Chapter 2

7 0 0
                                    

“Helo papa, good morning!” bati ni Bianca sa kanyang ama habang umiinom nang mainit na kape. Kinuha ng kanyang ama ang diyaryo at nagbasa ng balita.

            “Kamusta na ang aking unika iha?” tanong ng kanyang ama.

            “Well I’m fine, everything is good” sagot ni Bianca sa kanyang ama “how about you papa, kamusta ang business?” tanong nito.

            “Just like you are, everything is fine, pagdating ng panahon you will be the one to take good care of our company”.

            “Well I can’t wait for that time”.

            “Tama na yang bolahan, let’s eat na, malelate na tayo sa flight papa!” sabi ng kanyang ina.

            “You’re out of town again?” gulat na sabi ni Bianca sa kanyang ama.

            “As usual my darling, Kailangan kong umattend ng business meeting sa cebu”. Sagot ng kanyang ama.

            “I thought we are going to watch movie later, after my class?”

            “I’m sorry, but I need to attend the business meeting, na move kasi yung meeting na sana by the end of the week pa, kaso the investors are flying back to france by the end of the week na daw so, na move ng mas maaga ang meeting”.

            “Okay!”

            “I’m sorry honey, hayaan mo pagbalik ko on Saturday, the whole day all we have to do is watch movies, anywhere you want”.

            “Really?” sagot ni Bianca na mukhang excited.

            “Yes!” sagot ng kanyang ama na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

            “Okay, hihintayin kita papa”.

            “Well we need to go darling, malelate na tayo sa flight natin”. Sabi ng kanyang ina sabay tayo sa lamesa at higop ng kape.

            “Hatid ko na kayo sa labas” sabi ni Bianca sa kanila.

           

            Habang papalabas na si Senora Fermina ay inabot naman sa kanya ng katulong ang kanyang bag.

            “Lahat naba ng bagahe namin nasa kotse na?” tanong ng senora sa katulong.

            “Opo senora, maayos napong nakalagay sa inyong sasakyan ang inyong mga bagahe”. Sagot ng katulong sakanya.

            “Honey we need to go now” sigaw ng tatay ni Bianca sa kanyang asawa at dali-dali naman siyang sumakay sa sasakyan.

            “Bye papa, bye mommy”. Kaway ni Bianca sa kanila habang unti-unting papalayo ang kotse sa kanyang kinatatayuan.

********

           

Umalis narin si Bianca papuntang eskwela, pagdating niya doon ay nagaabang ang mga IT GIRLS sakanya sa may harapan ng building pumasok sila ng building na para bang mga special na mga tao sa paaralan, para silang ambulansiya sa kahabaan ng daan, lahat ay gumigilid pag sila ang dumadaan. Kung sino man ang nakaharang sa kanilang daraanan ay tiyak na malilintikan.

            “Girls mauna na kayo, susunod nalang ako sa klase mag C-cr lang ako”. Sabin i Bianca sa kaniyang ka IT GIRLS.

“Samahan na kita”. Sabi ni Sofia kay Bianca

ABA UMIIBIG NA PALA AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon