Natapos ang maghapong klase naisipan kong pumunta muna sa library,gusto kolang ng kapayapaan,pakiramdam ko kase pinagkait na ito sakin because of Jeovinna
Na wirduhan nanaman ako nung pagpasok ko sa library ay walang katao-tao pero bukas naman ito.Nakakapagtaka din kase puno lagi ang library na to,at isa pa halos mag over-time na nga ang librarian dito kase ayaw pa umuwi ng mga students na nag reresearch dito.Unang pagkakataon palang ata ito.
Kahit ang wierd ng nararamdaman ko nagpatuloy padin ako sa pagpasok at dinaanan kolang ang logbook kung saan sinusulat namin ang mga ID number namin pag mag reresearch dito sa library.
Paglapit ko palang sa first row ng bookshelf may nahulog biglang isang libro,makikita sa hitsura nito na napakatanda na at matagal na itong di nabubuklat at nababasa.
Humakbang ako palapit at akmang pupulutin na sana ng biglang may nagsara ng pinto kaya patakbo akong lumapit sa pinto at nalaman ko nalang na nalock ako dito sa loob.
"For real?na lock ako dito na mag-isa,saya naman grabeee"nasabi ko nalang habang di makapaniwala.
Pagbalik ko sa puwesto kung nasan ang librong nahulog kanina ay wala na ito.Kinilabutan ako ng sobra,ano bang nangyayari bat parang kakaiba ang nangyayari sa buhay ko netong mga araw lang.
Pumunta nalang ako sa isang lamesa at doon ko inihiga ang ulo ko,buti nakang at naka-andar lang ang mga ilaw dito kung hindi nangisay nako sa takot.
----------
Nakaramdam ako ng pangangalay at sakit sa batok ng may tumapik-tapik sa likuran ko.
"S-sino ka?"napatayo ako ng may babaeng nasa likod ko,magandang babae ngayon kolang ata siya nakita.
Matamis na ngiti ang sinagot niya sa tanong ko.
"Bukas naba ang library?"di ko na hinitay ang sagot niya,naglakad na ako papuntang pinto at bukas na nga.
Nilingon ko ulit ang babae at nakatayo padin siya doon malapit sa lamesa.
Lalabas na sana ako ng maalala kong yung bag ko naiwan pala doon sa lamesa kaya bumalik ako upang kunin yon.
Nakatingin lang sakin ang baabae habang kinukuha ko ang bag ko na cu-curious tuloy ako.
"Dana maiintidihan mo din lahat sa takdang panahon,sa ngayon lumaban kalang at maghintay sa mga posibleng maganap sa iyong buhay,isipin mong mahal ka ng lahat isipin mong di ka nag-iisa,kaya mo yan magtiwala kalang"
A/N:
Sheemsss tumatayo balahibo ko habang sinusulat ko ang chapter nato.parang magiging horror kase eh >_<

YOU ARE READING
Still In Him:Era Of Regression
FantasyPaano ngaba maalala ang nakaraan? Ano kaya mararamdaman mo sa tuwing pag gising mo parang may kulang sa pagkatao mo? Gusto mo malaman ang lahat pero sadyang pinagkakait ito sa iyo. Ang hirap no?sobra _____________________ Si Danna ay isang simpleng...