Sa unang araw ni Bianca sa Mountain Hills Community High School ay napasabak na kaagad siya awayan. Napatawag tuloy siya sa principal’s office nang hindi niya inaasahan.
“Siya ang unang nangaway, siya yung unang lumapit sa amin sa table tapos pinagmumura kami”. Sabi ni Drew sa principal na nakaupo sa harapan nila ni Bianca.
“Excuse muah?” gulat na sabi ni Bianca nang marinig ang mga iyon kay Drew.”Lumapit ako para makipagkaibigan and by the way you’re the one who throw a glass of juice first”. Sagot nito sakanya.
“Drew, ganyan mo ba i-welcome si Miss Ayala sa unang araw niya sa skwelahan?” tanong ng principal sakanya.
“Yeah baby, is that how you treat me?” tanong ni Bianca kay Drew.
“And Miss Ayala, Ganyan kaba umasta sa unang araw mo sa skwela?” tanong ng principal kay Bianca.
“What?” gulat na sabi ni Bianca
“Ganyan kaba pinalaki ng magulang mo?” tanong ng principal sakanya “Alam kong galling ka sa prminenteng pamilya, pero mukhang nagrereflect sa iyong pananalita kung anong klaseng tao ka!” dagdag pa nito, parang nanliliit si Bianca sa kanyang inuupuan.
“Excuse me, Hindi mo alam kung sino ang mga magulang ko”. Sagot nito sa principal
“Kilala ko kung sino ang mga magulang mo Bianca, infact I know your backround, Kung ganyan ka umasta sa loob ng mansiyon niyo pwes dito hindi mo kami masisindak nang katarayan mo!” sigaw na sabi ng principal. “Ang mansiyon ay sayo, ang paaralan ay saakin, kaya umasta ka ng naaayon sa lugar”. Masungit na sabi ng principal nan aka taas na ang dalawang kilay niya.
Hindi makapaniwala si Bianca sa nangyari sakanya, unang beses palang niya kasing nasindak ng isang taong hindi niya kilala. Habang naglalakad si Bianca ay tinawag siya ni Daniela na para bang napagod at hingal na hingal sa paghabol kay Bianca.
“Senorita…senorita”. Paulit-ulit na sigaw ni Daniela habang papalapit ito.
“Yes?”
“Sabay na po tayong umuwi senorita” alok ni Daniela sakanya nang biglang may tumawag sakanya sa kanyang likuran. Si Jessica at Gayle mga kapwa nerd ni Daniela, mga babaeng hindi mahilig magsuklay at tila hindi pa alam gumamit ng shampoo.
“Daniela tara na!” sabi ni Bianca sa kanila
“Daniela saglit sabay na kami sainyo”. Sigaw ni Jessica sa kanila.
“Sino siya?” tanong ni Gayle kay Daniela habang naglalakad sila samantalang si Bianca naman ay naglalakad di kalayuan sa kanilang harapan.
Nang makalabas sila ng gate ay biglang sumimangot si Bianca sabay sabing “Maglalakad nanaman ba tayo?”
“Opo senorita”. Sagot ni Daniela sakanya
“Senorita?” gulat na sabi ni Jessica kay Daniela “Talaga lang ha!” dagdag pa nito, at sinuko naman siya ni Daniela at tinitigan siya na para bang nagsasabing tumahimik ka.
********
Hindi maiwasang malungkot ni Bianca at parang ayaw niya nang magaral. Noon ay siya ang nagre-reject sa mga tao, ngayon ay sila na ang nagre-reject sa kaniya. Napaupo si Bianca sa harapan ng antique na salamin sa loob ng kanyang kwarto. Nang biglang pumasok si Daniela na may dala-dalang isang baso ng gatas. Napatingin si Bianca sa may salamin para tignan kung sino ang babaeng pumasok nang biglang napasigaw siya sa takot.
“Senorita Bianca!” sabi ni Daniela sakanya.
“Walang hiya ka, tinakot mo ako doon ha!”halos di maka hinga si Bianca sa takot ng makita ang reflection ni Daniela sa salamin.

BINABASA MO ANG
ABA UMIIBIG NA PALA AKO
RomanceMeet Bianca the socialite girl from manila, Mayaman, Maganda at Matalino ngunit maganda man siya sa inyong paningin, devil parin siyang maituturing. Ano kayang mangyayari sakanya kung mapadpad siya ng probinsiya? well you read and you will know kung...