may bolang mala-meteor na tumalbog sa ulo ko.

Uppercut ni Manny! Nagdadalawang isip kung susuko at tatayo nang bigla nanaman akong hawakan nung lalaki kanina ang kamay ko at inayos ang upo ko.

Tinitigan ko lang siya at tumayo ako sa bench para mahadouken ang mokong na nakabato ng bola sa ulo kong ginawang basket.

Pero bago pa mangyari yun hinatak nung lalaki yung kamay ko at pinaupo ako.

"Let me."

"Let me let me nanaman! Tabi ka nga diyan. Kanina langgam ngayon Jimmy Bondoc? Let me be the one?" Tinitigan niya lamang ako at binitawan ang aking kamay. Hinawakan ang dalawang balikat ko at binalik ako sa upo.

"Corny naman nun nyeta. Let me do the job!"

"Oh ngayon?"

"Sit Back and Relax."

Sit Back and Relax [ HIATUS ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon