chapter 2

8 0 0
                                    

Ilang oras na kaya kaming nandito?
Buti naman at di na tumalak pa itong kasama ko dito kung hindi ewan ko nalang baka nasapak ko na sya,

Maya-maya may narinig kaming kumakalas sa labas at parang bubuksan na ang detention,buti naman at makakalabas na ako dito bagot na bagot na talaga ako.

Pagbukas ng pinto laking pagdismaya ko na hindi si Mrs.Bueno ang taong pumasok,kundi isa din palang estudiyante,kainis naman eh.

"Sino kaaaa?"lumapit si Jeovinna sa kaniya at niyugyog pa,abaaahh feeling close talaga netong babaeng to,di manlang mahiya,muka pa namang i-isnobin lang siya ng stranghero.

"Ordy"biglang tumingin ang estranghero sa kaniya at ayun lumaki naman ang mata netong si Jeovinna abbbaaa marupok den.

"Upo tayo doon"turo niya sa pinaka dulo ng upuan.

"Tch"napairap nalang talaga ako.juscooo ka Jeovinna wala kang pinipili.

Sinalpak ko nalang ulit ang headset saking tenga at pin-play ko na talaga ang music don.

Maya-maya bumukas ulit ang pintuan at pigil-hiningang hinihintay kung sino ang iluluwa nun.

Nakahinga din ako ng maluwag ng si Mrs.Bueno ang taong pumasok.

"Sana'y maging tanda ito para sa inyo"

"Opo Mrs.Bueno di napo mauulit"nilingon ko si Jeovinna na nasa likod kona pala.

Teka nasan na yung lalaki dito kanina.sino nga yun?

"Teka asan na y----"naputol ang sasabihin ko ng hilahina ko ni Jeovinna palabas ng Detention.

Problema ng babaeng to,hinayaan ko nalang siya para di na suya tumalak pa.Namalayan ko nalang na papunta pla kaming cafeteria.

"Danna libre na kita"kumabit pa siya sa braso ko.

"Bahala ka"winasi ko naman aang kamay niyang nakapulupot sakin.

Nakapasok na kami sa cafeteria at umupo naman ako sa bakanteng table,dumeretso naman si Jeovinna sa counter.

In-open ko ang aking sketchpad at pinag patuloy ang dino-drawing ko.Actually nung nakaraang araw kopa ito sinimulan,nahihirapan lang akong i-picture out yungnakaukit dun sa panaginip ko.

"D-danna ano yan?"bigla akong napatalon sa gulat ng nasa harap kona si Jeovinna

"Juscoo Jeovinna"bigla kong tinago sa bag ang sketchpad ko,nang malaman kong sa drawing ko siya nakatingin at......parang gulat siya?bakit?wierd ah.

"D-drawing mo yun?"umupo na siya sa harap ko pero halatang gulat padin,problema neto?

"Oo"inumpisahan ko nang kumain,pero nang tignan ko ang nasa harap ko nakatingin lang siya sakin at di ginagalaw ang pagkain niya.

"Problema mo?"

"Ah---aaaa w-wala"nag umpisa na din siyang kumain pero nililingon niya padin ako,ang wierd niya ngayon.

Nagpatuloy nalang talaga ako sa pag-kain.Nilibot ko ang mga mata ko sa canteen at nakita ko yung lalaki kanina sa detention,di kalayuan sa amin.di ko alam pero napako ang tingin ko sa kaniya.

"Ahhhh"bigla akong napahawak sa sintido ko ng biglang sumakit ang ulo ko.

"Danna ok lang?"nag aalalang tanong ng kasama ko.

"A-ang sakit ng ulo ko"tumingin ako sa lalaki kanina at naka tuon din ang paningin niya sa gawi ko or let me say sakin talaga.

Dumidilim ang paningin ko."ahhhhh ang sakit"

"Dannaaaaa anong nangyayare?"

"Ahhhhhh"

-----Still In Him

Still In Him:Era Of RegressionWhere stories live. Discover now