Si Bianca na siguro ang nabuhay sa mundong ibabaw na perpekto. Bukod sa madali niyang nakukuha ang mga bagay bagay na gusto niya tulad ng mamahaling sapatos, bag, damit, kotse at mga alahas. Maganda si Bianca, maraming naiingit na mga babae sa kanya dahil sa taglay niyang kagandahan, Lahat ng mga kalalakihan ay nahuhumaling sa kanya, sa katunayan nga siya ang pinaka magandang babae sa campus nila.
Ang tatay ni Bianca ay si Henry Coangco Ayala isang businessman at siya lang naman ang pangalawang pinakamayaman sa buong pilipinas at pang lima sa asia. Ang nanay naman niya ay si Fermina Sy Ayala katulong siya ng kanyang asawa sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya.
Sa airport galit na galit si Bianca dahil labin-limang minuto na siyang naghihintay sa kanyang kotse. Pagdating ng kotse ay lumabas ang driver nito.
“My goodness Manong Roger ang tagal mo”. Galit na sigaw ni Bianca sa kanyang driver na papalapit sa kanya.
“Ma’am I’m sorry po traffic po kasi ei!”. Sagot ng driver niya.
“Whatever, I’ve been waiting here, for about fifteen minutes already, that is so matagal na. I’m so buryong na here!” sabi ni Bianca sakanya at napakamot naman si Manong driver sa kanyang ulo.
“I’m sorry po talaga ma’am!” sagot ni Manong driver sakanya, sabay bitbit sa mga bagahe ni Bianca at nilagay sa likuran ng sasakyan.
Pagkalagay ni Manong ng mga bagahe ni Bianca ay agad-agad itong sumakay sa driver sit, papaandarin na sana niya ang kotse ng biglang.
“Oh my god, what is that smell?” sabi ni Bianca kay manong sabay hanap kung saang amoy iyong hindi gusto ng kanyang ilong.
“Anong amoy ma’am?” tanong ni manong sakanya.
“Amoy basura, smells like rotten rat or something, so gross”. Maarteng sabi ni Bianca sabay takip sa kanyang ilong.
“Wala naman akong naaamoy ma’am” sagot ni Manong sa kanya.
“Wait! Sigaw ni Bianca sa kanya sabay labas ng kotse, napalabas rin si manong sa kotse.
“Give me the key’s”. sabi ni Bianca sa kanya at agad naman niyang iniabot ang susi. Pumasok si Bianca sa kotse at umupo siya sa driver sit at sinara ang pinto. Aalis na sana siya ng biglang kinatok ni manong ang pinto sabay banggit ang pangalan ni Bianca, animoy nagmamakaawa na pasakayin siya sa kotse. Agad naman binaba ni Bianca ang salamin ng kotse dumukot siya ng pera sa kanyang wallet at iniabot kay manong.
“Ayan limang libo, maligo ka ng pabango, kapag mabango kana pwede mo na akong imaneho”. Sabi ni Bianca sa kanya sabay andar ng kotse niya at iniwan niya si manong.
Pagkarating ni Bianca ay dali-dali itong bumaba ng kotse at iniabot ang susi sa isang lalake na papalapit sakanya, dire-deretsong pumasok si Bianca sa kanilang mansiyon.
“Good morning ma’am Bianca”. Bati ng mga katulong sakanya
“Whatever!” sagot ni Bianca.
Agad agad namang lumabas ang mga limang katulong na bumati sakanya at binaba ang mga gamit ni Bianca.
Pagdating sa sala ni Bianca ay nakita niya ang isang katulong na nagpupunas ng mga lamesa.

BINABASA MO ANG
ABA UMIIBIG NA PALA AKO
RomanceMeet Bianca the socialite girl from manila, Mayaman, Maganda at Matalino ngunit maganda man siya sa inyong paningin, devil parin siyang maituturing. Ano kayang mangyayari sakanya kung mapadpad siya ng probinsiya? well you read and you will know kung...