Nakaramdam ako ng pagyugyog sa katawan ko "Ms.Glaumory?Ms.Glaumory wake up"
Taka akong tumingin sa gumising sakin,ang librarian pala.Anong nangyare? nasan na ang babae?yung babae kanina nasan na?
"Ms.Glaumory are you ok?"
Nag-alalang tanong niya?Wow?siya kaya ma lock dito mag-isa,ok lang kaya siya?tch.
"Yeah I need to go Ma'am"deretso kong sabi at tumayo na.
Naglalakad nako pauwi pero di padin maalis sa isipan ko ang babae kanina,parang totoo siya,ang nangyari kanina parang totoo lahat.
Bat panaginip lang?'Dana maiintidihan mo din lahat sa takdang panahon,sa ngayon lumaban kalang at maghintay sa mga posibleng maganap sa iyong buhay,isipin mong mahal ka ng lahat isipin mong di ka nag-iisa,kaya mo yan magtiwala kalang'
Anong ibig-sabihin ng babae kanina?haaaaaa ano ba kaseng nangyayare?natatakot nako.
Pagdating sa bahay bigla akong linamun ng kalungkutan,na- realize ko na kahit pala di ko ka close sila daddy ma-mimiss ko padin pala ang prensensya nila.
Pumunta nalang ako sa kwarto at nahiga doon,halos ilang minuto na ata ako nakatihaya sa kama at naka-tulala sa kisame.
Maya-maya nakaramdam nalang ako ng likidong mabilis na dumadaloy sa pisngi ko"D-daddy"halos pahagul-gol kong sabi.
------------
"Isang kahariang nakalayag sa ulap,mga taong di pangkaraniwan ang pisikal na hitsura. mayroon silang pakpak na malalapad at buhok na mahahaba,may mga matang bughaw at mapupulang labi.nakasuot ng mahahabang kasuotan at may mga nakapatong palamuti sa kanilang mga ulo,mukha silang mga diwata.
Pag-pasok palang sa loob ng kaharian makikita na agad ang napaka-habang lamesa at malalaking mga silya.
May mga katulong ding naglilinis at di halata sa mukha nila ang pagkapagod muka pangang nagagalak sila sa kanilang mga ginagawa.
Sa gitnang unahan banda ng palasyo makikita ang sobrang gandang trono,nakakamangha kung pagmamasdan ito,nakaka-agaw pansin ang malaking naka ukit doon sa trono.
"Kamusta ang paglalakbay ninyo?"tanong ng mukang pinuno nila.
"Nahihirapan po kaming hanapin siya,Amang Tzar"tungong sabi ng isa sa mga tinanong ng mukang pinuno.
"Sikapin nyo nalang na mahanap ang---"
-------
"Dannnnnaaaaaaa!Taooooo pooooooo!Daannnnnaaaaaaaaa!Yuuhooooooooo Naaaaandiiiiyaaaaann kaaaaabaaaaaa?Daaaannnnnnaaaaaaa?!"sigaw at kalampag ng tao sa labas.
Anak ng...Mabilis akong naalimpungatan at patakbong lumapit sa pinto at binuksan yon.
Pagbukas ko ng pinto halos lumuwa ang mata ko ng makita ko si Jeovinna.Nakasuot siya ng pantulog at may dala-dala pang isang unan.
"What the hell are you doin' here Jeovinna?are you insane?pano ka nakapasok dito?"pasigaw kong tanong sa kaniya.
Goshhhh di ako makapaniwala."Grabe ka naman makasigaw Dana"ngumuso siya nang pagka haba-haba. "nalaman ko kaseng wala kang kasama dito" hinawi niya ako patabi at pumasok sa kwarto ko.
"Teka sino nag sabing pwede kang pumasok dito?"
"Hihihi wala naman"sabi niya sabay tihaya sa kama ko.
"Joevinna aalis ka o sisipain kita?"nag cross-arms ako sa harap niya.
Mabilis siyang napa-upo "Sabi ko nga uupo muna ako"
"Pano ka naka-pasok dito?"
"Window"sabi niya habang kinukut-kot ang kaniyang kuko.
"Pano mo nalamang wala akong kasama dito?"taas-kilay kong tanong.
"Ang totoo Dana quiz bee to?"taas-kilay din niyang tanong.
"Lupet ahh nakakapag-taray kana ahh?"tatango-tango kong sabi.
"Ginaya lang kita hehe"nag peace-sign siya.
"San ka ngayon matutulog?"inis kong tanong.
"Ewan ko uuwi nalang siguro ako,wala pa naman akong dalang motor nag taxi lang kase ako,kaya uuwi nalang ako ng naglalakad"kinukut-kot niya padin ang kuko niya.
Nagpapakonsensya patong babaeng to,alangaan namang pauwiin ko talaga eh mag aala-una na,kokote talaga ng babaeng to.Bat pa kase pumunta to dito,kainis.
"Tabi nga diyan"mahina ko siyang sinipa sa paa.
Tumabi naman siya."Dana youre so harsh on me" mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Arte mo patulugin kita sa labas ehh"humiga nako at inagaw sa kaniya ang unan kong yakap-yakap na niya.
"Oyyy Dana akin yan"tangka niya pa sanang aagawin.
"Talaga?"tinignan ko siya nang may pambabanta
"Ay hindi pala"sabi niya at biglang nagtalukbong ng kumot ko at nagtulog-tulogan agad
"Psh"tumalikod nalang ako sa kaniya.
Mukang di pa ata ako makakatulog ng maayos ngayon,di kase ako sanay namay katabi,buti nalang at medyo malaki tong kama ko.
Tinignan ko ulit si Jeovinna na mahimbing agad na nakatulog.
~~~~~~~~
Bbjing> heyowwwww guysuaaa
\(^,^)/ enjoying my story?hihihi
Salamat ng heap*>*
YOU ARE READING
Still In Him:Era Of Regression
FantastikPaano ngaba maalala ang nakaraan? Ano kaya mararamdaman mo sa tuwing pag gising mo parang may kulang sa pagkatao mo? Gusto mo malaman ang lahat pero sadyang pinagkakait ito sa iyo. Ang hirap no?sobra _____________________ Si Danna ay isang simpleng...